"Ano, nacontact mo na ba?" Tanong sa akin ni Ate Fhey.
Malungkot na umiling ako rito. This is so stressful. Mag-iisang linggo na akong iniiwasan at hindi kinakausap ni Alejandro. Simula ng mangyari ang insidenteng iyon.
Talagang pinutol niya ang lahat ng pwedeng maging communication namin. Ilang beses ko na ding sinubukan hingan ng tulong sina Alaric ngunit maging ang mga ito ay hindi ko macontact.
"Ano bang naisipan mo at ginawa mo yun, Clara? Alam mo naman na patay na patay sayo yun tao di ba?" Ani Lucille sa akin.
Huminga ako ng malalim.
"Gusto ko lang naman na matuto sya. Masyadong umiikot ang mundo niya sa akin... Alam itinitigil nya lahat para lang sa akin. Hindi ko naman inakalang aabot kami sa ganito. " Frustrated kong sabi.Natahimik ang lahat dahil sa sagot ko.
"Dalawang linggo na lang at midterms na. Kailangan muna nating magfocus doon. Lalo kana Clara. Nitong nakaraan ay wala ka sa sarili mo. Hindi ikaw yan" sermon sa akin ni Ate Fhey.
"You are running for latin honor, Clara. Focus. " Sangayon pa ni Elle
Tama... Nitong nakaraang linggoI barely passed my long quiz in one of my ProfEd subjects. Na labis pinagtakhan ng prof namin kaya kinausap ako nito after our meeting.... My mind is drifting off to somewhere na hindi ko talaga ugali. So unusual me. Masyado kasi akong namumoblema kay Alejandro. Hindi pa nakatulong na lagi akong pinatatawag ng Supervisor namin sa major just for the Ms.SMES...
"Tama kayo... Focus muna dapat ako sa midterms... I have to set my priorities right." Sabi ko sa mga ito at nakita ko ang nakakaunawang ngiti nila sa akin.
"Maaayos din ang lahat, Clara... Don't worry..." Ani Jade.
Tumango lamang ako at pilit iwinawaglit sa isipan ang problema.
---
"Till now your batch have no participant for the Ms. SMES... You are on your 3rd year now... " ani Ma'am sa klase matapos ang aming midterms. Three weeks na rin nagpapractice ang mga participants for the pageant .Siniko ako ni Lucille kaya napatingin ako sa kanya at doon ko namalayan na nakatingin ang lahat sa akin. Kaya naman kinakabahan akong nabalik ng tingin kay ma'am to find out na ganun din ito tulad ng iba. Kaya naman napahinga ako ng malalim at nagiwas ng tingin.
"Can we talk in private, Clara?" Ani ma'am sa akin kaya naman mas lalo akong kinabahan. Alam kong wala na akong takas.
"Opo ma'am." Kiming sagot ko. She dismissed our class giving me a signal to follow her. Kaya naman mabigat sa loob kong inayos ang mga gamit ko upang sumunod rito.
"You should join... Clars. " Ani Elle sa akin
"OMG! Umiinglish na ka na naman Elle! Ikaw ba yan?!" Eksaheradong sabi ni Christ kaya naman inambahan sya ng kurot nito na ikinailing lamang namin.
"Tama si Elle, Clars. Kailangan mo ng diversion...lalo na at tapos na ang midterms natin...at wala kang mapagkaaabalahan... Masyado kang problematic kay Al, and that's not healthy. C'mon... You are better than that." Sabi ni Jade.
Bumigat ang pakiramdam ko ng marinig ang pangalan nya. Been three weeks since we last talked. I missed him so much! And it is not a great help ng pumutok ang balita sa block ko maging sa ibang block na hiwalay na kami ni Alejandro... It was painful even it is not true... Yet.
"Ate Clara, tawag ka ni ma'am!" Napatingin ako sa pinto kung saan nanggaling ang nagsalita... Napangiti ako at tumango kay Wenci. Ang Second year rep ng SMES.
"Papunta na. Thanks!" Sagot ko rito at nagpaalam sa mga kaibigan ko... sinabihan nila ako na hihintayin nila ako sa may student's park... we need to celebrate daw with McFloat and Fries dahil we survived the hell week! .
This is our last subject for this week and tomorrow is Saturday...
BINABASA MO ANG
Stavros 5: I Remember the Boy
RomanceSo while the song still brings that certain glow And the words still sing of love I know It isn't quite the way it was before I remember the boy But I don't remember the feeling I remember the boy But I don't remember the feeling anymore