Killer's POV:
Pagkatapos kong patayin si Sophia, agad ko na siyang minarkahan nang I want to be a player sa kaniyang tiyan
Napapagod na rin ako sa kakasulat nang mga walang kwentang bagay sa katawan nang aking napapatay ngunit kailangan ko iyong gawin dahil iyon ang gustong mangyari nang taong mahal ko
Ilang pagbuntong hininga ang ginawa ko bago dahil bumibigat ang aking nararamdaman nang magbalik sa aking ala-ala ang kawalang hiyang ginawa nila sa taong mahal ko
"Konting tiis nalang, magsasama rin tayong muli" sabi ko sabay ngiti
Dumating na nga si Jestonie kasama si Christian
"Boss, geabe ka naman! Ang laswa nang ginawa mo sa kaniya" sabi ni Christian sabay turo sa bangkay ni Sophia
"Ang baboy mo boss, di ko halo-GWARK!" di na natuloy ni Jestonie ang kaniyang sasabihin nang sumuka na ito
Di ko sila masisisi dahil nakakadiri talagang pagmasdan ang bangkay ni Sophia
Bukod sa mata at binti nito, halos di mo maatim na tignan ang kaniyang ulo dahil sabog na sabog na ito
Nagkalat ang kaniyang utak sa sahig at ang kaniyang dugo sa kaniyang mukha
"Bilis itapon niyo na yan" utos ko sa dalawa
Agad naman nila itong sinunod ngunit may naisip akong mas magandang paraan
"Wait!" sigaw ko
Tumingin silang dalawa sa akin suot ang nagtatakang ekspresyon
Napangiti nalang ako sa aking naisip
NAKAUPO na kaming lahat sa hapag kainan at naghihintay na makakain
Kanina pa naming pinakita sa iba ang bangkay ni Sophia na aming inilagay sa hagdan
Iyak nang iyak si Alra dahil di niya nagawang tulungan si Sophia
Nalaman kong siya pala ang nakakuha nang clue na dinikit ko sa second floor kaya ganyan siya kung umiyak
Agad namang nagplano sina Angelie at Paul kung paano ako huhulihin samantalang ang iba ay walang pakialam at nagrereklamo pa na nagugutom na sila
Namangha ako sa kanila dahil kahit nakakadiri ang kanilang nasaksihan kanina sa hagdan ay may lakas loob pa silang kumain ngayon
Pansin ko rin ang pananhimik ni Cheri at bakas sa kaniyang mukha ang pangingilatis sa bawat isa sa amin na kanyang tinitignan
Napabalik-tanaw naman ako sa banta sa akin ni Samantha tungkol sa kaniya
"Mag-iingat ka sa babaeng yan dahil may tumutulong sa kaniya at nagsisilbi niyang alas upang matalo ka kaya patayin mo na siya sa madaling panahon"
Tumatak sa aking ulo ang banta ni Samantha ngunit di ko to magawa dahil nakabantay sa kaniya si Christian at isa pa ay bumabagabag parin sa aking isipan kung sino ang alas ni Cheri
"Luto na!" sigaw ni Karyll
Siya ang nagsisilbi naming cook dito dahil taglay niya ang biyaya sa pagluluto
Nagsipagkuha naman sila nang kanin at ulam
"Oh Jestonie bakit di ka kumakain?" tanong ni Karyll
"A-ah ayaw ko, busog ako" sabi ni Jestonie
"Ganon ba, ikaw Christian? Bakit ayaw mo ring kumain?" tanong ni Claire
BINABASA MO ANG
Blessing or Curse (COMPLETE)
HorrorHighest Rank Achieved: #3 in psycho #2 in killer #23 in mystery #80 in thriller