"Good morning, class!" Bati ko sa aking klase.
It's been two years since I returned in my service. Two years na rin simula ng tinakbuhan ko si Alejandro at ang mga Stavros dahil sa kalokohang ginawa ng pamiluang iyon sa buhay ko.
That night I was tricked to sign a marriage certificate... I am officially and legally married with Alejandro. Sa sobrang galit ko sa ginawang iyon ng pamilya nila ay lumayo ako... Mabuti na lamang at nagising ng gabing iyon si Lady Rebel at isinilang ang kanilang miracle baby na si Yrene. She and her husband helped me to be invisible to their family. Nagpaalam ako sa mga magulang ko na sa malayo ako madedestino . Hindi naman na sila nagtanong.
Naririto ako ngayon sa isang school sa kabundukan. Ito ang napili kong school dahil alam kong malabo akong matagpuan ni Alejandro at Madam Yvangelin dito at napukaw ang puso ko ng mabasa ang kalagayan nila rito. Walang gustong manatiling guro rito. Bukod sa malayo sa sibilisasyon ay mahirap ang sitwasyon rito.
Sabay kong tinuturuan ang Grade 7 at 8 sa umaga... At sa hapon naman ay Grade 9 at 10. Kakaunti lang naman sila rito. Labing lima lamang ang lahat ng estudyante ko mula dalawang pu dahil nagsipag-asawahan na ang iba...
Ang elementarya ay si Sir Peter ang guro na halos dito na rin naninirahan tulad ko. Bumababa lamang kami sa patag tuwing sahod at magpapadala sa pamilya, may seminar, meeting sa Principal na hawak din ang paaralan sa patag at tuwing uuwi lamang kami ng sembreak at summer vacation na kadalasan ay nananatili lamang ako sa bahay na naipundar ko noon... Sina Ysang at kapatid nito ang nagstay roon. Dumadalaw lang ako minsan sa pamilya ko at agad ding aalis . Alam kong malaki ang tampo ng lahat sa akin pero hindi ko matanggap ang panloloko ni Alejandro ."Good morning Ma'am Clara! " bati ng mga ito. Napangiti ako at nagsimula na sa morning ritual namin. Matapos niyon ay nagtuloy na ako sa pagtuturo. Halos sila ay nakakasabay na ngayon sa mga lessons namin hindi tulad noon.
Lahat ng subjects ay itinuturo ko. Walang choice. Mabuti na lamang at tinutulungan kami nina Lady Rebel sa lahat ng mga pangangailangan ng munting paaralan namin rito. They provided everything... We have computer sets, supplies and all in here. May internet connection din dito at gumawa sila ng paraan para magkaroon din ng power supply. Malaki ang pasasalamat ko sa mga ito. .
"Did you understand class?"
"Yes ma'am!"
"Do you have any question? Clarification?"
"None ma'am!"
Napangiti naman ako dahil doon. Madali para sa kanilang makuha ang lessons namin. Matatalino ang mga bata rito dahil na rin siguro sa klase ng pamumuhay nila ay kailangan nilang maging mautak. "Okay! That's good. You may now take your break. We will resume after 15 minutes!" Anunsyo ko at nagsimula na silang magrecess. Ako naman ay agad kong kinapa ang phone ko sa bulsa ng magring iyon.
Napangiti ako ng makita ang pangalan ni Ysang... Kaya sinagot ko agad.
"Hello Ysadora!"
"LETCHE TALAGA ANG YMAR NA IYON! ANG GAGO ! ANG DAMI DAMING PROBLEMA SA BUHAY! KUNG HINDI LANG TALAGA MALAKI ANG PASAHOD NG MGA TO INIWAN KO NA!" gigil na bungad sa akin na ikinangiti ko.
Lagi naman syang ganyan. Masyado silang close ni Master Ymar. Mula kasi ng bumalik ito sa pamilya nila ayon kay Lady Rebel ay naging bugnutin na ito.
Galit sa mundo as Ysang said."Mabuti naman ako rito,Ysang. Ikaw kumusta ?" I joked.
Impit na tili ang sinagot nito at pinatayan ako ng phone na nakaugalian na nyang gawin. Natatawa na lamang ako. Maya- maya pa ay nagring muli iyon... Kinabahan ako ng makita ang pangalan ni ate Josefa . Madalang na madalang lang itong tumawag dahil. Busy na ito sa pag-tuturo. Nag-aral itong muli at nakapagtapos. Tulad ko ay nasa public school na ito.
BINABASA MO ANG
Stavros 5: I Remember the Boy
RomanceSo while the song still brings that certain glow And the words still sing of love I know It isn't quite the way it was before I remember the boy But I don't remember the feeling I remember the boy But I don't remember the feeling anymore