Chapter 40

37 4 0
                                    

Angelie’s POV:

“Ano? Kaya mong alamin ang meaning niyan?” tanong sa akin ni Cheri

Tinignan ko nang maigi ang clue ngunit isa lang ang alam ko dito

“Ang smiley na emoticon ay si Vessel dahil taglay niya ang katangiang palakaibigan samantalang ang tatlong natitirang clue pa ay di ko na alam” sabi ko sa kanila

“Kung gayon, kailangan nating hanapin si Vessel upang maproteksyonan natin siya” sabi ni Yanichen

Napatango nalang ako sa kaniyang sinabi. Aalis na sana kami nang may pumasok sa akin na isang magandang ideya

“Sandali” pagpigil ko sa kanila

“Bakit?” tanong nilang tatlo sa akin

“Yanichen at Cheri, kayo na lang ang bahalang maghanap kay Vessel at kami ni Trisha ay pupunta kay Leonard” sabi ko

“T-teka bakit?” tanong ni Trisha

Nginitian ko siya at tinignan nang may siguridad

“Dahil sa ating lahat, si Leonard ay nagatataglay nang katalinuhan sa lahat nang mga bagay, especially logic stuff” sabi ko sabay ngiti

Napa-ahh nalang sila siguro sa pagsang-ayon sa sinabi ko

“Tara na” sabi ko sabay hila ka Trisha

“Angelie! Dahan-dahan kay Trisha baka mapano ang bat-…..” sigaw ni Yanichen ngunit di na niya natapos ito dahil agad tinakpan ni Cheri ang kaniyang bibig

“Ano?” tanong ko

“W-wala, sige ingatan mo si Trisha” sabi ni Cheri

Tumango nalang ako bilang sagot sa kanila at umakyat na kami ni Trisha sa ikalawang palapag

“Leonard!” katok ko sa kaniyang kwarto ngunit di ako nakarinig nang response

Pinihit ni Trisha ang door knob at nabuksan na ito

“Angelie, hindi naka-lock ang pintuan” sabi ni Trisha

Napangiti nalang ako at dahan-dahang binuksan ang pintuan nang kwarto ni Leonard

“Eh?” takang sabi ko nang Makita kong walang tao sa kwarto niya

Nagkalat ang kaniyang mga libro at hindi rin naka-ayos ang kaniyang higaan

“Leonard! Nasan ka?!” sigaw ko

Pumunta ako sa Closet niya ngunit wala siya

“Saan kaya siya pumunta?” tanong ko sa sarili ko

Nakita ko si Trisha na nakaluhod malapit sa kama ni Leonard at base sa kaniyang paghinga, siya ay humihikbi

“Trisha, anong nangyari?” tanong ko sa kaniya habang lumalapit

“A-angelie, T-tingnan mo” sabi niya sabay abot sa akin nang isang papel

“Huli ka na,
Buhay niya’y akin na”

Yan ang nakasulat sa papel at mayroong question mark ( ? ) sa ibaba nito

“I-ibig sabihin, isa si Leonard sa apat na mamamatay ngunit bakit siya ang tinutukoy sa question mark?” tanong ni Trisha

“Dahil siya ang kasagutan sa lahat nang katanungan” sabi ko sa kaniya

Napaluha na lang din ako dahil na huli na kami nang dating

Blessing or Curse (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon