11

581 20 0
                                    

"Tita ninang let's ride with a horse!" Nakita ko ang pagsimangot ni Alejandro nang muling hilahin ako ni Selene palayo sa kanya. Selene kept me busy simula ng dumating kami ng Tagaytay. The country club was so peaceful and enchanting. Tila kaisa ko ang kalikasan.

"Slowdown, Selene... Tita will go with you... " Sagot ko sa kanya na ngumiti sa akin ng masigla bago ako muling hinila. Tumungin ako kay Alejandro nakasimangot pa rin ito. "Love you." I mouthed and he smiled and mouthed back "I love you, ma amour. "

Nang makarating kami sa malapit kina kuya Deon at kuya Leon ay binitawan ako nito at kinausap ang kambal...
"Tito D and tito L can I and tita ninang ride on a horse?" Tanong ni Selene binuhat nya ni kuya Leon . Tumingin pa ito sa akin na tila tinatanong kung marunong akong sumakay ng kabayo... Ni minsan sa buhay ko ay hindi ko pa nagagawa. Sa Marry Go round siguro ... But not a real horse kaya umiling ako.

"Your tita ninang don't know how to ride one, Selene. If you want , tito L will ride with you." Anito kay Selene na tila nakaramdam ng kalungkutan na tumingin sa akin .

"But... Tita ninang wants to ride too... " Anito kaya tumingin ang kambal sa akin at nanlaki ang mga mata ko dahil nakaramdam ako ng hiya. Hindi ko sinabing gusto ko sumakay sa kabayo. My goodness!

"N-no... Uhm. Selene... Tita ninang will watch you nalang. " Kinakabahan kong tanong. Baka ayaain ako ng isa sa kanila na mag-angkas sa kabayo magkakagulo for sure. I got a jealous man ... And riding with any other man will caused trouble.

"If you really want, Clara, you can ride with Deon's." Offer ni kuya Leon na ikinakaba ko.

"Uhm... Wag na po kuya. Pupuntahan ko na lang si Alejandro..." Magalang kong tanggi ngunit nakita ko ang mga nakakalokong ngisi ng kambal ng magkatinginan sila... Nanlalaki ang mga mata ko ng bigla akong hinila ni kuya Deon at inalalayan sa pag-sakay sa kabayo. Hindi ko masundan ang mga pangyayari dahil sa gulat... Basta ang alam ko ay may helmet ako at protective gears at nakaangkas kay kuya Deon.

"K-kuya... Ano... Kasi... Baba na po ako... Di ko naman po kasi talaga ano..."

"Hold on tight, Clara. This would be fun! " Malokong sabi nito tsaka mabilis na pinatakbo ang kabayo kaya napayakap ako rito sa takot na mahulog ako. Bahala na mamaya ...

"KUYA! IBABA MO SI MARIA CLARA !" isang galit na sigaw ang pumuilanlang sa lugar na iyon...naramdaman ko na lang na huminto kami at may dalawang pamilyar na kamay ang sa akin ay bumuhat pababa ng kabayo... "ASS!" puno ng inis nitong sabi sa kuya nya na nakangisi lamang na pinatakbo ang kabayo palayo sa amin...ako naman ay kinakabahang nakatingin sa kamay na nasa beywang ko.

I can sense jealousy...

Tahimik nya akong iginaya patungo sa country house na pagaari nila... Hindi ako nagtangkang magsalita dahil alam kong galit ito.

Pagdating namin sa loob ng bahay ay binitawan nya ako at nagpunta ito sa may kitchen kaya sumunod ako kumuha ito ng tubig sa ref at nagsalin sa isang baso at inubos ang laman niyon at huminga ng malalim ng ilang beses.

"U-uhm... Alejandro..." kinakabahan kong tawag dito.

"Damn." Mahinang mura nito na ikinakaba ko lalo. Huminga ako ng malalim...

"Hindi ka dapat magselos sa mga kuya mo, Alejandro..." Mahinahon kong sabi sa kanya . Hindi ito nagsalita na ikinainis ko naman. "Wala ka bang tiwala sa kuya mo at sa akin?" Medyo desperada kong tanong at nainis ako ng hindi siya kumibo...at bumigat ang kalooban ko nang umiwas ito ng tingin sa akin.

"Magpapahangin muna ako sa labas... Sana hindi mo na lang ako isinama rito kung ganito lang din. " Tsaka ako umalis.

Hindi man siya kumilos para pigilan ako kaya mabigat ang loob kong lumabas at naglakad-lakad. I know he was a jealous man... Pero hindi naman tama na ako ang pagbuntunan nya... Mariin akong napapikit at huminga ng malalim para mawaglit ang bigat sa puso ko. Wala ba syang tiwala sa akin?

Stavros 5: I Remember the BoyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon