"Maria Clara, pag-isipan mo... Sa December pa naman yun and you deserves to participate on Ms. SMES."anang adviser namin nang magpasa ako ng reflection paper ko regarding sa Problem Based Learning in teaching Math. Ako ang huling nagpasa dahil wala ako sa mood mag-sulat ng composition dahil masakit ang ulo ko mag mula kaninang paggising ko... paranc lalagnatin ata ako...
"Pag-iisipan ko po ma'am. Pero magtingin na din po kayo ng iba para back-up po." Magalang kong sabi.
Ms. SMES ay beauty contest ng Society of Mathematics Education Students... Ang organization ng Math majors ng CoED. Kinukumbinsi ako nitong sumali roon ngunit wala akong hilig... Bahala na... Next month pa naman iyon... Nagpaalam na ako kay ma'am at pinuntahan ang mga kaibigan ko sa Nursing canteen. Doon daw kami maglalunch ngayon... Noong isang linggo ang dinner namin sa bahay ng mga Detumon... hindi naman natuloy ang planong Tagaytay noong weekend dahil nagkaroon ng emergency sina ate Lyreah and Alejandro doesn't want us to go alone...hindi ngayong bago bago pa lang kami... Ayaw nya akong maging uncomfortable... At Martes na ngayon... full load kami at ito lang ang vacant period namin kaya pinauna ko na sila sa canteen at nagpabili na agad ng lunch...hindi kasi kami sabay ng vacant ni Alejandro tuwing Martes at Huwebes...
From: Alejandro
Eat your lunch. Please eat healthy. I love you ma amour.Napangiti ako sa aking nabasa...
To: Alejandro
You too, mon amour. I love you more.Pagkasend ko ay agad kong hinanap sina Jade sa canteen at nakita sila sa bandang dulo... Tumabi ako kay Jade na agad itinuro ang pagkain ko... Nagmamadaling kumain ako upang hindi nila ako hintayin ng matagal... Patapos na kasi sila ng maabutan ko...
"Slowdown , Clars... We can wait for you." Ani Jade
Uminom ako ng tubig at ngumiti sa kanila. "Less than one hour na lang... " Sagot ko.
"Okay lang... At bakit nalate ka natapos now? Huli ka ata ..." Ani ate Fhey.
"Ano yan? Epekto ng may jowa?! Di maganda!" Ani Christ.
"Hindi... Paggising ko kasi kanina... Mabigat na pakiramdam ko. Masakit na ulo ko... Di sana ako papasok kaso naisip ko yung group meeting mamaya sa POT1. " Paliwanag ko sa kanila.
Nakita ko ang pagbadha ng pagaalala sa kanila.
"Uminom ka ba ng gamot?" Ani Raine.
"Hindi pa. As much as possible ayoko magdepende sa meds.," Paliwanag ko.
Naramdaman ko ang pagcheck ng tempt ko ni Jade. "Mainit ka. Umuwi ka na kaya? Sinabi mo na ba kay Al to?" Anya sa pagaalala.
Kinabahan ako bigla ... Ayoko ipaalam kay Alejandro na masama pakiramdam ko dahil may long test sya ngayon sa major... At baka magalala ito at hindi makapagfocus...
"H-hindi...huwag nyo sasabihin... Uhm... May test sya sa major ..baka madistract." Paliwanag ko.
Nakita kong gusto nilang tuksuhin ako pero masyado silang nagaaalala...
"Daan tayong clinic para macheck ka... Kung di mo talaga kaya... Umuwi kana...ako na bahala g magexplain kina Jedda about sa sakit mo..." Ani Thelle na kagroup ko sa POT1.
"Oo nga... Tsaka balita ko marami ka na naitulong doon... Maiintindihan naman siguro nila yun kung liliban ka ngayon." Sabi ni Jade
"Kaya ko pa. Inom na lang ako ng gamot" sagot ko .
Huminga sila ng malalim... At tila hindi kumbinsido sa sinabi ko. Alam kong panget ang lagay ko ngayon... Namumuttla ako for sure...
"Bahala ka nga! Pagkatapos mo dyan...Tara na muna sa clinic... Hingi tayo ng gamot." Sabi ni Elle.
BINABASA MO ANG
Stavros 5: I Remember the Boy
RomantizmSo while the song still brings that certain glow And the words still sing of love I know It isn't quite the way it was before I remember the boy But I don't remember the feeling I remember the boy But I don't remember the feeling anymore