Chapter 22

59 8 1
                                    

Ericka's POV:

Nagising ako dahil sa pagkakahigpit nang tali sa akin.  Nakita kong nakatali ang isang kamay ko pataas at ang isa kong kamay ay nakahawak at nakatali sa aking katabi.  Pagtingin ko dito,  si Lhyka pala.  Kagaya ko nakatali rin ang kamay niya pataas.

"Lhyka! " paggising ko sa kaniya sabay yugyug nang kamay naming magkahawak na nakatali

Nagising si Lhyka dahil sa pagkakayugyug ko.  Kita ko ang pagkagulat niya rin sa aming posisyon.

"Anong ginagawa natin dito? " tanong niya sa akin

Pilit kong inaalala ang nangyari kanina ngunit di ko talaga maalala

"Di ko na matandaan" sabi ko sa kaniya.  Napapikit nalang ako dahil sa sakit nang aking ulo

"Mabuti naman at gising na kayo" sabi nang isang tinig sa aming likuran

"Oh mabuti naman at nandiyan ka!  Halika tulungan mo kami" sabi ni Lhyka sa kaniya

"Nababaliw ka na ba!  Ako ang nagtali sa inyo dyan tapos pakakawalan ko kayo?! " sabi niya sabay tawa

Doon ko lang napagtanto na siya pala ang killer sa section namin

"Wala kang hiya! " sigaw ko sa kaniya

Pilit akong kumakawala sa pagkakatali sa amin dito ngunit nasasaktan lang ako dahil sa higpit nang pagkakatali sa amin

"BOSS! " sigaw nang kakarating lang na lalaki

Christian?!

"Oh bat ngayon ka lang? " sabi nang walang awang demonyo sa kaniya

"H*yop ka boss!  Bakit mo dinamay ang Tito at Tita ko sa patayang ito! " sabi ni Christian sa kaniya.  Kita ko ang galit sa kaniyang mukha

Doon lang pumasok sa aking isipan ang nasaksihan namin kanina ni Lhyka.  Pinatay niya ang mga matatanda!

Wala siyang awa!  Pati matatanda pinatay niya nang ganun-ganun lang!

"Maghinay-hinay ka sa sinasabi mo Christian.  Tandaan mo,  ako anh dahilan kung bakit buhay ka pa" sabi niya kay Christian

Napabuntong hininga nalang si Christian sabay alis.  Kita ko ang pagtulo nang mga luha niya at ang pagrolyo nang kaniyang kamao

"Ngayon saan na nga tayo? " sabi niya sabay lapit sa amin habang tumatawa

"Kung ito man ang katapusan ko,  nais ko lang sanibihin mo kay Karyll na mahal ko siyang kaibigan dahil totoo siya sa akin" sabi ni Lhyka sabay iyak

"Ang sweet!  Pero huwag kang mag-alala dahil isusunod ko siya" sabi ng killer sabay tawa

"Ikaw?  Wala ka bang huling habilin" pagbaling niya sa akin

"Ang sama mo" sabi ko sa kaniya

"Thank you" sabi niya sabay tawa

"Ericka!  Huwag mo na siyang galitin" bulong sa akin ni Lhyka

"Pagsayaw ang hobby niyo,
Sa Paggiling ang galing nyoy totoo,
Ngunit iyan ba ay biyaya?,
O isang sumpa" sabi niya sa amin sabay tawa

Pinindot niya ang button sa may dingding at nagkailaw sa aming hatapan.  May isang malaking aquarium roon ngunit may mga lumalangoy na kulay itim

"Alam niyo bang ang mga electric eel ay isa sa mga hayop na malambot ang katawan?  Magaling din silang sumayaw ngunit nakakatakot ang kuryenteng lumalabas sa kanila" sabi niya sa amin sabay pindot pa nang isang button at nagliwanag ang kanang bahagi ng bodega

Blessing or Curse (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon