Cheri's POV:
"Hmmp!' daing ni Karyll nang hilain ko siya bigla
"Shhhhhh, ako to si Cheri" bulong ko sa kaniya
Natigilan naman siya bigla kaya minabuti ko nalang na hilain siya bago pa kami mahuli
Hinila ko lang siya palabas nang mansyon
Nakita naming nasa labas na sina Jenneth kasama si Claire at Gryx
"Cheri, mabuti naman at ligtas ka" sabi ni Claire sa akin sabay yakap
"I think you should continue that later, maybe the killer will going to find us here" sabi ni Gryx sa amin
Tango lang ang naging sagot ko sa kaniya dahil hanggang ngayon ay naiilang pa rin ako sa kaniya lalo pa't kamukhang-kamukha niya si Christian
"Common, follow me" sabi ni Gryx at sumunod na nga kami sa kaniya
Dumaan kami sa masukal sa kagubatan at sa di kalayuan, nakita namin si Mang Pedring sa bukana nang kweba
"Mabuti naman at ligtas kayo, hali na kayo at baka mahuli pa tayo dito" sabi ni Mang Pedring sa amin
Sumunod na nga kami sa kaniya papasok sa kweba at tila itong katabi ko ay sabik na sabik nang malaman ang lahat
"Cheri, sino yang lalaking naka hood at mask? Nakakatakot siya" tanong ni Karyll
Napatawa ako nang mahina at tinignan ko siya
"Correction, hindi siya lalaki dahil babae yan tsaka si Jenneth yan ano ka ba" sagot ko sa kaniya
Nakita kong nagtaka siya sa aking sinabi kaya di na niya natiis pang magtanong muli
"Cheri, bakit buhay si Jenneh? Tsaka si Christian bakit naging englishero bigla? Sino si manong? Naguguluhan na ako!" sabi ni Karyll sabay sabunot sa kaniyang sariling buhok
Wala akong nagawa kundi ang ikwento sa kanya ang lahat simula sa umpisa
"Ahh kaya pala" sabi ni Claire
Di ko namalayan na nakikinig din pala tong isang to sa amin
"Ineng, halika at nang magamot ko ang sugat mo" sabi ni Mang Pedring kay Claire
Sumunod na si Claire kay Mang Pedring
Sa kalagitnaan nang aming pag-uusap, biglang nagsalita si Gryx
"Ngayong kumpleto na tayo, Ano nang plano natin?" tanong niya sa amin
Napatingin kaming lahat kay Jenneth
"Simple lang naman......." Pabitin niyang sagot at tumayo
Nakita naming may kinuha siya sa kaniyang bag at itinapon ito sa aming harapan
Notebook?
"Notebook? Aanhin natin yan para matalo ang killer?" tanong ni Gryx
Napatulala lang ako, si Claire at Karyll sa notebook dahil natatandaan ko pa ang notebook na ito
"B-bakit naso t-to?" tanong ko
Lumapit si Cheri sa notebook at hinaplos ito nang paulit-ulit
"Nakita ko ito sa secret hide-out sa ibaba nang mansyon kanina" sagot niya
Binuklat niya ang notebook at tumambad sa amin ang aming mga litrato
"Matalino ang kapatid ni Rhica at nagawa niya itong notebook na ito pero hanggang ngayon ay palaisipan parin sa akin kung bakit niya ginawa ang notebook na ito" sabi ni Jenneth
BINABASA MO ANG
Blessing or Curse (COMPLETE)
HorrorHighest Rank Achieved: #3 in psycho #2 in killer #23 in mystery #80 in thriller