40

794 23 1
                                    

Namayanin ang mahabang katahimikan sa loob ng hospital room ni Alejandro...
Tila ba pareho kaming natatakot basagin iyon dahil alam naming malaki ang posibilidad na dito matatapos ang lahat...
Mapait akong napangiti sa isipan ko...kung kailan inamin ko na ang tunay kong nararamdaman... Naramdaman ko ang mga nagbabadyang mga luha ko...

"M-Maria Clara... L-let m--"

"T-totoo ba?" Nanginginig ang boses kong putol sa kanya.

Muli itong natigilan at napaiwas ito ng tingin sa akin . Tila takot na takot sagutin ang tanong ko. Alam ko ang ibigsabihin noon pero gusto kong marinig mula sa kanya iyon.

"Totoo bang h-hindi talaga tayo ikinasal n-noon? N-na ... K-kalokohan lang b-ba ang lahat?" Hirap na hirap kong tanong rito. Nakita kong akma itong tatayo at lalapit sa akin ..." ...W-wag kang lalapit.  Sagutin mo ang tanong ko na hindi ako lalapitan o hahawakan. " Medyo tumaas ang boses ko doon na ikinabigla nito ...napansin kong nag-igting ang mga bagang nito at nagkuyom ang mga palad na nakahawak sa kama.

"Ipangako mo munang hindi ka aalis at mananatili ka sa tabi ko." Seryoso nitong sabi sa akin habang nakatingin sa sahig.

"W-wala ka sa posisyon upang humiling ng kahit na ano mula sa akin, Alejandro." Mariin kong sabi rito.

Nakita kong napapikit ito na tila nasasaktan sa bawat salitang sinasabi ko. Mas naging mariin ang pagkakasarado ng mga palad nito at kitang kita ko ang mga nangangalit nitong mga ugat sa leeg at kamay...

"Hindi ka kinasal sa akin o kahit kanino man. Like I will let any man other than me to be your husband." He said na sinundan nito ng humorless na tawa habang ako ay parang hindi na makahinga sa nalaman mula rito. Nangingnig ang mga tuhod kong napasandal sa pader... Nakita ko ang kagustuhan nitong tumayo upang alalayan ako ... "W-wag mo akong lalapitan." Pigil ko rito habang pilit kong kinakalma ang sarili. Pilit kong pinoproseso ang nalaman ko... Ang dami kong katanungan dito.
"P-pero bakit mo sinabing k-kasal tayo... B-bakit... Ano yung mga dokumentong ipinakita mo noon?! B-bakit... Bakit parang a-ang alam ng p-pamilya mo ...a-ay asawa mo ako?! B-bakit?!"  Basag ang boses kong tanong rito ... I refused to look at him dahil baka mawala bigla ang galit ko sa kanya. Ayoko... Gusto ko munang malaman ang lahat...

"M-maupo ka muna... Please... Calm down first... Ieexplain ko ang lahat... Sasagutin ko ang mga tanong mo...but please, calm down. Maupo ka... Nag-aalala ako...baka sumpungin ka ng hika mo...please..." Nangungusap nitong sabi sa akin na ikinabigat lalo ng puso ko. How can he think about my welfare in this kind of situation?!

"Ayos lang ako! Kaya ko... Alejandro... Sagutin mo muna ang mga tanong ko... K-kasi... B-baka ... Baka pagnagpaanod na naman ako sayo... Baka... Bigla na lamang akong mawala at makalimot sa mga iyon... A-ayokong mangyari iyon... K-kung gusto mo talaga ng malinis na simula sa pagitan nating dalawa ay dapat ayusin natin lahat lahat. Gusto kong maging tapat tayo... P-para ... " Huminga muna ako ng malalim upang makakuha ng lakas nang masabi ang susunod kong sasabihin. "... Para makita ko ang sarili kong buo ang tiwala sa pagmamahalan natin... Kung totoo man iyon." Mapait kong sabi rito.

Narinig ko ang pagsinghap nito kasunod ang mabibigat nitong paghinga. "A-are you doubting my love for you, Maria Clara?" Anito sa tila natatakot na tinig.

I took another deep breath and stare at the floor. Hindi ko alam kung paano ko pa nakukuhang maging malakas ngayon. "Y-you cannot blame me if I do. Y-you ... You sewed threads of lies..." Lumunok ako upang maalis ang tila bara sa aking lalamunan at pumikit. Naramdaman ko ang pag-agos ng mga masaganang luha mula sa aking mga mata...

"Please, doubt everything but not my love for you... M-Maria Clara... Kasi... Ikaw lang dito... K-kahit pa n-noong sinubukan kong k-kalimutan ka at magsimula p-pero... Kahit anong g-gawin ko noon... Ikaw at ikaw pa rin. Kaya... Please, don't doubt it." Napasinghap ako dahil ramdam na ramdam ko ang sakit at pagmamakaawa sa boses nito.

Stavros 5: I Remember the BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon