Montes Residence
"HAPPY BIRTHDAY MAMA!" masayang bati ko kay mama nang makita ko ito na palabas ng bahay upang salubungin kami..."Oh! Anak! Andyan na pala kayo... Kasama mo ba si Alejandro... Sab---"
Tila nagulat at napapahiyang huminto si mama ng makita kung sino ang kasunod kong pumasok... She looked a lil disappointed..."Mama L andyan na po ba si Ate Cla? Kasama nya po ba si kuya Aleja--- oh...uhm... " Napapahiyang natigilan sila Mikmik at napatingin sa amin. "Ah... Ate... Andito ka na pala..." Napapahiyang sabi nito
Kabadong tumingin ako kay Marcus na tila ramdam ang pagkadismaya ng pamilya ko sa presensya nya... Alam kong hanggang ngayon ay hindi pa rin nakakalimutan ng mga ito ang nangyari at nagawa sa akin ng nobyo ko bago ako nagfile ng indefinite leave of absence sa DepEd noon at naging temporary assistant ni Lady Rebel...
"G-good evening po, tita L ... Mik, Jia, at Eula..." Ani Marcus. "Happy birthday po... May dala po akong cake at simpleng regalo para sa inyo ."
"Magandang gabi rin... salamat sana'y hindi ka na nag-abala. " May kalamigang ani mama . Napahinga ako ng malalim... "Clara, dalhin mo na sa loob ang bisita mo... Naroon na rin ang lola mo at mga tita at tito kasama ang mga pinsan mo. Kanina pa nila kayo hinihintay." Dagdag. Nito.
"S-sige po mama... Marcus... T-tara n--"
"Happy birthday po mama L... " Napatayo ako ng tuwid ng marinig ang barito at pamilyar na tinig na iyon mula sa aking likuran... Kasabay pa ng pakiramdam na malapit ang presensya nito mula sa aking kinatatayuan...
"KUYA ALEJANDRO!" Sabay sabay na masayang sigaw ng mga pinsan ko... Kasunod niyon ang patakbong lapit ng mga ito sa kanya at sunud sunod na paglabas ng iba pa naming pinsan at nina ate Josefa at kuya Ramon...
Hindi na ko nagulat ng makita kong nakangiting sinalubong ni lola si Alejandro... Maging ng mga tita at tito ko... They really love him like he is one of our family... Napatingin ako kay Marcus na tahimik na pinanonood ang pamilya ko sa pagbati at pangungumusta sa bagong dating... Kitang kita ko ang sakit at pait sa mga mata nito...kaya naman hinawakan ko ang kamay nito at marahang pinisil iyon dahilan upang lumipat sa akin ang tingin niya...kaya ginawaran ko siya ng nagpapalakas ng loob na ngiti... Ngumiti ito pabalik sa akin...hinila ako nito at inakbayan...
Napatingin akong muli sa pamilya ko ng maramdaman ang maninigat na tingin mula roon... at nasalubong ko ang tila nagbabantang tingin ni Alejandro sa akin kaya naman pilit kong inignora iyon at tinuon ang pansin kay Marcus.
"Nako...anak... Nag-abala ka pa talaga! Alam na alam mo ang paborito ko!" Masayang wika ni mama rito habang hawak ang isang box ng cake mula sa isang sikat na restaurant na paborito ni mama noon pa man.
"Kayo pa po ba ang makakalimutan ko mama L! You are a mother to me po...may ipinapaabot sina mom and dad sa inyo...naiwan ko lamang po sa sasakyan...tay... Mga tito... Kuya Ramon... Niks may dala ako nung double black at Jack ... Maya alam nyo na!" Masayang anito sa kanila na masayang tinugon ng mga ito.
Nilapitan ni Alejandro ang lola at nagmano katulad ng nakaugalian nito noon..niyakap nya ito pagkatapos...
"Apo ko... Kumusta na! Miss na miss ka ni lola! Akala ko ay kinalimutan mo na kami... " Ani lola rito
"Ayos lang po ako. La... Namiss ko din po kayo... Kayo pa po ba ang malilimutan ko... Eh kayo ho ang pinakamahandang lola sa buong mundo! Parang bumata po ata kayo la! May pasalubong po ako sa inyo... Mamaya ko po ibibigay..." Masayang pambobola nito kay lola na ikinatawa ng lahat.
"Nako! Bolerong bata! Hala at tayo na... Asaan nga pala si Maria Clara? At hinayaan ka nya atang magtungo rito ng mag-isa?! Ang nobya mo talagang iyon kahit kailang... Palibhasa alam nyang hindi ka namin papabayaan..." Kinakabahan akong Napatingin kay Marcus na inalis ang akbay sa akin at nag-iwas ng tingin. I know he was hurt by what he heard from lola... Hindi naman na bago iyon rito.. but I know it doesn't mean it would hurt less...
Yes! Marcus was not welcomed as how they welcomed Alejandro in our family... Sure they treated him warm, fair and just... But not as warm as they did with Alejandro... Lalong lalo na si lola. Lola always tell stories and compared Marcus with him... Kaya naman alam kong iyon ang nagtulak din kay Marcus noon na magloko at hiwalayan ako ...
"Lola... Mano po..." Kinakabahan kong bati rito at nagmano... Nakita ko ang pagtataka ng lahat ng mapansin na nila ang presensya namin . Mabigat ang mga tingin nila kay Marcus... Alam ko... Hindi nila gustong naririto ito. Magmamano din sana si Marcus rito ngunit tumalikod ang lola at binalingan muli si Alejandro...
"Okay ka lang ba apo? Halika na sa loob... At hayaan na si Maria Clara... Hindi ko alam na may isinama siyang ibang bisita... Ako na ang bahala muna sa iyo habang nandirito pa ang isang iyon!" Anito kay Alejandro at niyakag ito papasok sa bahay ng parents ko.
Sumunod na rin ang iba... At wala ni isa man ang nag-anyaya sa amin ni Marcus papasok .libang kina tatay at mama na magkaakbay na bumaling sa amin...
"Pumasok na kayo ... Nakahanda na ang hapunan..." Ani tatay sa amin sa civil na boses.
"Opo tay..."
"Salamat po, tito..." Ani Marcus. Tumango lamang ang tatay rito na nagpabigat ng dibdin ko.
"Tara na sa loon at sumunod na kayo..." Ani mama bago sila tuluyang sumunod sa mga ito.
Naaawa na nagiguilty ako dahil sa nangyaring ito kay Marcus... Nahihiya ako para sa inasta ng pamilya ko rito... Na naiinisa sa mga ito.
"Sorry Marcus... Uhm... Hindi pa kasi tayo nakakapa--"
"I love you, Maria Clara... "Agad nito sa sasabihin ko. "I love you...yun lang ang mahalaga sa akin... Ikaw lang. I will earn their approval and make sure that they will accept me as your boyfriend... I understand them... Yun naman talaga ang initial reaction ng lahat sa ginawa ko noon...and I deserve that... So Don't worry, nay... I am okay... Sanay na ako na mas pabor sila roon sa Alejandro na iyon mula pa noon... I understand ... Yes... It's painful in my ego pero ikaw ang importante sa akin... Yun lang... " Anito sa akin sa seryosong tinig kaya naman niyakap ko ito ng buong higpit upang makabawi at maibsan ang nararamdaman kong guilt dahil sa nangyari kanina sa opisina at ngayon sa bahay...
Ang dami ko ng atraso sa nobyo ko...
Pero babawi ako...
Napatingin ako sa pintuan ng makaramda muli ng maninigat ng tingin...at doon ko nakita ang galit na tinging pinupukol sa amin ni Alejandro... Tila ba napakalaking kasalanan ng nagawa ko rito...
Iniwas ko na lamang ang tingin ko sa kanya...at niyakap ng mahigpit si Marcus... Siya ang nobyo ko... Sa kanya lamang dapat ako nakatuon ang pansin... Kay Marcus lang at hindi kay Alejandro...
BINABASA MO ANG
Stavros 5: I Remember the Boy
RomanceSo while the song still brings that certain glow And the words still sing of love I know It isn't quite the way it was before I remember the boy But I don't remember the feeling I remember the boy But I don't remember the feeling anymore