Montes-Stavros

915 20 4
                                    

"Ang bongga talaga ni kuya Alejandro ate Cla! Biruin mo sinakay nya ang buong pamilya sa private plane para lang dalhin kami dito sa venue ng kasal nyo?!" Tila hindi makapaniwalang gagad ni Mikay na ikinangiti ko lamang dahil hindi ako maaaring maglikot habang inaayusan akl ng glam team na ipinahiram ni Rebel sa akin para sa araw ng kasal ko.

Napili kasi namin na sa Batanes kami ikasal ni Alejandro... Actually, siya ang pumili nito dahil sa nabanggit ko sa kanya na ang ganda ng lugar na ito at parang solemn ang ambiance sa Tukon Chapel or Mt. Carmel Chapel ... Kaya nang magplano kami ng kasal at sinabi ko rito na siya ang pumili ng simbahan dahil ako na ang pinapili nya sa halos ibang detalye ng kasal namin ay agad nyang sinabi na dito kami ikakasal. Gusto ko pa sanang tutulan iyon dahil sa magastos kaso bigla akong binirahan ng...

"I am a Stavros... Do you want to argue with me further?" 

He really got the Stavros air and I think I have to do something about it...

"Gaano kayaman si kuya Alejandro ate ? Hindi ko kasi masyadong maintindihan yung nakasulat sa sinearch ko... " Ani Eula sa akin

"Si kuya Alejandro nyo ang tanungin nyo mamaya... Hindi ko kasi alam e. " Pasisinungaling ko sa mga ito dahil alam na alam ko kung gaano kayaman ang pamilyang kabibilangan ko... Buti na lamang at napilit ko syang magkaroon kami ng Pre-nuptials agreement na pinagtalunan talaga namin... Natatawa ako tuwing naaalala ko kung gaano nito kinaaayawan iyon pero wala syang choice...

---
"No ! There's no need for pre-nuptials shits! Maria Clara... Ang akin ay iyon! Period!" Tila naooffend nitong sabi sa akin at napakalas pa sa yakap nya mula sa likuran ko.

Kasalukuyan kasi kaming nagliligpit ng pinaginuman at pinagkainan namin ng mga kaibigan namin rito sa bahay nya sa Bulacan. Well technically, bahay naming dalawa dahil nagsasama na kami...hindi ko nga alam kung paano nya napapayag sina tatay... Bigla na lang sinabi nito sa akin na papalayasin ako ng mga magulang ko at ipapasama sa akin na nangyari nga... Wala namang problema sa akin iyon dahil kasal nalang talaga ang kulang sa amin.

For this kalat naman na nililigpit namin... Nagorganized sina Alaric at Jade ng reunion ng barkada and sort of celebration na rin daw dahil nakatuluyan din ang favorite love team nila na ikinangisi lang namin ni Alejandro.

"C'mon, Maria Clara... Let's not talk about it... I want to give you everything I can... So please ma amour... " He plead at naramdaman ko ang pagyakap nito sa akin.

"Alejandro... I need to do this. For my peace of mind ... I don't want your wealth...ikaw lang ang gusto ko. " Paliwanag ko rito, naramdaman ko ang paghigpit ng yakap nito.

Stavros 5: I Remember the BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon