"Maraming pwedeng mangyari sa loob ng isang taon... Maria Clara. Pwede naman akong maiwan dito sa Pilipinas kasama ka." Ani Alejandro sa akin.
Mariing napapikit ako bago ipinagpatuloy ang pagliligpit ng mga pinaginuman ng mga kaibigan namin na kasalukuyang nagsuswimming at ang iba naman ay nasa loob na ng room na nirentahan namin sa resort .
Ilang beses ng iginigiit sa akin ni. Alejandro ang kanyang ideya na dito sya mananatili at hindi susunod sa mga magulang nito na mariin kong tinututulan. Hindi ako makakapayag na ako ang maging dahilan ng pagkakahiwalay nito sa pamilya nya.
"Please... Maria Clara... Listen to me ... Magpapaiwan ako rito... Ako ang maghahandle ng business nina papa dito... Ak---"
"Paano ang pangarap mong maging Engineer? Tatalikuran mo? Hindi ba't kaya ka lang maiiwan dito ay para makapagtake ka ng board exam at pag naipasama mo...na tiyak akong makakaya mo ay susunod ka na sa kanila sa U.S para roon mag-trabaho at mag-aral ng Masters! Ititigil mo na naman ang mundo mo para sa akin Alejandro! Ayoko ng ganun!" Mariin kong sabi rito sa kalmadong tinig.
Alam nito na pag ganoon na ang aking tono ay seryoso ako... Napansin ko ang pag-igting ng panga nito at tila hindi nagugustuhan ang takbo ng usapan namin. Hindi naman dapat kasi aabot sa ganito kung agad nyang sinabi ang plano nya. May plano kaming dalawa para sa future namin pero heto kami ngayon tila unti-unti kaming sinisira ng pagkakataon.
"Ikaw ang ---"
"Wag na muna nating pag-usapan ito ngayon, Alejandro. Nagcecelebrate tayo ngayon dahil sa graduate na tayo... Kaya iyon muna please... Ayokong magtalo pa tayo tungkol sa bagay na ito ngayon... " Putol ko sa sasabihin nito.
Huminga ito ng malalim at napipilitang tumango bago ako nilapitan at niyakap mula sa likod...ako naman ay patuloy sa pag-liligpit.
"Sorry. You're right... We still have a year to think about this matter... And hopefully... You'll see my point." Bulong nya sa tila umaasang tono.
I hope that you'll see my point too... Alejandro.
"Hey! Lovebirds! Dito na kayo! Mamaya na kayo maglambingan dyan! " Napapailing at nginitian ang mga kaibigan naming nasa pool area.
"Tapusin lang namin to!" Ani Alejandro
"Asus! Baka iba mabuo nyo jan! " Alaric teased na sinundan ng pambubuyo ng mga kaibigan namin ...na ikinapula ko.
"Gago!" Tila iritableng sabi ni Alejandro kaya hinampas ko ito
"Bibig mo!" Saway ko rito.
"That's faul! Nirerespeto kita tulad ng pagrespeto ko sa mama at ate ko. No one has a right to disrespect my Maria Clara!" Aniya sa seryosong tono
Huminga ako ng malalim upang kalmahin ang nagwawala kong puso. Damn Alejandro! Galit pa ako sayo pero nagagawa nong pabilisin ang tibok ng puso ko.
"Nakainom lang si Alaric, Alejandro. He mean no harm. " Paliwanag ko rito at hinaplos ang braso nito upang pakalmahin siya
Huminga ito ng malalim at hinila ako payakap sa kanya... "I love you deeper than you'll ever imagine ." Bulong nya habang hinahagkan ako sa tuktok ng aking ulo.
"Mahal din kita. Sobra sobra." Sagot ko sa kanya... Tumingala ako at "Tapusin na natin to...para makasama na tayo sa kanila." Nakangiti kong sabi sa kanya
Ngumiti sya at hinalikan ang tungki ng ilong ko na ikinangisi ko. "Game."
We enjoy the night with our friends...
---
After a week..."Anak... Tumawag sa akin ang nobyo mo... Tinatanong kung naririto ka ras ba? Hindi mo raw kasi ata sinasagot." Sabi ni tatay sa akin ng tulungan nya ako sa pagbubuhat ng mga librong ilalagay ko sa book shelf na pinagawa nito sa kwarto namin ni ate.
Huminga ako ng malalim... "Tay... Nabusy lang po ako sa paglilinis ng kwarto. Mamaya po tatawagan ko sya." At nagpatuloy sa pagsalansan ng mga libro.
Iniabot sa akin ni tatay ang tatlong huling libro...
"May problema ba kayo ni Alejandro? Nak?"Tinapos ko ang pagaayos ng mga iyon at tsaka ako tumabi kay tatay sa pagkakaupo nito sa kama namin ni ate.
"Tay... Gusto nya pong magpaiwan dito sa Pilipinas at hindi na susunod sa pamilya nya roon sa Amerika. Sabi nya sya na lang ang mamamahala ng mga negosyo nila rito... Kaso tay paano po yung pangarap po nya? May scholarship grant po sya sa isa sa nga Ivy League para sa Graduate Schooling nya. Tay ayaw ko naman pong maging hadlang sa mga oportunidad na dumarating sa buhay nya..." Kwento ko kay tatay at isinandal ang ulo ko sa balikat nya.
Naramdaman ko ang pag-akbay ni tatay sa akin... "Alam mo nak... Hindi naman sagot sa problema ang pag-iwas. Isa pa... Tinanong mo ba siya kung yun talaga ang gusto nya? Ang pangarap nya? Pwedeng mag-bago ang pangarap ng isang tao nak... Hindi porque ito ang pangarap mo ngayon... Yun na yun hanggang matapos. Hindi ba't ikaw noon ay gusto mong mag-madre? Pero anong nangyari? Biglang nagbago ang pangarap mo... At iyon ang natupad mo ngayon." Sabi nito sa akin
Natahimik ako sa narinig ko... Something hits me... Tama si tatay... Pero...
"Pero tay... Hinihinto nya kasi ang mundo nya para sa akin..."
Ngumiti naman si tatay sa akin ...
"Edi ikaw mismo ang magpaikot niyon... Kausapin mo sya... Pag-usapan nyo yan... gusto ko pa man din ang batang iyon para sayo. Pasado na para kuhanin ang bunso ko" Ani tatay sa akinNapangiti naman ako... "Tay... Matagal pa po yun.mageexam pa po ako ng LET... Mag-aaral pa po ako ng Masters ko...papagawa ko papo ang bahay natin at pag-aaralin sina ate at Kuya..."
Nakita ko na tila namamasa ang mga mata nito... At nakangiti sa akin "Proud si tatay sayo nak. Pero hindi mo responsibilidad ang mga kapatid mo at ang bahay...kami dapat ang doo--"
"Tay... Gusto ko po yun. Hayaan nyo po ako... Regalo ko po iyon sa inyo ni ma." Sagot ko rito.
"Maraming salamat kung ganoon nak"
---
Matapos ng pag-uusap namin ni tatay ay tinapos ko na ang paglilinis ng kwarto namin... Tsaka ko napagdesisyonang maligo... Bago iyon ay kinuha ko ang phone ko upang itext si Alejandro... Napangiwi ako ng makita ang 21 messages at 13missed calls nito.Hindi ko na binasa ang mga iyon at sinensand na sya ng mensahe..
To: Alejandro Detumon
Usap tayo. Kita tayo sa Figaro. Wag mo na ko sunduin. I love you and ingat sa pagdadrive okay?
Bibitawan ko na sana ang phone ko upang makaligo na ng bigla itong magring...
Alejandro calling...
Sinagot ko iyon...
"Hello?"
"Susunduin kita. I'm on myway...ma amour. I love you so deep."
Napangiti na lamang ako ng patayin nito ang tawag nya sa akin...ngunit napalitan ng kaba ng maalala kung ano ang desisyon ko...
Sana ay tama ito...
Sana...
BINABASA MO ANG
Stavros 5: I Remember the Boy
RomanceSo while the song still brings that certain glow And the words still sing of love I know It isn't quite the way it was before I remember the boy But I don't remember the feeling I remember the boy But I don't remember the feeling anymore