"Hindi ko alam na dito pa tayo muling magkikita... Maria Clara..." Napatingin ako sa kanya.
Ang mga berdeng mata niya ay mas naging itim dahil siguro sa kanyang suot na contact lense... Hindi ko alam kung ano ang sasabihin o gagawin ko ngayong kaharap ko na syang muli. Ilang taon na nga ba ang nakakaraan?
Tatlo? Hindi... Limang taon na mula ng huling pagkikita naming dalawa. Mga panahong mas pinili kong manatili rito para ipagpatuloy ang aking propesyong napili kaysa tanggapin ang alok niyang kasal at sumama sa kanya sa ibang bansa kung saan nakabase ang kanyang pamilya... Kung saan naroroon ang kanyang ina, at ang half brothers and sister nya... Maging ang taong tumayo bilang ama sa kanya. Limang taon na rin mula ng mabalitaan kong nagpakasal ito sa babaeng nabuntis nya anim na buwan matapos ng paghihiwalayan naming dalawa... At kasunod din ang balitang pinaabort ng asawa nito ang anak nila daapt dalawa na sanhi ng paghihiwalay ng kanyang dating asawa...
"I thought, you were still serving this country as a teacher in a public school like what I had heard years ago...I am wondering why you are here... As someone's executive assistant?!" Mariing tanong nito bakas ang pagtataka sa mga mata nya.
"I was on leave. Lady Rebel helped me to file my indefinite leave on DepEd. Babalik din ako next school year." Baliwala kong sagot.
Alam naman ni lady Rebel iyon...dahil iyon ang usapan namin ng pakiusapan ako ni Jade upang pumalit sa kanya pansamantala bilang assistant nito...ayaw kasi nitong magbigay ng temporary replacement na hindi nya mapagkakatiwalaan...lalo na at importanteng tao ang pinagsisilbihan nito... Nagpakasal kasi ang kaibigan kong iyon dalawang taon ang nakakaraan at hindi nagtagal ay nagbuntis at nanganak ito...the Hellioses are being so considerate to the point na they gave her two years leave so she can focus on building her growing family... And as her bestfriend... Inintindi ko siya ...at tinulungan. And finally on April next year ay babalik na ito and I will be back on my service!
Napansin kong tumango ito at tinitigan ako na tila nanonoot sa aking pagkatao.
Nakaramdam ako ng kaunting pagkailang...kaya naman pinindot ko na ang intercom at sinabihan si Lady Rebel ang pagbisita nito. Naaligaga pa ako ng utusan ako ng boss ko na pagkuha ito ng maiinom at makakain... Tiningnan pa ako na tila nanunuksong tingin ng boss ko kaya namula ako ng husto...After nyon ay tumungo na ako sa pwesto ko at pilit itinuon ang aking pansin sa aking trabaho... Damn!
Bakit lalo ata itong gumwapo at tumikas?!
"Maria Clara..."
Napapitlag ako at napatingin rito habang salo salo ko ang aking dibdib sa gulat...
"What ?"
"I just curious... why you aren't using your Maria now a days? " Napaiwas ako ng tingin dito. I don't want to be called as Maria anymore... He was the only person who used to call me that... And for me to moved on I omitted Maria on my nameplate. And ask everyone not to call me that.
"N-nakasanayan na lamang. And everyone loves calling me Clara..." Sagot ko na half truth.
Mouthful kung Maria Clara ang itatawag nila sa akin... And sabi nila it sounds classic daw masyado kung Maria... Minsan ay Marry or Claire ang tawag sa akin. Ewan ko ba kina mama, hindi creative sa pagpapangalan sa amin... Si ate pangalan ay Maria Josefa at si kuya naman ay Ramon Jose...
Napatango lamang ito na tila hindi kumbinsido...
"May kailangan ka pa ba M-Mr. Detumon?" Kinakabahan kong tanong.
Pilyong ngumiti naman ito at ipinantay ang mukha sa akin...
"I want you to know that my proposal was still open... I hope you had a change of heart now..." Anito sa baritong tinigNaikunot ko ang noo ko dahil sa pagkalito... Ngumisi naman ito at hinagkan ako sa aking noo... Tila nakaramdam ako ng kalabog sa aking puso... bago tuluyang nagpaalam.
Then narealized ko ang gusto nyang sabihin...
"WHAT THE... Nababaliw na ba siya...? Nababaliw ka na ba Alejandro Detumon?!"
BINABASA MO ANG
Stavros 5: I Remember the Boy
RomanceSo while the song still brings that certain glow And the words still sing of love I know It isn't quite the way it was before I remember the boy But I don't remember the feeling I remember the boy But I don't remember the feeling anymore