"M-ma...t-tay..." Kinakabahan kong tawag sa kanila. Hindi ko alam kung paano ipapaliwanag ang lahat... Dapat ay sinabi na lang namin ang totoo... At null and void naman iyon... Sana hindi naging ganto...
Nagulat na lamang ako ng bigla kaong yakapin ni mama at ni tatay... They look so happy for what they heard...
"Akala ko kung ano na... Masaya ako para sa inyo mga anak... " Ani mama sa amin habang yakap yakap ako
"Yung pangako mo sa akin Alejandro ... Hindi mo papaiyakin ang bunso ko." Ani tatay .
"I promise that the next tears she produce are tears of joy, tito." Ani Alejandro.
"Tawagin mo na akong tatay, anak. Mapapangasawa ka na ng bunso ko kaya dapat masanay ka na." Masayang sabi ni tatay sa kanya.
Hindi ko alam kung paano ko sasabihin ang totoong sitwasyon . Natatakot ako...
"Salamat po, tay..." Ani Alejandro sa magalang at tila nagbalik ang dating Alejandro na kilala ko. Yung Alejandro ko noon. Nung hindi ko pa sya sinaktan para sa kabutihan naming dalawa. Mapait akong napangiti . Napatingin ako sa biglang umakbay sa akin... Ang masayang nakangiting si Alejandro habang nakikipagusap sa pamilya ko.
Huminga ako ng malalim upang pakalmahin ang sarili ko. Ayokong sirain ang masasayang ngiti ng mga ito. Makakaisip ako ng paraan para maayos ang lahat... I know I can fix this.
"So, kailan kayo mamamanhikan nyan? Para naman mapaghandaan din namin. Siguro pwede na next week?" Excited na tanong ni tatay. "Sana ay makasama mong mamanhikan ang mama mo at ang pamilya nya. Pati ang papa mo at ang pamilya nito. Para naman maging buo at pormal ang paghingi nyo sa kamay ng bunso ko. Unang pagkakataon kasing may mamanhikan sa henerasyon nila! Tiyak na matutuwa ang lola niya." Dagdag pa ni tatay.
Sobrang saya nya. Alam kong pangarap nito ang makasal kami at ihatid sa altar. Lalong lalo na ako dahil ako ang pet nya. Paano kayo kung malaman nyang ikinasal ako dalawang taon na ang lumilipas sa taong kinalulugdan nya? Siguradong masasaktan siya... Sila... At iyon ang pinakaiiwasan ko sa lahat... Ayoko...
Napatingin ako kay Alejandro at kunwaring kuryoso sa isasagot nito... Alam kong hindi sila maayos ng mama nya at kinalakhan niyang pamilya ng dahil sa akin... Natatandaan kong binanggit nya iyon noon...
At alam ko ring hindi nya gusto ang pamilya ng papa nyang totoo... Alam ko iyon..."Susubukan ko pong kausapin sila, tay." Alam kong pilit iyon. Kilala ko sya. Hindi nya ako malilinlang. "Hihintayin lang po naming maging maayos ang lola. Gusto po kasi naming naroroon sya simula umpisa ng paghahanda namin sa kasal."
Dagdag pa nito at hinapit ako palapit sa kanya. Nakaramdam ako ng pagkatuwa sa tinuran nito. He really loves my family, specially, my lola.Natahimik ang lahat ng magring ang phone ko. I excused myself to answer it. Si Ysang kasi ang tumatawag. Ayaw man akong pakawalan ni Alejandro, pero wala itong choice. Kausap nya ang mga magulang ko.
Nang makarating ako sa labas ng silid ni lola ...
"Hello, Ysa?"
"Claring! Nasa patag ka na ba? Kita tayo! Nababaliw na ako sa amo ko. Kailangan ko ng kausap! Kakauwi lang namin galing Germany! Mababaliw ako Claring.. tulungan mo ako" She said desperately
"Ysa, nasa ospital ang lola. " Sabi ko rito
"Kumusta ang lola? Anong nangyari? Bakit hindi ko nabalitaan kay ate Josefa? Saang ospital?" Alalang tanong nito.
BINABASA MO ANG
Stavros 5: I Remember the Boy
RomanceSo while the song still brings that certain glow And the words still sing of love I know It isn't quite the way it was before I remember the boy But I don't remember the feeling I remember the boy But I don't remember the feeling anymore