22

550 17 0
                                    

"Maria Clara... Hindi pa ba uuwi ang bisita mo? Hindi ba't malayo pa ang uuwian nyan?" Ani lola na ikinagulat ko ng labis. Napatingin ako kay Marcus na may sakit na dumaan sa kanyang mga mata at unti unting bumitak sa pagkakaakbay sa akin.

It's only past 8 in the evening... Marcus' place is 2 hours drive from here... But he can stay late since walang pasok bukas sa school na pinapasukan nito... And for me, it's my off tomorrow since Monique will take in charge of everything.

"Lola..."

Ngunit naputol ang kung anong sasabihin ko ng akbayan ako ni Marcus kaya napatingin ako rito at nakangiti ito ng nakakaunawa ... Huminga ako ng malalim upang alisin ang frustrations na nararamdaman ko ...

"Tama ang lola mo, Clara... I should be going by now. I need to make sure na maihahatid kita bukas sa city. " Kalmadong sabi ni Marcus sa akin bago magalang na nagpaalam sa lahat.

Bumibigat ang pakiramdam ko dahil doon... They are too much... Alam kong hindi sila masaya sa desisyon kong balikan si Marcus, but they have to respect it. The man is willing to change and make up for everything he'd done.

"Sorry, Marcus... Sorry talaga... Kakausapin ko sil--"

"Hush... Nay... It's okay... I'm fine... Ikaw lang naman ang mahalaga sa akin... I love you so much, Clara... " Anito sa akin ng puno ng senseridad. Napaiwas ako ng tingin dahil sa guilt na nararamdaman ko...

"T-thank you Marcus... You know it means alot... You are important for me... You're special in my life... " Maramdamin kong sagot rito...hindi ko man masabi sa kanya ang mahal ko sya dahil sa konsensyang nararamdaman ko ngayon...

Nagulat ako ng saluhin nito ang mga pisngi ko at ginawaran ng magagaan na halik sa aking mga labi ...hindi ko man lamang nagawang gumanti roon dahil humiwalay ito agad.

"I love you nay... Susunduin kita bukas ng hapon okay? Ingat ka... Iwasan mo na lamang na magkagulo kayo ng panilya mo ng dahil sa akin okay?"

"Uhm..."

Pag alis ni Marcus ay plano ko nang pumasok sa bahay upang magpaalam sa lahat na matutulog... Wala na ako sa mood upang makisaya sa mga ito...

"So... That teacher and you... Still together huh?" Isang salat sa emosyong tanong sa akin ng taong biglang humaklit sa akin patago sa gilid ng aming bahay... isinandal nya ako sa pader at ikinulong sa pagitan ng kanyang mga kamay... sobrang lapit ng mukha nito sa aaking mukha at amoy na amoy ang magkahalong alak at mint sa hininga nya...Wala ka ng ibang makikitang bahay roon at sa lakas ng videoke sa loob ay tiyak na hindi kami naririnig nino man mula roon...

"A-Alejandro! Ano ba?! Lasing ka b?" Kabado kong angil rito...

Ngumisi ito sa akin ngunit kababakasan ng panganib ang mga mata nito.

"I'm lil tipsy but still sober, Ma amour..." Anito sa sarkastikong tono... Nagrigudon ang puso ko dahil sa tinawag nito sa akin...  "Answer me... Kayo pa rin ba talaga ang lalaking ipinalit mo sa akin noon?!" Mariin nitong tanong .

Napaiwas ako ng tingin rito... Alam kong nasaktan na naman ang ego nito sa nalaman.

"Babawiin kita sa kanya, Maria Clara... You are destined to be mine alone. You are mine." Anito sa mapanganib na tono...palapit ng palapit ang mukha nito sa akin na tila hahalikan na ako kaya naman di ko na napigilan ang hindi mapapikit... Ngunit  naramdaman ko ang pagngisi nito... kaya napamulat akong muli... "I won't kiss you now, ma amour... not when you let other man kissed what''s mine..." tsaka ako pinakawalan nito at iniwang tulala roon.


Damn it!

Nakakahiya ka Maria Clara!

___
"Ate..." Napatingin ako ng marinig ang boses ni Jia kasunod nitong pumasok sa silid ko sa bahay ng parents ko sina Mikmik at ate Josefa. Ngumiti lamang ako sa mga ito at ibinalik sa Ipad ang aking atensyon dahil may pinapasend na files si  Master Carlos Ytan na kailangan nito bukas sa Video Conference nya with some investors sa silk plantation.

"Busy, Cla?" Maingat na tanong ni ate Josefa sa akin kaya napaangat ako ng tingin rito at ibinalik muli sa ginagawa ko.

"Tatapusin ko lang ang pinapasend na files ng asawa ng boss ko ate... Bakit may kailangan kayo?" Tanong ko sa mga ito at tuluyan ng nasend ang files sa asawa ng amo ko. He even sent me a confirmation mail na natanggap na nga nya... Napakunot pa ang noo ko ng mabasa ang instruction nito sa huli...

... Tell Alejandro that I need the both of you to report on me first thing in the morning. Urgent matters.

"Damn!" Mahina kong mura at napatingin sa mga tila nasamid kong kasama sa kwarto ngayon. I screenshot the mail and send it to Alejandro's MMS bago ko itinuon ang pansin sa mga pinsan at kay ate ko."Anong atin?" Kaswal kong tanong sa mga ito.

"Ate... Bakit nagkukulong ka na naman dito sa kwarto? Ayaw mo ba kaming kasama?" Tila nagtatampong tanong ni Jia sa akin .

Nakonsensya akong bigla dahil doon... Inilapag ko ang Ipad sa study table at tumabi sa mga ito sa kama. "May kailangan lang akong isend sa asawa ng boss ko. Alam nyo naman di ba na medyo magulo sa office namin ngayon dahil sa nangyari sa boss ko... " Pagdadahilan ko sa mga ito.

"Talaga ba? Baka naman dahil dun kay Sir Marcus? Ate nagkabalikan na talaga kayo ng cheater na yun?" Walang prenong tanong ni Joy na agad sinaway nina Ate Josefa.

"Aaminin ko...Medyo nalungkot din ako sa pakikitungo nyo kay Marcus... Nagkaayos na kami ng kuya Marcus ninyo Joy... Sana gaya ko bigyan nyo din sya ng chance... Babawi naman sy--"


"Eh paano naman si kuya Alejandro ate? Hindi ba kung ikukumpara silang dalawa nung si Sir Marcus... Mas dapat mong bigyan ng chance si Kuya Alejandro ... Kasi si Kuya Alejandro, hindi ka niloko... Si Sir Marcus niloko ka... At di ba ate... Si Sir Marcus din ang dahilan kung bakit kayo naghiwalay ni kuya Alejandro noon? " Tila nanunumbat na tanong ni Mikmik dahil sa lahat ng mga pinsan ko ay ito ang naging malapit kay Alejandro at siya ang pinakanasaktan sa pamilya ko ng maghiwalay kami ni Alejandro...

"MIK!"saway nina Jia at Ate Josefa.

Tila naninikip ang dibdib ko dahil sa narinig mula rito...at mayayamang luha ang dumaloy mula sa aking mga mata dahil sa  alam ko... Kasalanan ko ... Kasalanan ko naman kung bakit nangyari iyon e... Kung hindi sana ako naging maramot... At matigas... Hindi kami aabot sa ganoon ni Alejandro... Kung hindi ako sana nagpaapekto noon sa sitwasyon... Sana maayos ang lahat ngayon... 


"Si kuya Alejandro naman talaga kasi dapat ang nasa lugar ng sir Marcus na yun ate e... Kung hindi lang sana nagpadala si ate dun sa lalaking manloloko na yun... Edi san---"


"Mik! Sumosobra ka na! Tumigil ka na!" Halos sigaw na saway na ni ate rito...

Sa gulat namin ay bumukas ang pintuan at iniluwa roon si Alejandro kasunod ng ibang pinsan namin ... Nilapitan ako nito at tila akmang ichecheck kung may nangyari sa aking masama... Ngunit umiwas ako dahil wala akong karapatan na maambunan ng kahit na konting atensyon nito... Kasi kasalanan ko ang lahat... Umiwas ako ng tingin sa kanya ng makita ang malulungkot na mga mata nito...

"Anong nangyayari rito? Josefa? Clara? Bakit nagiiyakan kayo?!" Tanong ni mama na kasunuran na pala ng mga ito.

"W-wala po... Girls talk lang po mama..." Palusot ni ate Josefa.

"T-tama po si ate Josefa ma... Girls talk lang po..." Sabi ko at pilit itinatago ang mga kamay ko upang hindi makita ang mannerism ko na pinagmamasdan ni Alejandro...alam kong alam nya na nagsisinungaling kami...


"Okay... Ayusin nyo ang mga sarili nyo... Akala ko kung napano na kayo... Sumunod na kayo sa ibaba pagkatapos...makihalibilo kayo sa iba... Lalo na ikaw Clara... Madalang na madalang ka na naming makasama tapos nagkukulong ka pa rito. Bumaba kayo jan... " Bilin ni mama at napipilitan kaming sumunod .

Huling lumabas si Alejandro na matagal pa muna akong pinagmasdan bago ito sumunod kina mama... Napatingin ako kay Mikmik na tahimik na inaayos ang sarili at tila ayaw akong tingnan nito...

Kaya naglakas na ako ng loob na magsalita rito...
"Mik... Alam ko... Kasalanan ko ang lahat... kaya nga inaayos ko e... Wala na akong karapatan para maging may ari niya... He deserves a better person than I am. Dahil nasaktan ko sya noon... Nadala kasi si ate sa pressure, stress at ng sitwasyon... Kaya ko nagawa iyon... Kaya hindi ko na sya deserve... Ako ang hindi deserving para kay kuya Alejandro mo... Sana maintindihan mo..."

Stavros 5: I Remember the BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon