Nailipat na sa private room si Alejandro, at kahit ayaw umalis ni Hades ay kailangan nya nang balikan si lola sa U.S at ang ibang pasyente nya roon. Pero bago ito umalis ay gumawa ito ng paraan upang makita ang chart ni Alejandro at sinigurado muna nito na stable ang kapatid. He assured me that my husband is recovering and stable kaya nakahinga ako ng maluwag pero may pag-aalala sa puso.
Ngayon ay ako lamang ang nagbabantay rito. Salitan naman ang mga kapatid ni Alejandro sa pagsama sa akin dito. Tatlong araw na pero hindi pa rin ito gumigising... Sabi ni Hades noong nakausap siya ni D.A. ay normal lamang iyon dahil nagrerecover pa ito.
Hindi ko na hinayaang malaman ng pamilya ko ang nangyari dahil ayokong mag-alala pa ang mga ito sa amin lalo na at hindi parin maayos ang lagay ng lola.Huminga ako ng malalim at muling pinagmasdan ang asawa ko. Inabot ko ang kamay nito na nakapatong sa tiyan nito at hinawakan ito ng mahigpit.
"Alejandro... Alam mo ba, tumawag si mama kanina, tinatanong kung kailan tayo dadalawa doon sa kanila? T-tinatanong pa nila bakit daw hindi ka nila macontact... Alalang alala ata silang hindi mo ako pakasalan... Samantalang ... Pangalawang kasal na natin ito... tapos oo nga pala... Pauwi na ang lola rito sa Pilipinas... Ayaw na daw nya sa US... Wala kami nagawa ... Pero mamayang hapon daw andito na sya..." I cleared my throat para maalis bara sa aking lalamunan. Anytime I will burst in tears... "Alejandro... Please... Gumising kana... Mahal kita... Mahal na mahal" pigil ang mga luha kong sabi rito... "Pangako... I will be a good wife... I will love you for the rest of our life...basta magpagaling ka..."
Naputol ang pakikipagusap ko rito nang biglang may kumatok at pumasok sa pintuan... At sa gulat ko ay si Ybara ang iniluwa niyon...
Sapagkat ang alam ko ay abala ang mga ito sa pagaayos ng kaguluhan sa isla...
Namayanin ang katahimikan sa pagitan namin...
"Kumusta sya?" Tanong nito na bumasag sa katahimikan.
"H-hindi pa rin gumigising... " Sagot ko rito. Tsaka muling pinagmasdan ang asawa ko..."...sabi ng doctor out of danger na ito... " Huminga ako ng malalim at pilit pinatatatag ang sarili.
Narinig kong napabuntong hininga rin ito kaya napatingin ako rito at doon ko nakitang naiiling ito at tumingin sa akin. Ang uri ng mga tingin nito ay tila ba may gustong sabihin ito na kung ano... Pero parang pinag-iisipan pa nito o ano...
Napansin ko rin ang tila mapaglaro nitong pagsulyap sa aking asawa bago ngumuso ito tila pinipigilan ang sariling ngumisi. Hindi ko ito maintindihan. Sabagay wala naman talaga akong nagegets sa pamilya nila mula noong magtrabaho ako under ng wing nila since asawa ni Lady Rebel ang Master Carlos."You seems like you're concern now with him, Ms.Montes?" Mapaglaro nitong tanong.
Alam ko kung ano man ang iniisip nitong gawin ay hindi ko magugustuhan. Knowing him as one of the chaotic son of Celestino and Yvangelin Stavros.
"Of course... Nanganib ang buhay nya dahil sa katigasan ng ulo ko." Matatag kong sabi rito tsaka muling itinuon ang pansin ko kay Alejandro.
"Hmmm..." Napansin ko sa sulot ng mga mata ko ang marahan nitong pagtango at pagngisi. "Point taken... You should be concern nga namang sa taong nagpakabayani para sa kaligtasan mo. But, you know my brother's stand about you right?" Anito sa akin sa nang-aarok na tono. Natigilan ako dahil doon at pilit kinakalma ang sarili na hindi masagot ito ng pabalang dahil kuya ito ni Alejandro. Matagal itong nanatiling tahimik na tila hinihintay ang sagot ko na hindi ko naman binigay. Ayokong magkasagutan kami nito. "...aryt! I got it... But I just want to know... Do you still have feelings for this fu---brother of mine?Ms Montes?" He asked in different tone
Huminga ako ng malalim pero walang silbi iyin para mawala ang iritasyon ko. Kaya naman hindi ko napigilan ang bibig ko at sumagot rito at tiningnan ko ito. "Hindi ko alam na may pagkatsismoso ka, Atty. Stavros. I believe those questions must be asked by my husband ... Not by you. " Mariin kong sabi rito akala ko ay titigil ito ngunit sa gulat ko ay tila mas ginanahan pa itong kausapin ako.
