31

689 22 3
                                    

Pagdating namin sa paanan ng bundok ay may naghihintay na tatlong sasakyan sa amin roon. Pamilyar ang isang sasakyan dahil iyon ang sasakyan ni Alaric na pinost nya sa IG nya noon. Nakababa ang mga bintana at nasa driver seat si Alaric at kinawayan ako. Tinanguan ko ito.  Naroon sa loob nito ang kuya, si Karl at Mik-mik. Tila sa hitsura nila ay sinundo lamang ang mga ito sa pinapasukang trabaho at unibersidad na madadaanan patungo rito. Agad ko silang nilapitan ng ibaba ako ni Alejandro... Oo... Hindi nya ako binaba hangang dito... Hindi ko sya maintindihan... Sinabi ko na na hindi na ako tatakas.

Pagkalapit ko sa kuya at mga pinsan ko at niyakap ako ng mahigpit ni Mik-mik. Tinanguan ako ng kuya at ni Karl ng may malungkot na ngiti sa mga labi.

Nakita ko ang pag-aalala ng mga ito... Alam ko... Hindi na biro ang lagay ni lola para ganito ang maging sitwasyon...

"Let's go, Maria Clara." Dinig kong yaya ni Alejandro sa malamig na tono kasabay ng paghawak nito sa aking magkabilang braso at pinisil iyon. I know... That's a warning...

Ayokong makahalata ang mga kuya kaya binalingan ko sya ng may pilit na ngiti...
"Hindi ba rito ang sasakyan natin, Alejandro?" Pilit kong pinanonormal ang boses ko

Umiling ito. "We will have our car. Ma amour." Anito na may diin ang huling salitang sinabi na tila sinasabing sumunod ako sa kanya dahil may alas siya laban sa akin.

Huminga ako ng malalim at nagpaalam sa mga ito. Hinayaan kong alalayan ako nito sa pagsakay sa backseat. At doon din ito sumakay. Ang lalaking tinawag nitong  Steve ay sumakay sa frontseat at may driver roon.

Ang mga kasama nitong mga lalaking nakaitim ay sumakay sa pangatlong sasakyan... Naalala ko ang sinabi sa akin ni lady Rebel noon na mabuti na ring huwag kong gamitin ang apelyido nila dahil may malaking banta sa buhay ng pamilya nila ngayon. Hindi ko na masyadong inalam pa ang detalye dahil wala rin akong planong gamitin iyon.

" Hade's hospital , Steve." Utos ni Alejandro at nagsimula na kmaing bumyahe.

Mahal sa ospital na sinabi nito . Oo at may kaya naman ang pamilya namin ngunit hindi namin afford doon. Mayroon namang pangmasa roon .

Huminga ako ng malalim at tumingin sa labas ng bintana. Iniisip ko ang mga maaaring mangyari... napapikit ako ng mariin...Sana ay maging maayos ang lola... Sana kayanin pa ng katawan nya ito... Sana.

Matapos ang halos apat na oras naming byahe ay nakarating kami sa ospital. Agad na ginuide kami ng isang may mataas na posisyon ng ospital na sumalubong sa amin. Aasikasong asikaso kami rito. Napag-alaman kong Si Doc Hedrick ang may hawak ng case ni lola tulad ng sabi ng umaasikaso sa amin na isa sa mga director pala ng ospital.

Nagtataka ako ng dinala kami sa VVIP room . Napatingin ako kina Kuya na tila hindi naman pinagtatakhan ang nangyayari...

Pumasok kami roon at nakita sina ninang na may lungkot sa mga mata... Napatingin ako sa kama at tila pinipiga ang puso ko ng makita ang lagay ng lola. May monitor ito, at kung anu anong nakalagay sa kanya...

"N-nang..." tawag ko rito.  Sina kuya at mga pinsan ko ay nilapitan siya agad... Ako naman ay nilapitan ang ninang at sina tita Jen.

"Tulog ang lola nyo... Sabi ng doctor may improvement naman ang c-condition nya." Anito pero alam kong hindi maganda ang situation. Alam kong may hindi sila sinasabi sa ami.

"S-sina mama po?" Tanong ko rito.

"K-kausap ng doctor sa baba. Pabalik na iyon... " Tumingin kina kuya ng marinig na kinakausap nila ang lola. Gising na ito kaya nilapitan ko agad...

"La..."

Tila gusto kong humagulgol dahil sa nakikita ko ngayon... Pumayat ito...at tila hirap na hirap... Wala na ang masigla naming lola..may oxygen tube na nasa ilong nito

"Ang a-aking M-Maria... m-miss ka ni Lola. " Anito kahit nahihirapan magsalita. Hinawakan ko ang kamay nitong walang dextrose at pinisil. Oo at hindi ako paborito...pero pantay kung magmahal ang lola.

"La... P-pagaling ka po.  " Bilin ko

Ngumiti ito sa akin.. "o-oo... P-panonoorin k-ko pa ang k-kasal nyo ni A-Alejandro. P-papalakas ang lola . I-ikaw ang unang i-ikakasal sa mga apo ko e." Anito sa akin.

Pilit ang ngiting sinukli ko rito. Tila bumigat lalo ang pakiramdam ko... La... Sorry po... Kasal na po ako.. sorry po at hindi ko po nasabi... Sorry po...

"A-asaan ang n-nobyo mo? N-nagpaalam yon para sunduin ka..." Anito kaya napatingin ako kay Alejandro na lumapit sa akin at naramdaman ko ang paghawak nito sa magkabilang balikat ko. Hindi ako nakibo at ngumiti lamang ng pilit kay lola.

Nakita ko ang masayang ngiti kay lola kaya lalo akong naguilty.

"La... Sabi ko sayo di ba? Dadalhin ko po siya rito. Palakas na po kayo. Paparating na rin po ang iba nyo pa pong apo at anak. maya-maya. Pinasundo ko na po sila. " Anito

"Salamat, A-apo. " Ani lola. And mas nasasaktan ako ngayon para rito.

---

Pinauwi muna ako nina mama ng makatulog na si lola. I looked exhausted daw. At mukhang konting konti na lang ay babagsak na ako. Pinasama ako nito kay Alejandro sa pad nito ng magvolunteer ito kanina. Ang mga pinsan ko naman ay naunang hinatid ni Alaric kanina sa isang unit ni Alejandro . Huli na ng malaman ko iyon...sana sa kanila na lamang ako sumabay. Naiwan lamang doon sina Mik-mik ,kuya at ate sa aming magpipinsan pinsan. Plus ang magkakapatid.

Napatingin ako ng maramdaman kong may humawak sa kamay ko at may isinuot sa ring finger ko... Nanlalaki ang mga mata ko ng makita ang pamilyar na singsing.

The ring got some lil green and diamond stone sa paligid nito... I know what it is...
Tatanggalin ko sana pero mahigpit na hinawakan ni Alejandro ang aking kamay .

"Don't. Maria Clara. This is long overdue. Asawa kita. And that alone will give me a right to make you wear my ring. And damn it! Hindi na ako papayag na mawala ka pa sa akin. If it will take a Stavros to have you, then I will be a fucking Stavros. "

Kumalabog ang tibok ng puso ko at tila nakikipagkarerahan iyon sa bilis. "Alejandro ... You tricked me... Hindi valid ang kasal na iyon." Mariin kong sabi rito

Huminga ito ng malalim at iniabot ang isang envelope sa akin. "Open this" utos nya. At binitawan nya ang aking kamay. Nanginginig ang kamay kong binuksan at binasa ang laman niyon...

Mga papeles...

Marriage Certificates.
Change of Status certificates.
IDs turning my name into Stavros...

Maria Clara Stavros y Montes

Kabadong tiningnan ko si Alejandro na prenteng pinapanood ako.

"You are my wife now, Maria Clara. You are mine alone." He said like a territorial animal.

"N-no! Null and void ang kasal... " Nanginginig ang boses na sabi ko rito.

"Sue me. And your family will know that something happened to us back then. " He said coldly.

Stavros 5: I Remember the BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon