27

568 22 2
                                    

"Are you okay? Kung gusto mo pwede na tayong umuwi. I'll tell Madam Yvangelin that you are not feeling we---"

"I-I'm fine. Nandito na tayo. N-nakakahiya kay Madam Yvangelin kung aalis pa. Baka importante ang kailangan nya. Just give me a minute or two to fix myself" Pilit kong pinatatatag ang tinig kong sabi rito at nagsimula ng ayusin ang aking sarili. Halos mapangiwi ako ng makita ang pamumugto ng mga mata ko at pamumula ng aking ilong. Damn! I look horrible.Hindi ko namalayan kanina na nakatulog na pala ako dahil sa pag-iyak. I was too broken to the point I cried myself to sleep. Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog pero pag-gising ko ay kakahinto palang ng sasakyan namin sa tapat ng Yvangelin Mansion .

Nang matapos ko ng remedyohan ang aking hitsura ay hinarap ko na si Alejandro na mataman pala akong pinagmamasdan gamit ang nag-aalalang mga mata. Huminga ako ng malalim at pilit na ngumiti rito. "Let's go. Okay na ko." Yaya ko rito.

Narinig ko ang malalim na paghinga nito at tila napipilitang bumaba na sinundan ko naman. Hindi ko na siya hinintay na pagbuksan ako ng pintuan tulad ng laging bilin nito kaya naman nakita ko na tila nais nya pa akong pagalitan ngunit pinigilan lamang nito ang kanyang sarili. Naiiling na kinuha nito ang mga bitbig kong files at ang bag ko na labis kong ikinabigla. Kukuhanin ko sanang muli ngunit tiningnan ako nito ng masama kaya tikom bibig ko na lamang siyang hinayaan. Nang makapasok na kami sa mansyon ay sumalubong sa amin ang kambal na anak ni Queen at ang nag-iisang anak ni Lady Rebel. Nalalaro ng chess dalawang batang lalaki habang nagbabasa naman ang batang babae. Napatingin sa amin si Young Master Roquil at malawak ang ngiting tumayo at pinuntahan kami... Sumunod naman ang kambal ...

"MISS CLARA! TITO ALEJANDRO!" Masayang bati ni YoungMaster Roquil at nagmano sa amin.Nagmano at humalik sa pisngi ni Alejandro ang tatlong bata nang lumuhod ito para pumantay sa kanila.

Nagtatakang pinagmamasdan ko ang mga ito. This kids are somehow aloof with other people and employees of their empire except with Young Master Roquil. I know that well...

"Tito, did you bring my Sphynx  that you promised last Fiesta mi Familia?" Malambing na tanong ni Evaine rito na lalo kong ikinagtaka.

"How about my hamsters, tito? Ninong Ybarra told us to request all their necessities to you since they are not that expensive unlike Sphynx  " Tanong ni Mythos.

"Tito, baba told me that you'll buy me the latest telescope!" Masiglang sabi naman ni young master Roquil.

Nanlalaki ang mga mata ko habang tinutuos ang presyo ng mga pinapabili ng mga batang ito kay Alejandro. Alam kong may kaya ang pamilya nila, at may ipon din si Alejandro...pero mukhang mamumulubi naman ito sa mga inuungot ng mga batang amo namin na parang kung ituring siya ay tunay na tito nila. Kung sigurong nandito rin ang din si Selene magseselos yun sa mga batang ito.

Natatawang  yinakap nito ang mga bata at sinabi sa mga ito na pagpumayag ang Queen mama ng kambal ay ibibili nya ang mga pet na nais nito. At yung Young Master naman daw ay kasalukuyang hinahanap na nito ang latest model. Tila gusto kong hilahin paalis si Alejandro dahil sa sinabi nya sa mga bata. My goodness! Maghihirap siya!

"Mabuti at pinaunlakan nyo ang aking imbitasyon sa inyo, Alejandro, Maria Clara. Akala ko ay hindi kayo makakapunta... " Masayang bati ni Madam Yvangelin na kakalabas lamang mula sa malaking hallway ng mansyon na sa aking pagkakatanda ay patungong kitchen at dinning area. Nakasuot ito ng simple ngunit eleganteng dress at simple ngunit alam kong mamahaling set ng mga alahas. Wala itong kahit na anong make-up sa mukha... At nakalugay ang napakagandang long wavy nitong buhok.

"Good afternoon madam Yvangelin." Magalang kong bati rito. "Ano hong maipaglilingkod ko sa inyo?" Dagdag ko pa .

Ngumiti naman ito sa akin at hinawakan ang magkabilang balikat ko kaya naamoy ko ang napakabango nitong pabango na hindi masakit sa ilong. Nakaramdam tuloy ako ng hiya dahil ang gamit ko lang ay mumurahing baby cologne na nakasanayan ko na noon pa.

"I am so grateful to you, Maria Clara. Hindi biro ang trabahong naiwan sa iyo ng aming anak na si Rebelianne and still you manage it too well. Thank you my dear..." Puno ng sensiridad nitong sabi sa akin na ikinagulat ko .

"Wala ho dapat kayong ipag-pasalamat. Parte po iyon ng aking trabaho kay Lady Rebel. At tungkulin ko pong gampanan iyon. " Magalang at sensiro kong sabi rito.

"Still Thank you, my dear." Anito kaya nginitian ko na lamang ito bilang tugon.

Napatingin ako kay Alejandro ng maramdaman ko ang pamilyar nitong mga tingin. Kitang kita ko roon ang hindi ko maintindihang emosyon... Masaya...malungkot... Panghihinayang... Takot... Hindi ko mawari iyon...

Sinundan ni madam and tinitingnan ko...at doon nya ako iniwanan upang lapitan sina Alejandro... Nagulat ako ng bigla nitong bineso at niyakap ng mahigpit na tila isa ito sa mga anak niya. Napansin kong tila nagulat si Alejandro sa ginawi ng ginang ngunit nakabawi naman ito at tila napipilitang yumakap pabalik rito.

"Welcome home, Alejandro. I thought you will reject my invitation once again. I am dying to spend time with you... Even your father too."

Tila naguguluhang napatingin ako kay Alejandro na syang nakaharap sa akin sa yakapan nila. Nakita ko ang pagiging blanko ng mga mata nito . Kilala ni madam ang papa ni Alejandro? Teka... Ang biological father or si tito?

Kumalas siya sa yakap ni madam Yvangelin.

"Madam Yvangelin... I am just here out of respect for you and for these kids. This isn't my home. And your husband is not my father. I am not a Stavros. Excuse us."
Malamig na sabi nito rito na ikinagulat ko ng labis. Humalik ito sa mga bata at nagpaalam sa mga ito... Bago muling hinarap ang madam na may lungkot sa nga matang nakatingin rito.

"Alejandro, hijo... You have to listen with your father... Whatever happened between him and your mom, George, will just remain in the past. Just give Celestino a chance to be a father to you. You are his son. You are a Stavros, hijo." May determinasyong pangungumbinsi nito kay Alejandro na tila sarado ang isipan sa usapin. Hindi ko naman maproseso ang nalaman ko ngayon...

"Sorry, madam Yvangelin. Kailangan na naming umalis. Maraming salamat sa imbitasyon. Paalam." Anito at hinila na ako paalis ng mansyon habang pilit kong  pinoproseso ang mga bagay na narinig ko...

Si Alejandro ay  anak ni Celestino Stavros...

Si Alejandro ay anak ni tita Gorge kay Celestino...

Si Celestion ang biological father bi Alejandro...

Shit...

Isang Stavros si Alejandro!

Stavros 5: I Remember the BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon