Final Chapter

59 4 1
                                    


Cheri's POV:

"Sawakas!" sigaw ni Rhica

Nagulat kami nang walang lumabas na dugo sa kaniyang sugat kahit halos maputol na ang tenga nito sa pagkakahiwa

"Paanong nangyari yon?" tanong ko

Kasalukuyan kaming nagtatago dito sa mga halaman hawak-hawak ang aming panlaban kay Rhica

"Humanda ka!" sigaw ni Rhica

Biglang may lumabas na itim na usok sa kaniyang kamay at biglang naging isang sibat

Nanginginig na ngayon sa takot si Mang Pedring at halos di na niya alam ang gagawin

"Heto n-...."

"Huwag!" di na ako makatiis pa at lumabas na ako sa mga halaman dala-dala ang isang bakal na pina-initan sa dulo

"Mabuti naman at nagpakita ka na" sabi ni Rhica

Pumunta ako sa harapan ni Mang Pedring para maprotektahan ito

"Cheri.....bakit?"

"Sira na ang plano natin"

"Ano ba yan"

Samot-saring reaksyon ang aking narinig mula sa aking kasamahan ngunit mas lamang sa akin na mailigtas si Mang Pedring

"Lumabas na kayo diyan!" sigaw ni Samantha

Sa sobrang lakas nito, nagsipagbasagan ang bintana at glass door sa terrece

"It's now or never" sabi ni Claire at lumabas na nga siya aming pinagtataguan

Tumabi siya sa akin dala-dala ang isang baseball bat

"Lalaban ako!" sigaw din ni Karyll dala-dala ang isang baril

"Hayst! Ano pa bang magagawa ko! Sira na ang plano" pagmamaktol ni Jenneth sabay labas dala-dala ang isang Samurai sword

Tumabi silang tatlo sa akin at naghanda sa pagsugod

"Count me in!" sigaw ni Gryx sabay labas dala-dala ang isang latigo

Kita kong mas lalong ngumiti si Rhica sa amin na halos Makita ko na ang mga matutulis na ngipin nito

"Kahit magtulungan pa kayo, mapapatay ko pa rin kayo" sabi niya sabay tawa

Sa galit ko, sumugod ako bigla sa kaniya dala-dala ang bakal na pina-initan sa dulo

"Kyahhh!" sigaw ko nang sugudin ko siya

Nakakapagtaka nang di siya kumilos at tila hinintay pa ang aking pagsugod

PSSSSH!

Sinaksak ko ang kaniyang tiyan at nakita kong nalapnos ang kaniyang balat

Nasunog din ang kaniyang damit ngunit walang lumabas na dugo dito

"P-paanong...."

"Nakikiliti ako Cheri" sabi niya sabay tawa

Bigla niyang hinawakan ang kamay ko a nakaramdam ako nang ibayung init mula doonn

"Ahh-aray!" daing ko sa sakit nang bitawan niya ang kamay ko

Ramdam ko ang kaniyang palad na parang nagbabagang apoy at ito'y lumapnos sa aking balat

"Ako naman!" sigaw ni Claire sabay sugod dala-dala ang baseball bat

PLOCK!

Tumama ito sa ulo ni Rhica kaya napabaling ang ulo nito sa kaliwa

Blessing or Curse (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon