"Ang gwapo talaga ni Al! Feeling ko crush ka nun, Clars! Iba makatingin sayo e! Tsaka di ba sabi nya finally... Nung nagpakilala sya sayo... My goodness! Ibigsabihin matagal ka na nyang gustong makilala ng personal! Kinikilig ako para sayo !" Kinikilig na sabi ni Jade na ikinailing ko lamang. ..
Iba talaga ang kaibigan kong ito... Masyadong advanced ang utak.
Patungo kami sa BulSU canteen na nasa Valencia Hall para roon maglunch...2hours Vacant namin kasi at almost 1PM na. 4-6pm ang last subject namin ... Gutum na gutom na ako.
"May assignment ka na nyan sa Contemporary Math?" Tanong ko rito habang papasok na sa canteen... Nakahanap kami agad ng upuan namin ...
"Pakopya ako ng answer mo sa no. 4 at 6. Hindi ko nakuha kagabi e." Sabi nito at tumango ako at kinuha ang yellow paper ko kung san ko isinulat ang mga sagot ko. "Wag mo lang lukutin..." Bilin ko rito na ikinatawa lang nya . Pinnadilatan ko sya ng mata dahil alam kong lalaitin nya na naman sulat ko. Fine panget tlaga e.
"Oo na. Di na. Ako na bibili ng pagkain.bantayan mo na lang gamit natin. Ano sayo?" Tanong nya
"Porkchop at gulay. A cup of rice lang... Baka magorder ka ng extra rice para sa kain ulit sayang lang. ". Sabi ko at inabot ang pambili...tumawa ito at iniwan ako sa table namin... Kinuha ko naman ang libro na A Walk to Remember ni Nicholas Sparks upang pagpatuloy ang pagbabasa.
Isa ito sa paborito kong author...dahil ang gaganda ng mga novels nya.
"So, hilig mo palang magbasa ng novels?" Napaangat ako ng tingin nang marinig iyon...nakita ko ang nakangiting mukha ni Alejandro na bitbit ang tray ng maraming pagkain... "We bumped with your friend , Jade at the counter... The house is full...and no vacant table for us...kaya nagoffer sya para makasalo kayo rito and we accepted it.hope okay lang sayo?" Anito habang paupo sa tapat ko...napaiwas ako ng tingin at isinarado ang aking libro. Inayos ko ang bags namin ni Jade upang makacreate pa ng malaking space enough para sa aming lahat. Pasimple kong hinawi ang buhok ko at inipit sa aking taenga.
"Ayos lang... Walang kaso sa amin iyon" naiilang kong sagot.
Tumango ito at inayos ang pagkaing dala nya... "So... Mahilig ka palang magbasa?" Ulit nya sa tanong kanina.
"Uhm... Oo. Libangan ko lang. And sort of a way to spoil myself. " Sagot ko sa kanya habang nilalaro ang ilang pahina ng libro.
"Nice! Are you familiar with Jessica Zafra? " Anito sa akin kaya napatingin ako sa kanya.
"Yes! I love her works! Ang galing nya !lalo na yung Twisted 9 nya" Sabi ko sakanya... Feeling ko kumikinang ang mga mata ko noong sumagot ako ng ganun kaya natawa ito.
"Yeah! She's one of my favorite author... May sense kasi syang magsulat...hindi tulad ng iba na may maisulat lang. " Sabi nito sa akin .
"Yeah! Tama! So you read novels too?" Namamangha kong tanong sa kanya. Nakangiting tumango ito sa akin . "So libang kay Jessica ...sino ang favorite mo?"
"Madami rin... Uhm Kurt Vonnegut... Elmore Leonard... Victor E Frankl... "Sabi nya...
Napapanganga ako sa sinasabi nya dahil we got same list !
"Oh! I don't know what to say... " Usal ko.
Napatingin ito sa akin na tila nagtataka. I chuckled.
"We got the same list ! " Saad ko na ikinangiti nito.
"Really ? " Aniya na tila hindi rin makapaniwala.
"Mukhang nagkakatuwaan kayo rito hu?" Tila nangaasar na tanong ni Jade na may bitbit na isang tray ng foods...pero sa pagtataka ko ay para lamang iyon sa kanya... kasunod sina Alaric at iba pang kaibigan ng binata.
"Natuwa lang kami dahil pareho pala kami ng libangan ng kaibigan mo, Jade. " Ani Alejandro.
"Talaga? So you mean you read like a bookworm too , Al?!" Ani Jade kaya siniko ko sya dahil she sounded like it was a bad thing. Napadaing ito at sinamaan ako ng tingin.. ikinatawa naman ng mga kasama namin iyon.
"Nako... Al got a mini library on his room para sa mga books nya. Nangongolekta kasi yan e. Liban sa travel ay pagbabasa bisyo nya." Ani Alaric.
Namamanghang napatingin ako sa kanya. "You can go to our place if you are not busy... Para makita mo yung mga collections ko... I can borrow you some..." Alok nito na naging dahilan para tuksuhin siya ng mga kaibigan nya. "I mean kayo ni Jade. " Bawi nya na ikinatawa naman ni Jade ako naman ay naiiling na lamang.
"H--"
"Yung klase namin evrty friday ay 7-9am then vacant namin ng 9am to 4pm nun. Pwede kami nun!" Ani Jade na ikinagulat ko.
"Jade!"saway ko.
"Yun! Sakto... Ang klase natin nun ay 3pm pa... Pwede nating sunduin sila rito sa Friday after nung morning subject nila. Then punta tayo sa inyo Al! Miss na namin yung kare kare ni tita!" Ani Denver na nakangisi.
Umayon naman ang lahat. Kaya wala akong nagawa kundi umoo na rin dahil worried ako kay Jade. Ang gaga na to kakakilala lang namin sa mga to sumama agad .
"Jade...pagkain ko?" Tanong ko rito.
Napamaang itong tumingin sa akin.
"Di pa ba binigay ni Al sayo?" Napatingin ako kay Alejandro...na inaayos ang lunch box niya galing sa bag nito."Al yung food ni Clars?"
"Oh! Sorry... Here." Sabi nya at iniusog ang tray na bitbit nito kanina... Nanlaki ang mga mata ko nang marealized ang nangyayari.
"A-ang dami. Hindi ito yung pinabili ko kay J-Jade..."
"Uhm... Akala ko kasi kulang pa. Just eat. " Anya
"Babayaran k--"
"Just eat. Libre ko na yan. Friends na tayo ." Anya at pinagtuonan ng pansin ang pagkain nya.
Napabuntong hininga na lang ako at inignora ang pangbubuyo ng mga kaibigan namin.
Damn.
BINABASA MO ANG
Stavros 5: I Remember the Boy
RomanceSo while the song still brings that certain glow And the words still sing of love I know It isn't quite the way it was before I remember the boy But I don't remember the feeling I remember the boy But I don't remember the feeling anymore