Chapter 14

68 8 0
                                    

Jenneth’s POV:

Nakaratay ako ngayon dito sa hospital dahil sa tama ng baril sa aking tiyan. Nararamdaman ko ang sakit, di ito dulot ng tama ng baril sa akin kundi dulot ito ng pagbaril sa akin ng aking kaibigan.

Alam kong may rason siya kung bakit niya nagawa ito ngunit parang sobra naman pati kaibigan niya ay sasaktan niya.

At kung sino man ang may pakana ng kaguluhan sa pusot isipan ni Jestonie ay maghanda na dahil ibabalik ko ang aking kaibigan sa kaniyang tamang isipan. Ibabalik ko ang kapayapaan sa aming classroom.

Nakapikit lang ako dito at nakahiga sa kama. Naririnig ko sila ngunit wala akong lakas na magsalita dahil sa pagod.

“Ok na ba siya?” tanong ng isang boses. Kilala ko iyon at base sa aking hinala ay kay Donie iyon.

Huwag kang mag-alala Donie, magaling na siya” sabi ni Angelie.

“So are we going to cancel our flight for tomorrow morning?” tanong ng isang maarteng tinig. Di ko iyon kilala ngunit alam kong isa iyon sa mga queens

“Yeah, sa lunes na lang tayo aalis” sabi ng isang lalaki. Base sa aking hinala kay Paul iyon

“Sana matapos na ang patayang ito” sabi ni Alra

“Malapit na Alra. Konting tiis nalang” patahan ni Jan Marie sa kaniya

“While Jenneth is still unconscious, why don’t we plan any strategy to stop the killers mission” sabi ni Leonard. Siya lang naman ang classmate namin na ganyan magsalita.

“Sige. Labas muna tayo upang makapag-isip” sabi ni Angelie at sab sabay na silang nagsi-alisan dahil sa inggay na aking narinig at di nagtagal ay katahimikan na ang namumutawi sa paligid.

Napabuntong hininga na lang ako dahil parang nagiging pabigat na ako sa aming lahat. Kundi dahilsa akin baka naka-alis na kami.

Ilang sandali lamang nakarinig ako nang pagbukas ng pinto at mga tunog ng mga paang papalapit sa akin.

Nakaramdam ako na umupo ito sa aking tabi at hinawakan ang aking kamay. Nakarinig ako nang paghikbi at paulit-ulit na sinasabing

“Patawad” kilala ko ang boses na iyon. Kahit nakapikit ako alam ko ang boses na iyon.

Kay Jestonie

Nais kong magsalita ngunit di ko kaya. Nais ko siyang paggalitan ngunit di ko kaya. Nais kong umiyak ngunit may pumipigil sa akin.

“Patawad Jenneth ngunit napag-utusan lang ako” sabi niya sa akin. Nararamdaman ko ang mga butil ng luha na tumutulo sa aking mga kamay na galing sa kaniyang mga mata.

“Patawad” huling sinabi niya sabay alis.

Sa pag-alis niya doon lang bumuhos ang aking mga luha at di namalayang nakatulog na pala.

Claire’s POV:

Nandito kami ngayon sa tree house dito sa bahay nila Jovannie. Naiwan si Jenneth doon mag-isa at kaming lahat ay nandito upang gumawa ng plano. Nakalatag na ang mga pictures, evidence at iba pang kagamitan sa pagplano. Magsisimula na sana kami ng may sumigaw.

“Wait! This is useless! The killer is one of us. If we plan together then the killer might know our plan” sigaw ni Edzel sa aming lahat.

Nagkatinginan kaming lahat dahil may point si Edzel. Isa sa amin ang killer kaya malalaman niya ang aming plano.

“Tama si Edzel. Kaya ang magagawa natin ngayon ay magtiyaga na gumaling si Jenneth” sabi ni Angelie

“Sino ba kasi ang killer na iyan at uupakan ko” sabi ni Johann sa aming lahat.

“Baka ikaw ang killer kaya may lakas ka nang loob na maghamon” sabi ni Brian sa kaniya.

Nagsimula na nga silang mag-upakan sa gitna at ang nagawa lang naming ay umawat.

“Tama na yan ano ba!” sigaw ni Rey sa amin. Natigilan kaming lahat dahil alam naming na iba si Rey magalit kaya walang ni isa ang pumapatol sa kaniya. Pati sina Johann at Brian ay napatigil dahil wala silang laban kay Rey

Namutawing muli ang katahimikan sa paligid dahil wala nang naglakas ng loob na magsalitang muli

"Ngayong ok na,  magsi-uwi na kayo upang makapaghanda" sabi ni Angelie at nagsipag-alisan na kaming lahat.

"Claire!  Sabay ma tayo" yaya sa akin ni Alra

Magkalapit lang kasi ang bahay namin

Mabuti naman at ok na si Alra at nawala na ang kaniyang trauma

Habang naglalakad kami ni Alra,  nakita kong may nakasabit sa kaniyang bag.  Kulay pula ito at maliit pero makikita mo kaagad ito dahil kulay itim ang bag ni Alra

"Alra may basurang nakadikit sa bag mo" sabi ko sa kaniya.

Nagtaka siya at kinuha ang nasa bag niya.  Pinakita niya ito sa akin at sabay naming binasa.

"Dahil sa inyong pag-iwan,
Siya ay mananakawan,
Di materyal na bagay,
Kundi ang kaniyang buhay"

Yan ang nakasulat sa papel ba aming nabasa

"Ano kaya ibig sabihin nito? " tanong ko

Nakita kong umiiuak si Alra at humihikbi.  Halos di na siya makahinga sa kaniyang paghikbi

"Alra,  ok ka lang? " tanong ko sa kaniya.  Tinuro niya ang papel sa aking kamay at nanginginig na nagsalita

"Ganyan.  Ganyan din ang nakita ko bago ko natagpuang patay si Androe" sabi niya sa paggitan ng paghikbi

Naalarma ako at nataranta dahil ibig sabihin nito ay may mamamatay na naman.

Hinila ko kaagad si Alra pabalik sa tree house upang ibalita sa lahat ang nalalapit na pagpanaw ng isa na naman sa amin

Nakita ko ang ilan sa kanila na nasa itaas pa at ang iba naman ay paalis na

"Sandali! " sigaw ko sa kanila na nagpatigil sa kanilang lahat

"Claire bakit? " tanong sa akin ni Rhica

"Magahanda kayo!  May mamamatay na naman" sabi ko sabay yugyug sa balikat nangga taong malapit sa akin

Alam kong para na akong baliw dahil sa aking ginagawa ngunit wala akong pakialam bastat maisalba ko lang susunod na mamamatay

"Anong nakita niyong clue? " tanong ni Paul.  Kakababa lang niya galing sa tree house

"Ito" sabi ko sabay pakita nang papel na nakita ko sa bag ni
Alra

"Naloko na!  Si Jenneth! " sabi niya sabay takbo

Shems!  Ang tanga ko!  Bat di ko naisip na si Jenneth ang taong naiwan namin at ang taong susunod na mamamatay!

Napahilamos nalang ako ng aking mukha sabay takbo pabalik sa hospital

"Hintayin mo kami Jenneth" bulong ko sa sarili ko habang tumatakbo nang mabilis

Beep!

Tunog ng sasakyan.  Pagtingin ko si Wendell pala ito dala ang Van niya

"Sakay na! " sabi niya at nagsipagsakayan na kaming lahat.  Ang iba ay naki-angkas nalang dahil hindi na kasya

"Bilis! " sigaw ni Rhica at pinaandar na ni Wendell ang sasakyan

**********************************

Omg!  Ano kaya mangyayari kay Jenneth?

Abangan😉

Blessing or Curse (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon