6

768 19 2
                                    

From: Alejandro
I heard from Jade na birthday ni lola nyo this weekend. Mind if I ask you to give my gift for her? Pretty please, Maria Clara?

Napangiti ako ng mabasa ang mensaheng iyon mula sa kanya. It's been 5 months and 3weeks since nanligaw sya. Pumunta sya ng ilang beses sa bahay ng lola, kadalasan ay may okasyon pa. Hindi ko kasi sya hinahayaang dumalaw lagi dahil alam kong marami silang ginagawa sa course nya. Hindi naman kasi biro ang engr. Lagi pa silang puyat kakatapos ng mga plates nila na minsan pa ay wala pa aing tulog. Nakilala na rin sya ng family ko ...cool naman sila sa panliligaw nya but then ma and tay gave us our limitations . Sabi ni tay ay priority muna ang pag-aaral bago ang lahat. And somehow we noth understand what my tatay means. He promised them na hindi sya magiging hindrance sa studies and pagabot ng mga dreams ko. Which made my heart fluttered. Funny thing pa nga ngayon ang family ko pa ang nagpupush na sagutin ko sya na ikinatatawa ko lang.

To: Alejandro
Bakit hindi mo ibigay sa kanya ng personal? Doon ka daw maglunch sa sabado kung hindi ka busy. Funny nga, parang ikaw ang mas gusto makasama ni la kesa sa akin. Ikaw ata apo nya e.

From: Alejandro
Selos. Don't worry, magiging apo nya din ako pag-ikinasal na ako kay Maria Clara.

To: Alejandro
Lol. Landi mo.

From: Alejandro
Sayo lang. Mahal kita, Maria Clara. Sana maging tayo na.

To: Alejandro
Lol

From: Alejandro
Kinikilig sya oh. I love you, Maria Clara.

"Oi! Landi! Pangiti ngiti pa tong gagang to... Pakopya ako ng assignment sa Analytic Geom. Di ko gets yung problem no. 5 sabi ni ate Fhey ikaw daw may alam!" Naiinis na sabi ni Christ sa akin.

Natatawa naman ang mga kaibigan namin habang ako ay kinuha ang libro ko sa Anal Geom at inabot sa kanya.

"Mamaya na yang landi mo! Iexplain mo muna sa amin yung assignment...  magpapatest na naman si mam...alam mo naman yun minsan pasikat! Nagtatawag sa board papaexplain. Sya naman nyan ang teacher! Swerte mo nga eh... Pag may di ka gets to the rescue ang manliligaw mo! " Reklamo nito

"Nako! Sinalo lahat ng babaeng yan ang blessings! Pinagpala e!" Ani Elle na nakikipagharutan kay Lucille.

"Buti na lang kapanalig natin sya! Kundi wawa naman us!" Biro ni Laine na ikinatawa ng lahat.

Itinabi ko ang phone ko na nakasilent mode na sa bag tsaka inexplain sa kanila ang assignment. Me and my friends are team... Pag may hindi maintindihan ang isa tuturuan ng isa... Hindi kami tulad ng ibang kaklase namin na walang paki sa mga kasama. We want to graduate together.

"Yan! Okay na?" Tanong ko sa kanila .

"Kadali lang pala ng lintik! Kadami pang kaek-ekan ganun lang pala! Buwisit!" Ani Christ.

"Nako Christ sinabi mo pa! Kabuwisit !" Ani Elle

"Clars! Nagtext si Alaric... Tinatanong kung nasaan tayo." Sabi ni Jade.

"Sabihin mo paakyat na. Baka puntahan pa tayo ng mga yan... May klase na tayo. Manggagaling pa silang Federizo Hall! " Sabi ko rito.

"okay!" Anito at nagreply na .

Nagligpit na kami ng gamit namin para maghanda na sa pagakyat sa 4th floor nasa student's park kasi kami. Paakyat na kami sa entrance Stairs ng Carpio Hall ng marinig ko ang pagtawag sa pangalan ko... Napaharap kaming lahat at nakita ang hinihingal na si Alaric at Denver habang bitbit ang mga take out ng Jollibee.

Stavros 5: I Remember the BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon