Chapter 5

84 11 5
                                    

Alra's POV:

Maaga akong nagising dahil konti lang ang nainom ko kagabi.  Magagalit kasi si Mommy kaya 4 na baso lang ang nainom ko.

Habang pababa ako sa hagdan,  kapansin pansin ang malasansang amoy.

"Hay ano bayan,  ang baho sa fish pond amoy hanggang dito" kaya dumiretsyo ako sa banyo dahil parang bumaliktad ang sikmura ko sa aking naamoy.

Naghilamos ako ng mukha at nag toothbrush.  Siyempre kailangan mabango ako para very good ako palagi. Sa pagkuha ko nang tooth paste,  may nakita akong papel na nakadikit sa may lalagyan ng tooth paste.

" Want a surprise? "

Yan ang nakasulat sa papel.  Lumundag ako dahil sa tuwa at excite dahil may surprise akong matatanggap.  Kaya kinuha ko ang papel at may nabasa akong nasa likod nito.

"Galing niya sa pagguhit,
Matatapos sa isang saglit,
Dahil sa pagmamagaling niyang taglay,
Siya ay mamamatay" basa ko sa nakasulat sa likod ng papel.  Kahit di ko maintindihan ang ibig nitong sabihin,  nakaramdam parin ako ng takot at panlalamig.

May guhit na nakaturong arrow dito at itoy sinundan ko.  Nakita kong patungo ito sa kusina. 

"Baka nandoon ang surprise?  Bulong ko sa sarili ko at itoy sinundan ko.  Habang papalapit ako,  mas lumalakas ang malansang amoy na naaamoy ko.  Nagtakip ako ng ilong dahil sa pagbaliktad na naman ng sikmura ko.

Nakita kong may canvass na nakapatong sa lamesa.  Ang canvass ay may nakaguhit na babaeng umiiyak at nakaturo sa bandang kanan.  Nanlambot ang tuhod ko dahil alam kong di ito pintura,  kundi dugo.  Ayaw kong tingnan ang itinuturo ng babae sa painting dahil sa takot ngunit wala akong nagawa kundi ang lingunin ang nasa kanan ko.

"Ahhhhhh! " tili ko sa aking nasaksihan. 

Si Androe,  nakatali sa upuan at may basahan sa bibig.  Tadtad ito ng mga sugat sa mukha,  kamay,    paa at bandang dibdib.  May kutsilyong nakatusok sa bandang puso nito at may nakatusok na paint brush sa kaniyang kaliwang mata habang ang kanan niyang mata ay may parang alikabok na kulay itim.

Sinong may gawa nito?

Quennie's POV:

Nagising ako dahil sa pagkaramdam ng uhaw kaya tumayo ako,  nang may tumawag sa cellphone ko.

Si Paul.

"Queenie,  usap tayo please.  Nandito ako ngayon sa rooftop" sabi niya pagkatapos binaba na ang tawag.  Bastos talaga nito,  di manlang ako pinasagot.

Wala akong magawa kundi ang pumunta sa roof top.

Pagkaakyat ko sa roof top may humila kaagad sa akin at akoy hinalikan ng marahan.

Dahil sa gulat ko nasampal ko ito ng ubod ng lakas sabay sipa sa kaniyang kinabukasan.

"Ouch! " daing ni Paul.

"Ano ba Paul!  Sinabi ko na diba na si Androe ang mahal ko!  Di ka ba marunong umintindi! " sabi ko sa kanya.  Di ako nakaramdam ng anumang galit sa kanya kundi pagkaawa.  Naawa ako sa kanya dahil di niya kasalan na akoy mahalin.

"Pasensya na,  di ko na kasi kayang tigilan" sabi ni Paul sabay tingin sa itaas.  Kahit naka tingala ito,  kita ko parin ang pagtulo ng luha sa mga mata nito.

"Paul sana matanggap mo ang desisyon ko dahil wala namang may gust-....... " naputol ang sasabihin ko dahil bigla niyang sinuntok ang drum sa gilid niya.  Nayupi ito dahil sa lakas niyang sumuntok.

"F*ck that sh*t desicion Quennie!  Ano pa bang gusto mo?  Ang lumuhod ako, magmaka-awa,  manligaw ng pormal?  Ano sabihin mo?! " galit na tanong ni Paul sa akin.

"Sorry Paul" sabi ko sa kanya sabay alis.  Nasa kalagitnaan palang ako ng hagdan ng may narinig akong sigaw.

"Alra" bulong ko at dali-daling bumaba. Kilala ko ang boses na iyon at tiyak akong may nangyaring masama.

Pagkarating ko sa may kusina nandoon na ang mga kaklase ko.  Kapwa umiiyak at tila may nakitang hindi kaaya-aya.  Pagtingin ko sa kanilang pinagkakaguluhan,  nakita ko ang boyfriend ko na wala nang buhay.

"Hindi! " sigaw ko sabay lapit sa kaniya pero pinigilan ako nila Edzel at Brian.

"Queenie tama na,  patay na siya" sabi ni Angelie sa akin.

Di ko kayang tanggapin ang masamang nangyari kay Androe.  Walang awa ang may gawa nito sa kaniya at tila siya ay pinaglaruan ng demonyo.
"Tol?!  Hindi! " sigaw ni Paul sabay lapit sa bangkay ni Androe.

Nakita ko si Alra na nakatayo at tulala sa may Pinto habang may hawak na papel at may binubulong.

"Siya ang unang nakakita kay Androe,  mukhang na trauma yata" sabi ni Angelie.  Nilapitan ko si Alra upang tanungin ito sa nangyari.

"Patay na siya..... Patay na....... Siya ang nasa sulat... Siya ang surprise patay na siya... " paulit ulit na sinasabi ni Alra.

"Alra ano ang nangyari" pakikipag usap ko kay Alra ngunit tulala parin ito.

"Alra" muling pagtawag ko sa kaniya ngunit di parin siya sumasagot. Wala na akong maisip na paraan kundi ang sampalin siya.
"Ano ba!  Ano ang nangyari! " tanong ko sa kanya sabay hawak sa magkabilang braso nito.

"Ate sorry!  siya ang surprise!  sorry" paghingi niya ng tawad sa akin sabay alis.

Surprise?

Tanong ko sa aking sarili dahil sa sagot ni Alra.  Nakita ko ang papel na kaniyang naiwan at itoy binasa ko.

Nang mabasa ko ito doon ko napagtanto na biktima lang si Alra dito dahil sa kaniyang kainosentehan.

Sino ang may gawa nito?

Tanong ko sa sarili ko.  Kung wala namang ibang tao at kapitbahay dito ibig sabihin isa sa amin ang Killer.  Isa sa amin ang pumatay sa boyfriend ko.

Tiningnan ko ang mga classmates ko.  Umiiyak silang lahat at bakas sa mukha ang di makapaniwala.  Ang hirap basahin ang kanilang reaksyon kung sino ang totoo at pekeng umiiyak.

Sino sa amin ang killer?

Killers POV:

Nakakapagpod na ang umiyak sa bangkay ni Androe eh hindi naman mababalik ng luha namin ang walang kwenta niyang buhay.

Palihim kong kuniha ang notebook ko at nilagyan ng tsek ang pangalan ni Androe.

1 down,  29 more useless life to go

Lihim akong mapangiti dahil sa success ng plano ko.

Magpakasaya lang kayo hanggang kaya niyo dahil malapit nang magtapos ang buhay niyo.  Malapit nang maghiganti ang taong misan niyong pinaglaruan at pinagtawanan.

Binuklat ko ang ikalawang pahina ng notebook ko upang malaman kung sino ang susunod na papatayin ko.

Bingo! Mukhang matatapos na ang pagmamagaling mo sa mundong ito

Pasimple akong umalis sa crime scene upang maghanda sa susunod kong papatayin.  Sisiguraduhin kong mas kapanapanabik ang pagwawakas ng buhay ng taong susunod na biktima ko.

Blessing or Curse (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon