12

636 19 0
                                    

Kasalukuyang nasa harap ako ng bahay namin... Kung saan talaga kami nakatira...hinihintay ko ang mga highschool friends ko dahil nagsabi ang mga ito na pupuntahan nila ako ngayon.... Kasalukuyan kong binabasa ang Twilight na hiniram ko kay Alejandro nung isang linggo. Kumpleto ang mga librong iyon. Mula Twilight hangang Breaking Dawn. Mahigit isang linggo na mula ng magTagaytay kami ng pamilya ni Alejandro... Long weekend naman ngayon dahil non-working holiday sa lunes and it's Saturday today...kaya umuwi ako rito sa amin. My counsins are not here dahil may mga lakad ang karamihan sa kanila...even ate Josefa ...hindi ito uuwi dahil walang kasama ang lola sa bahay at hindi naman talaga napipirmi rito si ate kung hindi uuwi rito ang mga pinsan namin. She grew up their with our grandmother and auntie dahil mas malapit noon doon ang kanyang school nung highschool ito... She was a scholar back then... Private school siya... Sayang naman kung ililipat sya rito. Si kuya naman ay hindi nakakauwi ng maralas... Dahil tumutulong siya sa botika ng lola namin na nagpapaaral sa kanya.

Hindi naman kami mayaman talaga... Nakakaraos lamang kami at ako sa aming magkakapatid ang talagang lumaki sa magulang namin. Dahil na rin hindi ako sociable na tao at si tatay naman ay ayaw nyang maging ako ay malayo sa kanila...

Napaangat ako ng tingin ng may motor na huminto sa harap ng bahay namin... Napangiti ako nang makita ang mga kaibigan ko...sina Ri, Jorai at Anj na silang masasabi kong bestfriends ko.

"Best! Nagbabasa ka na naman?! Lalabo na nyang talaga mata mo!" Natatawang bati sa kaing ng bestfriend konv si Jorai. Sa lahat siya ang pinakaclose ko ... Siya lang kasi ang nakakabasa ng mood ko ng tama e.

Tumango ako at sinara ang libro at itinabi iyon ... "Habang hinihintay lang kayo... Di ko naman plano magbasa habang kasama kayo no! Namiss ko kayo e!" Nakangiting sabi ko sa kanila na ikinangiti rin nila

"Namiss ka rin namin boss! Masyadong busy sa pag-aaral at lovelife e! Minsan na lang magawi rito!" May himig ng tampong biro ni Ri.

She is the sweetest and topakin among us.
"Hindi naman sa ganun boss... Alam nyo naman na magulo ang acads sched ko dahil sa pagshishift ko... At hindi ko naman kayo kakalimutan ng dahil sa boyfriend ko. You will always be on the top ..." Malambing kong sabi sa kanila.

"Yun naman e!" Sabay na sabi nina Jorai at Ri habang si Anj ay nakangiti lamang at tahimik na nakikinig...

Siya kasi ang pinakatahimik sa amin... Pinaka matalino rin...

"Ui...bessy! Tahimik ka pa rin ba? Salita naman dyan baka mapanis laway mo..." Biro ko kay Anj na ngumisi lamang at naiiling. Napatawa nama. Kami dahil doon ...

Pinapasok ko sila sa loob ng bahay namin ngunit sabi nila ay sa kubo na lamang kami magstay... Si mama naman ay ginawan kami ng miryenda ng mga  kaibigan ko... Turon at juice dahil alam nyang hindi pwedeng magsoftdrinks si Jorai dahil sa UTI nito at acidic naman ako.

"Kelan namin makikilala si Alejandro mo?" Excited na tanong ni Ri sa akin .

"Soon... Dadalaw siya rito pag hindi sya abala sa acads nya. Maraming plates kasi ang tinatapos nya e." Sagot ko sa kanila.

Napatango naman sila... "Dapat lang na makilala namin siya dahil kami ang bestfriends mo!" Ani Ri kaya napangiti ako alam kong nagtatampo na ito dahil nauna pang makilala ng mga college friends ko si Alejandro kaysa sa kanila. Which is so possible dahil same University kami nagaaral.

"Sure thing, boss!" Nakangiti kong sabi tsaka siniko si Jorai na busy sa pagkain ng turon...sinamaan naman ako nito ng tingin dahil kamuntik ng mahulog ang kanyang kinakain kaya ngumisi ako rito at nagpeace sign. "Kumusta?"

Ngumiti ito ng malungkot at binitiwan ang kinakain nyang turon.

"Okay lang." Anito sa mababang tinig.

Stavros 5: I Remember the BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon