Huminto sa harapan ng pamilyar na gate ang sasakyan ni Alejandro. Bumusina lamang ito at may nagbukas na tulad dati. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko. Abot langit ang kaba sa aking dibdib dahil tila ba hindi ko kayang pakiharapan ang kahit sino sa kanyang pamilya. Simula ng makipaghiwalay ako rito noon ay sinarado ko na rin ang pinto ko para sa pamilya nito ...lalong lalo na ang parents nito at Ate Lyreah...
---
One week before they knew the board exam result...Nagmamadaling pumasok ako sa coffee shop na tinext ni tita George sa akin. Malapit lamang iyon sa BulSU kaya madali kong nahanap pero ang traffic ang naging kalamaban ko kaya halos 5 minutes late ako sa usapan namin .
Kaninang umaga kasi ay tumawag ito sa at tinanong kung libre ako after ng trabaho ko. Gusto nya daw akong makabonding at makausap dahil kababalik lamang nito mula sa U.S at may aasikasuhin lamang sya rito bago bumalik muli roon . Mukhang may kakaiba sa boses ni tita George at tila gustong gusto nya akong makausap kaya naman sinabihan ko si Alejandro na wag na akong susunduin dahil may lakad ako . Hindi ko na sinabi na ang mama nya ang kasama ko dahil bilin iyon ni tita.
Hinanap ko ito sa loob ng shop at nakita ko siya agad doon sa dulong bahagi kung saan walang masyadong nagagawi roon. Ngunit hindi ito nag-iisa... Kasama nito ssi tito Nate kaya bigla akong nakaramdam ng kaba... napatingin sa gawi ko ang mga ito ...kaya naman nagtungo na ako agad sa kanila na silang sumalubong sa akin. I greeted them like how I used to... Ngumiti ang mga ito at sinabing maupo na kami at umorder. I ordered a cold blend black tea. Sila man ay umorder ng kanila.
"How are you iha? You look great! Huh?" Nakangiting bati ni tita George ngunit may lungkot sa mga mata nito.
Ngumiti naman ako at sumagot..." Medyo busy po sa trabaho... Kayo ho? You both look healthy po. Sa tingin ko po ay hiyang nyo ang hangin sa States " I manage to joked na ikinatawa ng mag-asawa.
BINABASA MO ANG
Stavros 5: I Remember the Boy
RomanceSo while the song still brings that certain glow And the words still sing of love I know It isn't quite the way it was before I remember the boy But I don't remember the feeling I remember the boy But I don't remember the feeling anymore