5

690 16 0
                                    

"Cla, wag ka munang magbasa ng libro ngayon! Samahan mo muna kami rito!" Ani kuya Ramon Jose nang pumasok ito sa kwartong tinutulugan namin ni ate sa bahay ni lola. Kakalatag ko lamang ng extra kutson sa lapag para tulugan ng mga iba naming pinsan... At inayos ko rin ang higaan naming lahat... For sure gusto ng mga ito na tabi tabi kami sa kwarto kahit siksikan palibahasa simula ng namatay ang lolo ay mga takot matulog dito sa kwarto ng magisa ang mga iyon.

Isinara ko ang librong binabasa ko matapos kong lagyang ng bookmark at itinabi iyon sa study table namin. "Sunod ako, kuya" sagot ko rito.

Umiinom sila sa may terace sa ibaba... Mula sa mga 3rd year high school kong pinsan patungo kay ate Josefa na syang panganay sa aming magpipinsan pinsan.
Yung mga mas bata naman ay tiyak na naglalaro sa salas o kaya naman ay nanunuod ng tv. Laging ganoon dito pag Friday... Yung kasi ang request ni lola sa amin... Kaya naman ang ginagawa nina mama at ng mga kapatid nito ay nagbibigay sila ng pangkain at panginom ...

Kinuha ko ang phone ko matapos kong itali ang buhok ko sa messy bun... Kailangan kong makasunod agad kay kuya, bago ang mga makukulit kong pinsan ang sumundo sa akin. Tiyak na guguluhin nila ang mundo ko...

Pababa ako ng hagdan ng magbuzz ang phone ko agad ko iyong binasa.

From: Alejandro
You should join them, Maria Clara. Minsan ay mag-enjoy ka kasama ng mga pinsan mo.

To :Alejandro
Going downstairs already. Sinundo ako ni kuya sa room namin.

Bumaba na ako ng hagdan...saktong nasa ground floor na ako ng bahay ng magbuzz uli ito.

From: Alejandro
Buti nga. Haha. Don't drink too much. Baka mapano ka pa. Papakasalan pa kita.

Namula ako sa nabasa kong iyon. Tsaka nagreply.

To: Alejandro
Hindi ako palainom. Lol. Hindi mo pa ako napapasagot kasal agad nasa isip mo?

"Ate Cla! Gusto po naming maglaro ng make up make up nina Lae at Joy!" Sabi ni Eula.

Sila ang pinakabata sa amin. They are both in 3rd grade. While Joy is on her 2nd year high school.

Ngumiti ako sa kanila. "Bawal sa inyo ang make up. Maiirritate skin nyo." Sabi ko sa kanila. "Manood na lang muna kayo ng cartoons. Bukas magdress up tayo!" Nagtatalon ang mga ito sa tuwa...nagpaalam na sila na manonood ng cartoons at ako naman ay tumuloy na sa nagkakasiyahan kong mga pinsan. Rinig ko ang hindi gaanong kalakasang music nila... At pawang mga acoustics ang mga iyon...so acoustic night kami ngayon...nice!

"Cla! Dito ka!" Ani Ate Josefa at itinuro ang upuan sa tabi nila ni Jia. Tumuloy ako roon.

Agad akong inabutan ng tagay... "Hindi ako iinom. Makikipagkwentuhan lang." Tanggi ko.

"Oh! Dali na! Walang KJ !" Ani ate Josefa na inayunan ng mga pinsan namin. Napipilitan tuloy akong tumagay. Naghiyawan oa ang mga ito ng maubos ko ang laman ng baso.

Lukot ang mukha ko matapos at tila gusto kong magsuka... Tinawanan naman ako ng mga ito.

"Ang panget talaga ng lasa!" Sabi ko

"Masanay ka na, dapat ay malaman mo yung alcohol limit mo para hindi ka mapahamak." Ani kuya Ramon.

Tumango na lamang ako. Nagbuzz ang phone ko kaya agad kong tiningnan.

From: Alejandro
Masama bang mangarap ? Masama bang pangarapin kong maging asawa ka?

Stavros 5: I Remember the BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon