"Anak... Bakit gising ka pa? Bukas ay mamamanhikan na sina Alejandro dapat ay nagpapahinga kana." Napatingin ako kay mama na syang nagsabi niyon.
Naririto na kami sa bahay namin ngayon kasama ang buong pamilya. Kaming magpipinsan-pinsan ay matutulog sa sala habang ang magkakapatid naman ay sa silid ni kuya at ate kasama ang mga asawa nito... Sina lola at mga kapatid nito ay sa silid nina mama at tatay. Habang sa silid ko ay sina tatay at mama ang magkasama... Katabi nila roon si ninang at tito Jerick. Naririto ako ngayon sa teresa ng aming bahay at pinagmamasdan ang mga bituin sa kalangitan. Paborito kong gawin ito mula noong bata pa ako liban sa pagbabasa ng aklat. Ito rin ang naging libangan ko sa bundok noon.
"Nagpapaantok lang ako ma. Kayo po ? Bakit gising pa kayo?" Tanong ko rito. Ngumiti naman ito sa akin at tinabihan ako sa upuan at haligi ng teresa . Napapikit ako ng haplosin nito ang aking mukha na madalang lamang nitong gawin noon. Napamulat akong muli ng marahan nitong pisilin ang pisngi ko at nakita ang lungkot sa gitna ng mga ngiti nito...
"Hindi rin ako makatulog, kahit ang tatay mo. Hindi pa rin kasi kami makapaniwalang may hihingi ng na kamay ng bunso namin. Mauuna ka pa sa ate at kuya mo. Hindi pa kami handa sa araw na ito... Hindi namin napaghandaan... At kailanman ay hindi kami magihing handa. Lalo na ang tatay mo pagdating sa iyo. Ikaw ang paborito niyon. Ikaw ang baby nya e. Ramdam ko ang kasiyahan, pero may kalungkutan at takot ng ama mo mula nang marinig nya na ikakasal na ang bunso nya. " nakaramdam ako ng bigat sa aking dibdib at pag-iinit ng mga mata ko ... Kung alam lamang nila ang totoo... "...sabi ko nga sa tatay nyo, na hindi ka pa namin matagal nakakasama ulit mula ng umalis at bumalik ay heto na naman, at iiwan kami rito sa bahay upang bumuo ng sarili mong pamilya kasama ang lalaking iniukit mo sa puso mo... Sa kabila ng mga pinagdaanan ninyo, heto at kayo pa rin pala hanggang dulo... Hindi ko lubos inakalang ang dalaga ko... Ang bunso ko... Kukuhanin na sa amin..." Ani mama sa basag nitong boses. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko na siya ng mahigpit.
"M-mama... s-sorry po... Sorry po mama... Mahal na mahal ko po kayo nina tatay... Sorry po..." Paghingi ko ng tawad sa kasalanang kailanman ay hindi nila malalaman dahil iyon ang makakabuti sa lahat.
"Hush... Nak... Wala ka dapat ihingi ng tawad. Alam namin ng tatay nyo na darating ang araw na ito... Na kukuhanin na sa amin ang mga dalaga namin. Hindi lang kami handa pero masaya kami anak... Masayang masaya kami para sa iyo... Tandaan mo... Nandito lang lgi si mama para sa iyo okay? Laging nakaantabay at uunawa sa iyo... Mahal na mahal kit nak..."
"Mahal na mahal ko din po kayo mama... Sorry po... Mahal ba mahal ko po kayo..."
---
"Kailan nyo balak ikasal mga anak?" Tanong ni Madam Yvangelin sa amin sa napakagiliw nitong tinig.Hindi ko alam pero feeling ko naging magaan ang tensyong kanina pa namumuo ng magsalita na ito.
Ang buong pamilya Stavros at Detumon ay naririto upang isagawa ang pamamanhikan. Hindi ako halos makahinga at makagalaw ng maayos simula kanina.
"We are still waiting for Lola's recovery before we will set the date, tita Yvangelin." Sagot ni Alejandro sa kalmadong tinig.
"Kung ganoon pala ay kailangan magpagaling si lola ng mabilis para maikasal na ang mga bata!" Masayang sabi ni kuya Leon na karga-karga ang baby nitong so Gideon. "Our ate Lyreah and his husband can be a help... They are a good doctors so you all know..." Proud na sabi pa nito napatingin naman ang lahat kina ate Lyreah na tila nahihiya... Tulad ko ay hindi sila matingnan ng direkta sa mga mata. We have unsettled issues from the past... Even tita George is acting stranged na naiintindihan ko naman.
"Don't worry, my son here is also good on that field. He will be personally handling this case. Right, Hades?" Ani Madam Yvangelin.
"Yes. But if they want to extend their help, they can join our team. But not with Clara's grandmother." Malamig na sagot ni Doctor Hades na kadarating lamang kaninang umaga at agad pumunta rito upang icheck ang lola.
Nakita kong tila offended ang mag-asawa dahil sa tinuran ni Hades. I know... That is a bit harsh. but it was natural for thing about the Stavros. Akmang magsasalita na ang mga ito nang magsalita si Mama.
"Maraming salamat sa offer ninyo... Pero mas makakabuting si Doctor Hades na ang hahawak ng case ng mother ko since siya ay kilala sa mga ganitong sakit. At isa pa hindi ang kalagayan ng nanay namin ang pag-uusapan, tungkol ito sa kasal ng aking anak at ni Alejandro. Excited ang mama namin maging ang buong pamilya para roon. Kaya kung maaari lamang ay iyon ang pagtuonan natin ng pansin." Ani mama na nakapagpakalma ng sitwasyon.
"Tama ka riyan , Mrs. Montes. I am excited to make Maria Clara as one of our family, tho I know she is already one." Ani tita Yvangelin na nakapagpakaba sa akin kaya naman napatingin ako kay Alejandro na nasa tabi ko ngayon at nakahawak sa bewang ko.
"Yes. Definitely, tita. But ayokong nakawin ang pagkakataong ihatid siya ng maayos at pormal sa akin ng kanyang mga magulang. Alam kong pangarap iyon ng mga ito. Maria Clara is so precious for them and I am not heartless to make her a Stavros without giving her family their right to send her off to me." Ani Alejandro pinipisil-pisil ang aking beywang na tila ginagawa iyon upang pakalmahin ako.
"That's sweet of you, brother. " Nakangisi at mapaglarong tugon ni Ybarra na syang nakakaalam ng stunt na ginawa nilang magkapatid noon. Kaya naman todo ang kaba ko, knowing a Stavros can be so playful and insensitive.
"Kung gayon, m-magpapagaling ako ng m-mabilisan. G-gusto kong mapanood a-ang Maria ko na i-ikasal kay Alejandro sa simbahan." Ani lola sa masaya ngunit hirap magsalita.
"Ipagdarasal po namin ang inyong mabilis na paggaling, la." Ani Ms. Devone Angela na nasa malapit lamang kay lola.
"That's true, granny, and we are very sure that my brother will do his best to help you recover. I will help too. Since I will be at U.S. together with my husband and our kids. If you don't know, I am a doctor by profession too." Ani Queen na ikinagulat ko.
"Kita mo! Ang daming gustong tumulong sayo mare! Kaya magpagaling ka agad para mapanood na nating ikasal itong apo natin!" Ani lola Ma. Ang mama ni tatay.
Nangiti naman si lola. "O-oo nga mare. Excited akong m-makita syang ikasal."
"Kung ganoon, ikakasal ang mga bata paguwi ni lola mula sa pagpapagaling nito? Tama ba?" Napukaw ni tita George ang atensyon ng lahat.
"Tama ka roon, balae." Ani tatay dito nang may ngiti sa mga labi."kung kami lamang nga ang masusunod ay ipapakasal na namin sila bukas e. Kaso sabi ni Alejandro, gusto nya na ibigay kay Maria Clara ang kasal na deserve ng anak ko. " Dagdag pa nito
"Masaya akong ikakasal na ang dalawang bata sa kabila ng mga nangyari noon. Masayang masaya ako ." Ano tita George ng may luha sa mga mata.
Nagbaba ako ng tingin upang itago ang mga luha sa aking mg mata. Alam ko kung ano ang tinutukoy nito... Alam kong iyun yon.
"Thank you, ma." Ani Alejandro rito na alam kong labag sa kalooban nito. Alam ko na kahit pilit nitong pinapasaya ang tinig ay nakatago ang pagkamuhi nito sa ina.
"This will be you dream come true, son. I am happy for the both of you!" Ani tito Nate.
"Thank you, dad. She is the only person that can make me sane and insane at the same time!" Masayang sagot ni Alejandro rito.
"I will always root for your happiness, son! And you know that , right?" Dagdag pa ni tito Nate.
"Yes dad!" Ani Alejandro na lalo akong hinapit palapit sa kanya. "Hush, Maria Clara...it's okay... Hush now..." bulong nito.
"I'm proud of you, son. You are making everything right. I know, Ms. Montes is your Stavros' love. How can't I notice it? She is the only person who changed your mind to accept us as your family. She is your reason why you embraced your Stavros blood. And I am thankful because of that. " Ani Sir Celestino kaya napatingin ako rito. Ngumiti ito sa akin. "I want to get this opportunity to officially Welcome you Maria Clara... welcome to our family, anak! Our Maria Clara Stavros Y Montes. Thank you for making our son accepts us, me as his father. Thank you, anak. Since you are my daughter, I assure you that no one can hurt and even touch your love ones. Your family is also our family. I promise you that, Clara."
BINABASA MO ANG
Stavros 5: I Remember the Boy
RomanceSo while the song still brings that certain glow And the words still sing of love I know It isn't quite the way it was before I remember the boy But I don't remember the feeling I remember the boy But I don't remember the feeling anymore