38

732 19 10
                                    

"You and your wife should stay here for the mean time, anak. Hindi ligtas para sa lahat kung hihiwalay sa pamilya sa ganitong pagkakataon." Ani Madam Yvangelin kay Alejandro.

Naging matigas ang expression ng mukha ni Alejandro sa narinig. Alam kong hindi nito gustong manatili kami rito. "Aalis kami ng asawa ko, tita. I already booked our flight to U.S.  Doon muna kami magstay ni Maria Clara... I am not comfortable and I feel that my wife's life is unsecured here with this kind of situation. I hope you'll understand. " Malamig nitong sagot rito.

Huminga ng malalim si Madam Yvangelin at napatingin sa akin. Ngayon ko lang nagtanto na talagang alam ng pamilya niya sa father side and tungkol sa kasal namin. "But..."

"Let him, My Empress. Tamang mas ligtas silang mag-asawa kung lalayo sila rito pansamantala. Since Alejandro refused to show up sa mga gathering . He is still unidentified by the society. Alam lang nila na may isa pa akong anak sa katauhan ng isang Alejandro Stavros. Kaya safe silang mag-asawa. And I will ask their security team to tighten their security." Malamig na sabi ni Papa Celestino. "Is that okay with you, son?" He asked

"Yes, papa. I don't like to expose my wife with the danger can be causes by the family." Matatag na sabi ni Alejandro and for the first time ay narinig kong inaddress nyang papa ito. Ngumisi lamang ang patriarch ng mga Stavros na tila proud pa sa sinabi ng anak. Weird.

"Settled. Liban sa mag-asawan Alejandro at Clara, maging kay Hades na kailangan umalis para sa hospital duty nito ay maiiwan ang lahat rito sa Palacio de Stavros. " Matatag na utos nito. Alejandro walked out on the scene while bringing me with him. Kakaiba talaga ang ugali nito pag kaharap ang mga Stavros. I can feel the coldness from him. Hindi ko ma nasundan ang mga pangyayari... bigla na lamang may nagpaulan ng bala sa sinasakyan namin ..naramdaman ko na lamang na niyakap ako ni Alejandro....at tinamaan siya ng ilang beses....

"ALEJANDRO!" I was mortified when I realized what's happening...

"D-don't fucking move...  Yuko... Maria Clara..." Nahihirapan nyang sabi... Naramdaman ko ang mainit na likidong kumakalat sa akin mula sa kanya... Blood.

"MAY TAMA KA! A-ALEJANDRO... A-ANONG GAGAWIN KO. PLEASE... " Natataranto kong tanong rito.

"J-just stay there... F-uck... STEVE! FUCKING C-CALL P-PAPA..N-NOW! MAKE SURE MY WIFE'S SAFE!"  At umubo pa ito ng may dugo... At pumipikit na ito... Trying his best to stay alert for me... Damn it!

Sinubukan kong makipagpalit ng pwesto rito but he stopped me... Like he was trying to protect me... It pains me so much... Damn it!


"P-please, Alejandro... Stay awake... Stay w-with me ... Don't fucking die o-on me... Mon amour... H-hindi ko kaya... Please... Hindi ko kayang mawala ka sa akin ulit... Mahal na mahal kita... P-please .. mom amour... " Halos pagmamamakaawang sabi rito habang tinatapik ang mukha nya at nagdarasal na sana ay dumating na ang tulong...

Nakuha pa nitong ngumiti kahit hirap na hirap na siya... "I'm d-dying to hear those words since d-day one... Ma amour... M-mahal na mahal din k-kita... Mas m-malalim... U-umaaapaw... At n-nakakalunod... " Umubo pa itong muli...kaya lalo akong nag-alala... "T-tama sila... Y-you are my f-fucking Stavros Love. M-mula Detumon h-hangang Stavros... Ikaw l-lang... Maria Clara..." At nawalan na ito ng malay na ikinabahala ko ng lubos...
Iyak ako ng iyak... pilit siyang ginigising...
hindi ko alam kung anong gagawin ko... Bullets are everywhere.....Huling naaalala ko na lang ay tumigil ang barilan at sakay-sakay na kami ng chopper pabalik ng syudad kasama si Doc Hades na kitang kita ang pag-aalala sa kapatid.


---

"K-kumusta sya?"  Nag-aalala kong tanong sa doctor na kalalabas lamang ng operating room. Hades is not allowed to go in since he is his brother. Wala rin syang nagawa kundi ang sumunod sa protocol ng ospital.

Tinamaan ng bala si Alejandro sa kanyang balikat... Hindi ko pa alam kung saan parte pa ang tama nya... Basta kanina ay nanginginig ako sa takot ng makitang ang daming dugo ang bumalot sa kanya at dahil niyakap nya ako kanina ay napuno rin ako ng dugo nito. Ilang beses akong sinabihan ni Ms. D.A na magpalit dahil ito ay isa sa mga nagpunta rito agad agad ng marinig ang nangyari kasama nito sina Queen at ang mga asawa nila. Gusto rin daw pumunta ng iba ngunit kailangan ng mga itong manatili na sa isla dahil total lockdown na roon.

"Natanggal na namin ang mga balang tumama rito ngunit kailangan masalinan ng dugo ang pasyente... Pero walang available sa blood bank namin ng blood type nito... Sino rito ang may blood type AB negative? " Tanong ng doctor


Sabay sabay na nagtaas ng kamay ang mga kapatid nito. Hades insisted to donate at walang nagawa ang dalawang kapatid nitong babae. Nanghihinang napaupo na lamang ako sa bench nang muling pumasok sa operating room ang doctor habang si Hades ay sinama ng isang nurse na lalaki. Nanginginig ang kalamnan ko hanggang ngayon... Hindi ko alam kung paano ko haharapin ang lahat kung may mangyaring masama kay Alejandro ngayon...

Nagising ako sa malalim kong pagiisip nang may umupo sa tabi ko at binigyan ako ng tubig. Napatingin ako kung sino iyon at napagtantong si Queen iyon... Sumunod naman si Ms. D.A. at bahagyang ngumiti sa akin. Tinanggap ko ang tubig ng taasan ako ng kilay ni Queen at nanginginig ang kamay ko noon... Kaya nagulat pa ako ng hawakan iyon nito at inalalayan ako sa pag-inom... "Calm down, Clara... Alejandro will be fine. " Anito sa akin sa mababang tinig. Gone with the high and mighty queen... Nakita ko ngayon ay ang soft side ng isang ate...

Ngumiti din sa akin si D.A. "We are deeply sorry that you have to experience this kind of situation caused of some family issues. Papa and the whole clan is now on it. Hindi titigil ang pamilya hangga't hindi napagbabayad ang gumawa nito sa inyo. I assure you that!" She said in cold and determined voice.


"S-salamat... Pero a-ang concern ko muna ay ang kaligtasan ng asawa k-ko... K-kung ano man ang d-dapat ninyong g-gawin para masiguro ang kaligtasan n-nya ... N-nakikiusap ako... Gawin ninyo... D-dahil hindi ko kayang mawala pa sya sa akin... M-mahal na mahal ko siya... Mahal na mahal..." Tuluyan na akong humagulgol dahil sa bigat ng nararamdaman ko sa aking dibdib...



"Pinapangako namin sa iyo, wala na muling makakapanakit sa inyo ng kapatid ko. No one will ever touch my family and get away from it! They will fucking pay! Mark my words. They will fucking pay!" Puno ng panganib na pangako ni Queen at niyakap nila akong dalawa habang ako ay hindi pa rin alam kung paano matitigil sa pag-iyak.


Stavros 5: I Remember the BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon