"Oh... Uhm... Maria Clara Montes. From COEd. " Napanguso ako upang pigilan ang pagngiti ko ng makumpirma ko na totoong naririto ang babaeng matagal ko nang gustong makilala...kitang kita ko na napipilitan lamang itong magpakilala at tila nais lamang manahimik...nag-baba pa ito ng tingin ...Oh..no... Baby ... look at me.
Siniko pa ako ni Alaric na tila tinutukso ako pero hindi ko ito pinansin at nanatiling nakatingin sa babaeng nakatayo sa harapan ko....
"Maria Clara... " Mariin kong tawag dito at napatingin sa ito akin... my heart beats faster now huh? Ngumisi ako rito...kitang kita ko ang pagkailang nya... "Alejandro Detumon. Nice to meet you...Finally... " Pagpapakilala ko rito na tila ikinalito pa nito...
Natapos ang klase namin sa Advanced Algebra at nag-ayang kumain ang mga kaibigan ko . Yayayain ko sanang kumain si Maria Clara kaso nagmamadali ang mga itong umalis at hindi man lamang nagpaalam...
"Ano? Bossing libre mo naman kami ! Nakasulyap ka naman kay Claire! " Nakangising bulong sa akin ni Alaric na sinamaan ko lang ng tingin .
"Woi... Ano yang pinagbubulungan nyo?? Share nyo naman!" Ani Dhenver kaya naglapitan ang mga kaibigan namin.
Tss... Annoying.
"Manlilibre daw si bossing! Sa may BSU cafeteria..." Anunsyo ni Alaric na ikinahiyaw ng mga ito. Naiiling na lamang ako na sumunod sa mga ito. Pagdating namin sa cafeteria ay napansin namin agad na walang mauupuan kaya naman aalis na sana kami at hahanap ng ibang kakainan ng makasalubong namin si Jade...ang kaibigan ni Maria Clara.. mabilis kong hinanap kung nasaan ito ...
"Ui! Nandito pala kayo! " Dinig kong Anito habang hinahanap parin si Maria Clara...
"Wala na ba kayong mapupwestohan? Tabi na lang kayo sa table namin ni Clara... " Anyaya nito na napukaw agad ang atensyon ko. Narinig ko pang pumito si Alaric na tila nambubuyo..."Talaga? Sige... Doon na lang kami... Di ba Alejandro? Asaan ba yung pwesto nyo? At nang makapunta na itong so bossing dahil may baon sya... " Nakangising sabi ni Alaric na ikinailing ko na lamang. Alam ko ang ginagawa nito for purpose.
BINABASA MO ANG
Stavros 5: I Remember the Boy
RomanceSo while the song still brings that certain glow And the words still sing of love I know It isn't quite the way it was before I remember the boy But I don't remember the feeling I remember the boy But I don't remember the feeling anymore