Chapter 52

33 7 0
                                    


Jestonie's POV:

Habang abala ang lahat sa kanilang ginagawa, ako naman ay kinakabahang naka-upo lang dito sa sofa katabi nang killer

Tinignan ko ang lahat, may nag-uusap nang masinsinan ang iba naman ay tila walang paki at nakatulala nalang samantalang itong katabi ko ay pangisi-ngisi lang pero kanina pa kinukurot ang mga legs ko

Sa kabila ko naman naka-upo si Sophia. Bale pang tatluhan lang ang sofa na kina-uupuan naming

"Jestonie, alis muna ako ha, titignan ko lang sina Trisha, Angelie at Claire sa itaas"

Hanggang ngayon kasi ay wala pang malay ang tatlo

Tinignan ko si Sophia sa mata na tila ba akoy nangungusap sa kaniya na huwag niya akong iwan dito katabi nang killer

"Jest, alam ko ang tingin na iyan" sabi ni Sophia sa akin sabay ngiti

Nabuhayan naman ako nang loob dahil alam niya pala ang ibig sabihin nang pagtitig ko

Yes! Tama Sophia! Huwag mo akong iwan

"Alam kong gutom ka na diba? Huwag kang mag-alala at pagkababa ko ay magdadala na rin ako nang pancakes" sabi ni Sophia

Hindi!

Magsasalita pa sana ako nang lumisan na si Sophia sa aking harapan

"Ngayon, masosolo na kita" mahinang bulong sa akin nang katabi ko

Pinagpapawisan na ako nang todo at nangangatog na rin ang tuhod ko

"A-ahh, h-hi b-boss" kinakabahang pagbati ko sa kaniya sabay yuko

Nakita ko namang napangiti siya nang konti at napatawa nang mahina

"Mabuti na man at di mo pa nakakalimutang sambahin ako" sabi niya sabay tawa nang mahina

Naiyukom ko nalang ang mga kamao ko at nagsilabasan na ang mga ugat ko sa kamay

Paano ko makakalimutan ang pumatay kina Jenneth at Donie! Paano ko makakalimutan ang suumira sa pagkakaibigan naming at ang huli, paano ko makakalimutan ang taong sumira nang tahimik at simple kong buhay!

Yan ang mga katagang nais kong isigaw sa kaniya ngunit di ko magawa dahil inuunahan ako nang takot at kaba

"Una sa lahat, binabati kita sa pag-uto sa kanila na pakawalan ka kaya sasabihin ko na ang susunod mong misyon" sabi niya sa akin

Napaangat ako nang aking ulo at tinignan ko siya sa kaniyang mukha

"B-bakit ako? Bakit hindi si Christian?" tanong ko sa kaniya

Nawala ang ngiti sa kaniyang mga labi at may tinuro siya sa akin gamit ang kaniyang labi

Sinundan ko ang kaniyang tinuro at nakita kong naroon nga si Christian habang inaalalayan si Cheri sa paglakad

Tila nakaramdam si Christian na may tumitingin sa kaniya kaya nagpalinga-linga siya sa paligid at nahinto ang kaniyang patingin sa amin ni Boss

Ngumiti nang nakakaasar sa amin si Christian at ibinalik na niya ang kaniyang atensyon kay Cheri

"Sa tingin ko ay kaya na akong kalabanin ni Christian nang dahil lang sa babaeng yan kaya wala na akong pagpipilian kundi ikaw na lang" sabi niya sa akin

Tinignan ko lang si Boss at naghihintay nang isuusnod niyang sasabihin

"Tuluyan na siyang kinain nang pag-ibig kaya nagagwa na niya akong kalabanin kaya sa tingin ko di mo ako kayang kalabanin dahil di ka pa kinain nang kaluluwa nang pag-ibig" sabi niya sa akin

Blessing or Curse (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon