"Sorry, tay. Hindi ako makakauwi ng Pampanga. Marami pa kasi kami inaasikaso dahil na rin sa hindi pa nagigising si Lady Rebel...." Matamlay kong sabi kay Marcus na kausap ko ngayon sa phone. Kasalukuyang nasa frontseat ako ng kotse ni Alejandro at hinihintay itong bumalik dahil bumili ito ng pagkain namin habang nasa byahe kami pa Yvangelin Mansion... 4 hour-drive din iyon mula rito.
"Oh, naiintindihan ko naman ang trabaho mo, Cla... Pero monthsary natin ngayon. Namalimutan mo pa akong binati kanina tulad nung nakaraang monthsary natin dahil busy ka rin. We planned our date today pero sabi mo kaninang umaga hindi ka pwede dahil nagkaemergency sa opisina... Then I settled for dinner...tapos wala na naman! ANO BA CLARA!? HINDI NA BA AKO IMPORTANTE SAYO?!". He said na puno ng hinanakit.
Mariin akong napapikit at pilit na kinakalma ko ang sarili dahil ayokong magaway kami. I am guilty yes! Nakakaligtaan ko lagi ang monthsary namin dahil pre-occupied ako sa trabaho and kay Alejandro. Maraming dates na rin ang nacancel for the same reason. Alam kong napapatid na ang pasensya ni Marcus... And it is all my fault. Pero anong magagawa ko? Trabaho ito...
"I-I know... I'm sorry, Marcus. H-happy monthsary... But I really can't make it... Let's just celebrate it a day after tomorrow... H-hindi lang talaga ako pwede ngayon..." Paliwanag ko rito .
Natanaw kong pabalik na si Alejandro bitbit ang mga pinamili...pero hindi parin kami ayos ni Marcus! Damn it!
Narinig ko ang marahas na paghinga nito mula sa kabilang linya... I know... He is mad... "If that's what you want Clara! Bahala ka na! Parang wala naman akobg girlfriend sa nangyayaring ito! Sana ay hindi na lang pala tayo nagbalikan! Akala mo ba hindi ko napapansin! You're always with that Detumon! Putangina lang! Ex mo yun! " Galit nitong singhal sa akin... Kasabay niyon na narinig ko ang mahinan at isang pamilyar na boses na sinabing 'Galit ka na naman...'
Tila may pumitik sa pandinig ko sa sinabi nito... "KASAMA MO NA NAMAN SYA?! SIYA YUN! HINDI BA?! BAKIT MAGKASAMA NA NAMAN KAYO NG BABAENG YAN MARCUS?! SHIT LANG! KUNG MAKAPAGSALITA KA IKAW NAMAN PALA ANG GUMAGAWA NG KALOKOHAN! I HATE YOU! LET'S BREAK UP! " at tinapos ang tawag...
Marahas kong pinunasan ang mga luha ko...
Nakita kong tila natigilan si Alejandro na pasakay na sana sa driver's seat. Tila gulat na gulat itong napatingin sa akin... Umayos ito ng pagkakasakay at sa gulat ko ay kinabig ako nito payakap sa kanya. Doon ko na iniyak ang lahat ... Guilt, pain and stress... halo halo na ang lahat...
"Just cry it out... Mi amour... I'm here... Just let it all go... " Bulong nito sa akin . Napahagulgol ako rito. Hindi dahil sa sakit out of love but ... It's the pain caused by betrayal. I am very disappointed of the outcome of our second chance. Yes, I cheated... And Marcus did. I know somehow I pushed him to do it. It's all on me.
"W-wala akong pinagkaiba sa kanya... I-I cheated... I cheated ... " Wala sa sarili kong sabi sa pagitan ng mga iyak ko. Naramdaman ko ang paghigpit ng yakap nito sa akin na nakapagpaalala ng nagawa kong desisyon na naging dahilan upang masaktan ko siya at ang aking sarili....
BINABASA MO ANG
Stavros 5: I Remember the Boy
RomanceSo while the song still brings that certain glow And the words still sing of love I know It isn't quite the way it was before I remember the boy But I don't remember the feeling I remember the boy But I don't remember the feeling anymore