I cannot belive it! Sira ulo ata talaga ang mga kapatid ni Alejandro sa ama!
"Oh... You are referring my fucked-up brother as your husband ? Interesting..." Anito na may kung anong naglalaro sa mga mata nitong katulad ng kay Alejandro... Those emerald orbs that can give a hellish feeling to everyone...
Blanko ang ekspresyon ko syang sinagot silently praying na tumigil na ito sa kalokohan ngayon.
"He is my husband. You are our fucking witness on our uhm..." Inisip ko ang tamang adjective na gamitin sa kasal namin ng asawa ko noon. "... Tricky wedding. Remember, Atty. Stavros?" Naiinis kong sabi rito.
Amusement is evident on his face at tsaka tumawa ito ng malakas habang hawak pa ang tyan na Tila ba may nasabi akong malaking kalokohan rito na ikinairita ko ng lubos pero i have to keep it myself. Kapatid sta ng asawa ko pero nakakainis na talaga...
"ANO BANG PROBLEMA MO?!" iritable kong tanong rito na ikinatigil nito sa pagtawa pero nangisi ito at tila pinipigalan pa ang sariling mas matawa dahil sa iritasyon ko.
"Oh... s-sorry about that..." Anito noong tila nakakabawi na ito sa tawa nya. Buwisit. "...hindi ko lang napigilan ang sarili kong matawa sa nalaman ko. I just thought that my lil fucker of a brother cleared the misunderstanding on that... " Anito na pilit na pinipigilan ang muling matawa...namumula na nga ang mukha nito dahil doon...
Naguguluhan ko siyang tiningnan. "Hindi ko alam ang sinasabi mo. Kung tapos ka na, makakaalis ka na." Malamig kong sabi sa kanya.
Ngumisi naman ito at ikiniling ang ulo... At may kaaliwan sa mukha nito ...
"Apology, Ms. Montes... I feel responsible about what happened years ago... I'm very sorry for being playful that night though... I am regretting that I did not took it seriously... " Anito sa tila hindi naman seryosong tono at sa gulat ko ay bigla nitong sinuntok sa binti ang nahihimbing kong asawa na ikinadaing nito sa sakit... Nakita ko kung paano ito namalipit kaya agad ko itong dinaluhan at tiningnan kung ano ang pinsala...
"F-FUCK YOU! YBARA! FUCK YOU! " namimilipit sa sakit nitong sigaw sa kapatid na ikinataas lang ng kilay nito na tila wala lang ang ginawa kaya nagpuyos ang galit ko at sinampal ito na ikinagulat nya.
"WOAH! I guess I deserve that, tho I'm pretty sure my sweetheart won't appreciate it... " Nakangisi nitong sabi sa akin tsaka tila may naalala... "... And for sure, my bestfriend will roll over the ground while laughing when he heard this" sabi nito na tila magandang idea ang naiisip. Sira ulo !
"ANO BANG KAILANGAN MO SA AMING MAG-ASAWA AT GANITO ANG GINAGAWA MO?! YOU ARE FUCKING MESSING ON US! YOU EVEN HAVE A GUSTS TO PUNCH HIM WHEN YOU KNOW HE IS NOT WELL! ANG GAGO MO!" gigil kong singhal rito
Natigilan ito at tumingin kay Alejandro na masama pa rin ang timpla ng mukha . Nagtaas ito ng kilay at ngumisi. "Good morning, brother. Did you sleep fucking well ? Balita ko effective yung sedatives na pinapainject mo... "
Tila binuhusan ako ng malamig na tubig dahil doon... "A-anong sedatives? W-wait... " Nalilito kong tanong at naglipat lipat ang tingin ko sa magkapatid. Napansin ko agad ang pamumutla ng mukha ni Alejandro habang si Atty. Stavros ay nakapamulsa na at tila naaaliw sa nangyayari. Ngumisi naman ito sa kapatid bago sumulyap sa akin na gulong gulo sa nangyayari...
"Ops.my bad... I gotta go! But before I go... brother, tell MISS Montes that she is still very much single and never been married . You know, Devone Angela will tell you this if she finds out about what you had done... Your guardian angel is crying, or worst resigned from being one dahil sa sama ng ugali mo." Ngumisi pa ito sa akin bago tuluyang umalis at iniwan kami roon ...
Alejandro na parang constipated sa sobrang kaba habang tinitingnan ako...
At ako na hindi ko maproseso ang mga nalaman ko ngayong araw...
Ako... Hindi kasal sa kahit kanino...
HINDI KO ASAWA SI ALEJANDRO?! PUTANGINA! NALOKO NA NAMAN ATA AKO!?
--
Nameless: one more to go....wakas na.
BINABASA MO ANG
Stavros 5: I Remember the Boy
RomanceSo while the song still brings that certain glow And the words still sing of love I know It isn't quite the way it was before I remember the boy But I don't remember the feeling I remember the boy But I don't remember the feeling anymore