Rizalyn's POV:
"B*tch di ba tayo pupunta sa lamay nila Androe at Rosenette? " tanong sa akin ni Renee.
Magkasama kami dito sa salon niya dahil stress na kami sa patayang nagaganap sa STEM 11-A.
Yep. Pagpapaganda ang nakakawala sa aming stress at mga problema. Anong magagawa namin, dito kami magaling eh.
"Huwag na siguro nakakapagod nang umiyak" sabi ko sa kaniya.
Tinitingnan ko ang sarili ko sa salamin nang biglang umilaw ang cellphone ko. Kinuha ko ito at tinignan ang natanggap kong mensahe.
"Goddess of all b*tches in the world!" Sigaw ko sa gulat.
"Bakit b*tch? Anyare? " sabi sa akin ni Renee.
Nakita kong umilaw rin ang cellphone niya. Kinuha niya ito at tinignan. Nakita ko ang paglaki sa mukha ni Renee at napaiyak na naman.
"B*tch sino na naman ang namatay" sabi niya sa akin habang humihikbi.
Napatingin na sa amin ang ibang costumer dahil nag-iiyakan na kami ni Renee.
"Si Jestonie ang nagsend ng photo, maaring siya ang sunod na namatay" konklusyon ko. Dumami kaagad ang mga nag chat ng kanilang reaksyon.
"Oh baka naman siya ang killer" sabi ni Renee.
"No b*tch kilala ko ang likod na iyan" paninigurado ko. Medyo broad kasi ang likod nu Jestonie kaya alam kong siya ito.
"Alam na kaya ng ibang b*tches? " tanong niya.
Tinawag ko si Quennie upang makibalita. Ilang ring lang at sinagot na niya ito.
"B*tch bakit? " tanong niya pagkasagot ng tawag
"Nakita mo naba ang nasa gc natin" tanong ko sa kaniya.
"Yeah and i dont care" sabi niya. Magsasalita pa sana ako pero binabaan na niya ako ng tawag.
"Oh anong sabi? " tanong sa akin ni Renee. Napatawa nalang ako ng mahina dahil natunaw ang mascara niya sa mata dahil sa kakaiyak.
"She dont care daw" sabi ko.
"G. R. R. R.! Parang di na siya ang Queen B na kilala natin. Parang nag-iba na siya. Dapat sa kaniya pinapalitan na sa trono" nanggigigil na sabi ni Renee.
Naawa ako sa nag-lilinis ng paa niya dahil nasasabunutan na niya ito.
"Ahh Maam ang sakit" sabi ng ale.
"Sakit o sweldo? " tanong niya dito.
"Sweldo maam! Sige hilain niyo pa! Go! " sabi nang ale sa kaniya. Natawa na ako ng tuluyan.
''Haha b*tch hayaan mo na, baka epekto lang iyan sa pagpanaw ng boyfriend niya" paliwanag ko pero kung papipiliin ako, gusto ko na siyang palitan.
"Si Rhica? Natawagan mo na ba? " sabi niya sa akin
"Wait" paalam ko
Hinanap ko kaagad ng pangalan ni Rhica at tinawagan ko na ito. Ni-loudspeak ko ito para marinig rin ni Renee.
"Hello? " unang pagbati ko.
Nakarinig ako ng paghikbi sa kabilang linya.
"Rhica bakit? " tanong ko
BINABASA MO ANG
Blessing or Curse (COMPLETE)
HorreurHighest Rank Achieved: #3 in psycho #2 in killer #23 in mystery #80 in thriller