35

578 19 0
                                    

Matapos maghapunan ay nagdesisyon ng umuwi nina tita George at tito Nate. Sumunod na rin sina kuya Leon, kuya Dean, ate Lyreah kasama ng mga pamilya nito. Tita George and ate Lyreah asked my forgiveness and we cried a lil when we had the chance to talk alone. Sinabi ko sa kanila na wala na sa akin yun and that we thought and acted things na sa palagay namin ay makakabuti at tama.
Hindi rin nagtagal ay nag-aya na si Sir--- papa na umuwi. Hindi pa rin ako sanay na tawagin siyang ganoon but he insisted.
They bid good byes with my families . Alam kong medyo ilang at asiwa pa rin ang pamilya ko sa kanila dahil nakakaintimedate naman talaga ang aura ng pamilyang ito lalong lalo na si Queen. I remembered her whispering to her husband how small our house is but quite homey and welcoming. Still small for a Stavros wife. Nasa likod nila ako noon at tatawagin sana sila for dinner.

I smiled na lang dahil atleast sinabi nitong homey and welcoming ang bahay namin.

"Did you prepare your things already, Clara?" Nawala ako sa aking pagmumuni-muni nang marinig si La-- Rebel na magtanong.

Napatingin ako rito na tila naguguluhan. Naramdaman ko naman ang marahang pagpisil ni Alejandro sa magkabilang balikat ko. "She's not coming with us today. I know she wants to spend more time with lola  since baka matagalan bago sila magkita ulit." He said in cold voice.

Nakita ko naman na tila nakakaunawang tumango ang pamilya nya ngunit taliwas iyon kina lola at lola Ma.

"Nako! Hindi naman magandang hindi ka sumama sa mapapangasawa mo ngayong gabi apo. Kaugalian na iyon. " Ani lola Ma.

"T-tama si mare ,Clara. S-sumama ka na kay A-Alejandro. P-pwede ka naman bumalik bukas. Matutulog na rin naman a-ako nito apo." Ani lola.

"Pero lo--"

"Wag ka ng makipagtalo anak. Ipinaghanda na kita ng mga dadalhin mong gamit dahil napansin kong hindi ka naghanda kagabi... Sandali at kukuhanin ko." Sabi ni mama na ikinagulat ko

"Don't bother po, ma. May mga naiwang gamit naman po sa bahay si Clara nung doon sya natulog. Okay na po iyon." Magalang na sabi ni Alejandro at nakita ko ang mapanuksong tingin ng mga tita at pinsan ko sa akin na ikinainit ng aking pisngi.

Wala akong nagawa kundi ang sumama sa mga ito. Hindi ko kayang tanggihan ang lola lalo na sa kundisyon nito.

Bago kami sumakay sa sasakyan nito ay nagpaalaman muna kami sa pamilya ko at nya. Hindi pa rin ako makapaniwala na halos mapuno kanina ng magagarang sasakyan ang aming compound. Alam kong magiging usap-usapan ito sa barangay namin lalo na at may katungkulan ang tatay sa barangay.

Tumulak na kami paMetro. Tahimik lamang akong pinanonood ang dindaanan namin... "I... I am sorry about my action... For accusing you ." Basag nito sa katahimikan ng makapasok na kami sa NLEX.

Huminga ako ng malalim at tumango lamang bilang tugon. "Pwede mo ba akong ihatid sa pad ko? Gusto ko sanang doon magpalipas ng gabi..." Tanong ko rito sabay tingin sa kanya.

Napansin ko ang paghigpit ng hawak nito sa steerwheel at pangangalit ng bagang nito ... I know he does not like my idea.
"You can visit there some other day but tonight we will spend the night together at our home." Anito nang may diin.

Huminga na lamang ako ng malalim , tinanguan siya bilang tugon at pinaglaruan ang singsing na bigay nito. Doon ko naalala kung anong singsing na ito sa pamilya nila. At bakit nya ito ibinigay sa akin.

"C-can I ask you something?" Lakas loob kong tanong rito.

Napasulyap ito sa akin bago itinuon sa daan ang atensyon. "Anything." Tipid nyang sagot ngunit punung puno ng kaseryosohan

Inipon ko ang lahat ng lakas ng loob na mayroon ako upang maitanong ang mga bagay na gusto kong malaman... "This ring... " Panimula ko habang pinapanood ang reaction nya.

"What about it?"

"T-this is the El Amore de  Esperanza am I right?" Tanong ko rito

Nakita ko ang bahagyang natigilan ito sa tinuran ko at nakabawi agad. "Yes." Tipid na sagot nito.

It frustrates me... Bakit hindi na lamang nya ibigay ang gusto kong response nya. Bakit kailangan nya pang unti-untiin.

"T-this is one of the most important heirloom of your family... I-it was your father's ancestor's engagement ring... It was the Late Doña Maria Ezperanza Consuelo Stavros Y Questeroz given by the late Don Juan Crisanto Stavros Y Lopez. This cost a---"

"A hundred million dollar. Yes! And who fucking cares?" Matigas at malamig nitong turan na ikinagulat ko. Kitang kita ko ang iritasyon sa mukha nito. Alam kong alam nya kung saan patungo ang usapan na ito but he choose not the give me all the answers I wanted!

"Then, why d-did you give it to me? B-bakit hinayaan mong suotin ko ang ganitong kaimportanteng singsing ng pamilya nyo? Y-you should have given it to the most important woman of your life. Hind---"

Tila nabigtas ang pisi ng pasensya nito dahil itinabi nito ang sasakyan sa gilid at inilagay sa hazard... Tinanggal ang seatbelt nya at walang babalang hinalikan ako sa aking mga labi na labis kong ikinabigla... Tila nanigas ako sa kinauupuan ko at hindi alam ang gagawin... "Fucking kiss me back, Ma amour... Kiss me back..." He whispered between his kisses... Hindi ko alam tila nahipnotismo ako... I closed my eyes at sinagot ang mga halik nito...  Hangang maubusan na kami ng hangin... He cut the kisses at isinandal ang noo nya sa akin habang pareho kaming naghahabol mg hininga... He look at my eyes while holding my cheeks... Then

"I just gave it to her. So drop this topic now, Maria Clara. That ring belongs to you now. You are the rightful owner of that ring! It was given to me by Celestino, binilin nya na ibigay ko sa babaeng paglalaanan ko at makakasama ko ng habang buhay and that is what I did! I gave it to you so fucking drop this discussion right now woman because This is me owning you! This is me claiming my own Stavros! "

Stavros 5: I Remember the BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon