Chapter 16

62 5 2
                                    

Requested ni Jenneth na magka POV nang mahaba kaya pagbibigyan ko nalang. Mamatay na kasi 😂😂😂😂
***********************************

Jenneth's POV:

Pilit akong kumakawala sa pagkakatali sa akin dito sa silyang ito.

Ramdam ko ang sakit nang pagkakahigpit nang pagkatali sa akin dito at sakit nang pagkakasampal niya sa aking pisngi ng stainless plate.  Nakita ko ito sa paanan ko at nayupi na ito siguro sa lakas ng impact niya sa pisngi ko.

Lumapit siya sa sewing machine at pinaandar ito sabay luka ng mga karayum na may ibat-ibang laki at taba

"Galing mo sa pagtahi,
Akoy na-iingit,
Kaya oras mo nang mawala,
Dahil ako ay walang awa" sabi niya sa akin sabay tawa nangalakas

Napa-iyak nalang ako sa takot at kaba dahil sa aking kahihinatnan. Kinuha niya ang mga karayum sa lamesa at nilalaro niya ito sa kaniyang mga kamay

"Alam mo ba ang haba at talim ng mga karayum na ito eh tatagos na sa mga buto mo" sabi niya sabay pakita nang pinakamaliit na karayum sa akin ngunit kasing haba nito ang hinliit na daliri ng tao at kasing taba ng point ng ballpen.

"Ahhh! " daing ko nang itusok niya sa aking braso ang karayum.

Ramdam ko ang pagtusok nito sa aking laman at pagtagos nito sa aking buto.  Tinanggal niya ito at isinaksak na namang muli nang paulit-ulit hanggang bumulwak na ang dugo sa aking braso. Nagkaroon na nang malaking hiwa ar butas sa braso ko dahil sa pagsaksak niya dito.

"Ayan!  Ngayon kailangan na natin yang tahiin" sabi niya sabay kuha nang isang karayum at isang yarn.

"Huwag please!  Masakit yan" paamakaawa ko sa kaniya

"Shhhh ang ingay mo" sabi niya habang ipinapasok sa malaking karayum ang yarn.  Itinutok niya ito sa akin

"Para manahimik ka na,  tatahiin ko ang bibig mo" sabi miya sa akin sabay hawak ng mga labi ko

Gusto kong sumigaw ngunit di ko kaya dahil sa paghawak niya sa aking labi.  Pagtusok niya sa aking labi ay napaangat ako ng aking ulo dahil sa sakit.  Nagresulya ito ng pagkapunit ng itaas na labi ko

"Aray! " impit ko.  Nararamdaman ko ang labi kong napunit at dumudugo.

"Ayan kasi masyado kang makulit" sabi niya sabay hila na naman ng labi ko.  May humawak sa ulo ko at ramdam ko ang higpit nito.  Napatingala ako at nakita ko si Christian

Hay*p ka! 

Nais ko siyang sigawan ngunit di ko mahawa dahil tinatahi na nang demonyo ang aking mga labi

"Ayan! Tapos na" sabi niya sabay palakpak.  Nararamdaman ko ang hapdi at kirot ng labi ko. 

Sa bawat paghikbi ko ay nararamdaman ko ang pagkapunit nito

"Ngayon,  ito na man" sabi niya sabay hawak nanv braso ko at sinumulan na niya itong tahiin

Sa bawat pagtusok niya ng karayum sa braso ko ay sinasadya niya talagang paikutin yun at nagreresulta nang pagkabasag ng mga buto ko sa loob.

Napapaiyak nalang ako dahil sa sakit

Tama na!

"Tapos na anv part 1, ngayon ito na naman"  sabi niya sabay kuha ng mga karayum na maliliit.

Itinutok niya ito sa aking mga kuko at dahan-dahang pinapasok.  Nakita ko ang pagabaon nito sa kuko ko at ang pagdugo nito.

Tama na please!  Ang sakit na!

Pagkatapos niya sa isa,  isinunod na niya ang pangalawa hangang sa natapos niya ang lahad ng kuko ko sa kamay.

"Ganda!  Para kang si Wolverine" sabi niya sabay tawa

Kinuha niya ang iba pang karayum at sa paa ko na naman ang itinutusok niya

Para akong manika na pinaglalaruan nang isang batang may tama sa utak

Tinanggal niya ang tali ko sa kamay ngunit wala akong lakas na gumalaw

"Gusto kong magtahi kaya lang wala akong tela,  kaya balat mo nalang ang gagamitin ko" sabi niya sabay kuha ng kaliwang kamay ko at itinutok ito sa sewing machine

Pinaandar niyang muli ang sewing machine at sinimulang magpadyak sa ibaba.

Pinadaan niya ang kamay ko sa ilalim ng sewing machine at sinulang tahiin ang kamay ko

Ang sakit!

Pinagdikit niya ang dalawa kong kamay ay tinahi ang pahitan nito upang magkadikit na ito ng tuluyan

Kita ko ang paglaylay nang balat ko at ang pagdurugo nito

"Sa paa na naman" sabi niya at mano-manong tinahi ang mga paa ko

Tanging iyak lang ang nagawa ko at malilit na pakhikbi

"Eww ang pangit na nang mata mo dahil sa kaaiyak.  Ang mabuti pa tahiin ko na rin" sabi niya sabay kuha ng panibagong karayum at yarn

Itinutok niya ito sa aking mata at sinimulang tahiin

Natutusok ang mata ko sa loob dahil sa lalim at higpit ng pagkakatahi niya dito.

Sa dami ng dugo na lumabas sa aking katawan,  nagsanhi ito nang aking pagpanaw

Sa pagpikit ko nakita ko si Androe at Rosenette.  Kapwa naghihintay sa akin ngunit bakas sa mukha nila ang pagnanais ng paghihiganti at hustisya

"Huwag kang mag-alala,  malapit na nating makamit ang hustisya" sabi ni Rosenette sa akin sabay hawak sa kamay ko

Sana nga

Killer's POV:

"Ay!  Patay na agad?! " gulat na sigaw ko dahil wala nang pulso si Jenneth nang aking hawakan.

Mukhang nalibang ako sa pagtatahi nang kaniyang mata kaya di ko namalayang patay na pala siya

"Christian! " tawag ko kay Christian

"Ilagay mong muli sa sako at ipadala mo sa kanila" utos ko sa kaniya sabay tingin sa kaawa-kaawang katawan ni Jenneth

Para siyang serena dahil nagkadikit na ang kaniyang paa at kamay.  May tahi rin ang mata at bibig niya.  May mga tahi rin ang katawan niya

"My perfect master piece"  sabi ko sabay palakpak

Kinuha na ni Christian ang bangkay ni Jenneth at inilagay na ito sa sako

"Sino kaya ang isusunod ko? "  sabi ko sa sarili ko sabay tingin sa mga larawan nang mga classmates ko.

Nilagayan ko nang X ang mukha ni Jenneth at bumunot ng panibago kong laruan nabibiktimahin

"Bingo" sabi ko nang makita ko ang susunod na biktima ko

"Humanda ka na at ikay mawawala na"  bulong ko sabay tawa nang malakas

************************************
Sino kaya ang susunod?
Abangan😉

Blessing or Curse (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon