Reene’s POV:
Pagkatapos nang paglibing sa bangkay ni Jack, napagpasyahan nang lahat na magsitulog na at magpahinga dahil panibagong sapalaran na naman bukas sa kamay nang killer ang aming kakaharapin ngunit di ako makatulog dahil binabagabag parin ako nang mga masalimuot na karanasan nang mga classmates ko.
Nandito ako ngayon sa labas malapit sa dalampasigan. Inuupuan ko ang nabaling buntot nang chopper na sumabog kaninang umaga
“Di ka rin makatulog?” tanong nang tinig sa aking likuran
Si F*ck boy!
“Hey Pou Girl kinakausap kita” sabi niya sabay upo sa tabi ko
“Sinong may sabing umupo ko sa tabi ko?!” tanong ko sa kaniya
“Bawal ba?” sabi niya sabay pa-cute sa akin
Eww!
Tumahimik nalang ako at ninamnam nalang ang sarap nang simoy nang hangin galing sa karagatan
“Pou Girl kam-….” Di na niya natapos ang sasabihin niya nang humarap ako sa kaniya with my Fierce look
“Hindi ako si Pou Girl OK?! May pangalan ako, its Reene” sabi ko sabay flip nang buhok ko sa kaniyang mukha
“Wow amoy Palmolive!” sabi niya.
Napatawa nalang ako sa kaniyang reaksyon
“UY napatawa kita!” sabi niya sabay palakpak
“Isip bata ka noh?” sabi ko sabay tawa
Nagtawanan lang kami hanggang sa kusa rin kaming huminto dahil baka maubusan kami nang hangin
“Teka nga! Bakit ka pala nandito sa Isla Anima?” tanong ko sa kaniya
Napatahimik nalang siya at tumingala sa itaas. Napatingala rin ako sa itaas at kita ko ang ganda nang mga bituin sa kalangitan
“Dati na akong nakatira dito sa isla kasama sina Tito Eman, Tita Derds at Tita Monik. Lumaki ako sa kanilang piling dahil inabanduna ako nang aking mga sariling magulang. Ngunit nang nagbinata na ako, napagpasyahan kung pumunta sa Davao at doon nalang tumira at maghanap nang trabaho” kwento niya.
Napatulala nalang ako habang nagkukwento siya. Nakikita ko ang saya at lungkot sa kaniyang mga mata habang nagkukwento
“Bakit ka bumalik dito?” tanong ko sa kaniya
Tumingin siya sa akin sabay ngiti
“Dahil sa isang misyon” bulong niya sa akin sabay tayo at pagpag nang kaniyang shorts
“Misyon?” takang tanong ko
“Huwag mo nang alamin at baka ikapahamak mo pa. Sige Pou girl papasok na ako at baka may mawala na naman” makahulugang sabi niya sa akin sabay lakad palayo
Nagtataka talaga ako sa katauhan niya at ang kaniyang buhay dahil kung iisipin, malabong maging coincidence ang pagkikita naming sa bus station at dito sa isla. Nagtataka rin ako sa misyon na sinasabi niya
Sino ka ba talaga?
“Reene?” tawag sa akin nang tao sa likod ko sabay tabi sa akin
Anong meron sa tabi ko at bakit dito sila umuupo?!
“Oh Cheri? Bakit?” tanong ko kay Cheri
BINABASA MO ANG
Blessing or Curse (COMPLETE)
HorrorHighest Rank Achieved: #3 in psycho #2 in killer #23 in mystery #80 in thriller