Hindi kami nagkibuan ni Alejandro matapos ang gabing iyon. Hindi ko alam kung paano sya pakikiharapan dahil na din sa hiya at pagkailang. Hindi naman nya sinabing mahal nya ako but that doesn't change the fact that he is claiming an ownership over me.
Bumangon na ako mula sa aking higaan at nag-ayos ng sarili bilang paghahanda sa aking pag-alis ngayong araw. Tatlong linggo na rin mula ng umalis si lola patungo sa U.S. at tatlong araw na rin akong nananatili sa poder ni Alejandro. Hindi lang iilang beses akong nagtangkang umalis sa bahay na ito subalit lagi nya akong nahuhuli at napipigilan. Lagi nyang ipinananakot sa akin ang pagiging "mag-asawa" namin . He can easily drop it like a bomb to my family and I am very sure, my parents won't appreciate it specially my tatay kaya nanatili na lamang ako rito since wala naman din siyang ginagawa upang saktan at pahirapan ako. He never touch or kiss me too. Kaya safe ako. Matapos kong mag-ayos ay dumeretyo na ako sa kusina upang maghanda ng almusal. Walang kasambahay si Alejandro rito, pero may nagpupunta rito upang maglinis ng bahay nya mula sa Yvangelin Mansion and Alejandro is really is one of the most organized and neat person I know. Magkabaligtad kami ng personality sa part na iyon pagdating sa mga personal kong kagamitan na naimprove ko naman nang manirahan ako malayo sa pamilya ko.
Tumuloy ako sa fridge upang tumingin ng maluluto para sa almusal namin ni Alejandro, napansin kong kaunti na lang ang stocks doon... I mental note to buy stocks later , kinuha ko dalawang egg, hotdogs, and bacon. I also check if there is a leftover rice for friedrice pero naalala kong ipinakain ko nga pala sa stray cat na napagawi rito ang tirang food kagabi kaya nagsaing na lamang ako. Ako ang gumagawa ng ilang gawaing bahay dito dahil sobrang naiinip na ako. Naisip ko ring maghanap ng kahig daycare center lamang sa malapit at magvolunteer doon.
Matapos kong ilagay sa ricecooker ang sinaing ay nagsimula naman akong lutuin ang mga itlog. Alejandro prefered sunny side up than scrambled that's why I choose to cook the later, then I even add some potato dahil nakakita pa ako ng isa sa veggies stocks... Then the bacon and hotdogs . Matapos kong makaluto ay naghain na ako sa mesa dahil any minute ay bababa na iyon for breakfast. Oo sinasabayan ko syang kumain dahil iyon ang bilin nya, he even having lunch here at home kahit na bumabyahe pa sya pauwi just to have lunch here with me. Lagi din syang umuuwi ng maaga for dinner para sabay daw kami.
Pinagtimpla ko na rin sya ng kape nya ng magtimpla ako ng akin at hindi nagtagal ay bumaba na siya.
"Morning..." Bati nya sa akin sa malamig na boses.
"M-morning." Halos masampal ko ang sarili ko ng marinig ang panginginig ng tinig ko. Really Clara?
Naupo na kami sa hapag at nagsimulang kumain. "Uhm... I'll be going out later to buy some stocks. Kaunti na lang kasi" paalam ko rito dahil baka magwala ito pag nabalitaan nya sa guard na umalis ako. Napatingin naman ito sa akin habang umiinom ng kape. Ibinaba nito ang tasa at kinuha ang kubyertos nya at doon itinuon ang atensyon. Akala ko ay hindi nya pansin ang sinasabi ko nang magsalita itong muli.
"What time? So I can adjust my schedule to accompany you." Anya sa flat na tono.
"Hindi naman na kailangan pang samahan mo ako, Alejandro. Supermarket lang ang pupuntahan ko at hindi ako tatakas. Ayokong maabala pa ang schedule mo." Mabilis kong sagot dito.
Huminga naman ito ng malalim na tila kinakalma ang sarili. "Hindi ka abala, Maria Clara. You are my wife that alone makes you my priority." Anya ng buong diin.
Napaiwas naman ako ng tingin dito at nagkunwaring abala sa pagkain pero ang totoo ang bilis bilis ng tibok ng puso ko. "I-I know that. Groceries lang naman yun and I can manage on my own. A-at hindi naman ako tatakas e." Halos pabulong kong sinabi ang huli ngunit alam kong narinig nya iyon dahil napatingin ito sa akin.
BINABASA MO ANG
Stavros 5: I Remember the Boy
RomanceSo while the song still brings that certain glow And the words still sing of love I know It isn't quite the way it was before I remember the boy But I don't remember the feeling I remember the boy But I don't remember the feeling anymore