Chapter 31

54 5 0
                                    

Alra’s POV:

Nagulat ako nang nakita ko si Donie na nakabigti sa second floor gamit ang kaniyang laman loob. Wasak ang kaniyang mata at may malaking butas sa kaniyang dibdib kung saan nakalocate ang kaniyang puso

“Wala talaga siyang awa” rinig kong bulong ni Jestonie sa tabi ko

Tinignan ko siya at nakita ko ang pamumuo nang luha sa kaniyang mga mata. Alam ko na masakit ang kaniyang dinadamdam ngayon dahil dalawa na sa mga kaibigan niya ang nawala

“Grabe na talaga!” sigaw ni Angelie.

Napatingin kaming lahat sa kaniya at nakikita naming ang kaniyang nanlilisik na mata

“Magkalinawan na nga tayo dito! Sino ba talaga sa inyo ang walang-awang gumawa nito!” sigaw niya

Nagkatinginan ang lahat at kaniya-kaniya nang tingin sa kanilang hinihinalang salarin.

“Baka naman ikaw mismo Angelie” sabi ni Rizalyn na nakapamewang

“Ako? Bakit ako!?” tanong ni Angelie

“Nagsimula lang naman ang lahat nang ito sa pagtatalo natin sa bahay nila Alra kung sino ang magpre-present sa ating product presentation! Kung di ka ba naman pabibo eh di sana hindi to mangyayari!” sigaw ni Rizalyn. Pinipigilan siya ni Rhica at baka magkasabunutan sila ni Angelie

“Hoy Rizalyn mahiya ka naman sa pambibintang mo” sabi ni Quennie. Tumingin naman kaming lahat sa kaniya ngayon na nakatayo sa may bandang lamesa

“Sinsabi ko lang ang aking hula” galit na sabi ni Rizalyn

“Kaya nga eh, HULA lang. Baka nakakalimutan mo na Isla mo tong kinatatayuan natin ngayon at sa aming lahat, ikaw ang may access sa lahat nang kwarto dito! Kaya baka ikaw ang killer!” sigaw ni Quennie

“Quennie hinay-hinay lang” pang-aawat sa kaniya ni Vessel.  Kumalma naman nang konti si Quennie at nagpahinga nalang sa bisig ni Vessel

“Oh great! The Queen Bee is now flirting with other guys! Akala mo ba Queenie di naming napapansin na kamamatay lang nga nang boyfriend mo lumalandi ka na kay Vessel, at ito pa……Naging kabit mo si Paul habang kayo ni Androe!” sabi ni Reene sabay turo kay Quennie

Wala na naglalabasan na nang baho dito!

Tinignan ko si Paul at nakayuko lang ito dahil sa hiya. Nakakuyom na rin ang kaniyang kamao at lumalabas na dito ang kaniyang mga ugat. Umiiyak na rin si Queenie dahil sa masasakit na salita na sinabi ni Reene sa kaniya.

“Watch your words Reene, ako parin ang Queen Bee sa atin kaya rumespeto ka sa mas mataas sa iyo” sabi ni Quennie sa kaniya

“Wow! Sorry po Queen BEEtches” pang-iinsulto ni Reene sa kaniya

“Sa tingin ko si Jan Marie ang killer” sabi ni Paul

Nagulat ang lahat at kita ko rin ang paglaki nang mata ni Jan Marie dahil sa bintang ni Paul

“Ano bang sinasabi m-mo Paul hi-……….” Di na natuloy ni Jan Marie ang kaniyang sasabihin nang biglang sinuntok ni Paul ang sahig nang ubod nang lakas

“F*ck Jan Marie! Paano mo mapapaliwanag sa akin ang pampatulog na nainom namin ni Angelie kagabi! Ikaw lang naman ang nagtimpla nang kape na aming ininom at ikaw lang din ang taong mukhang di affected sa pagkamatay nang bestfriend mong  si Rosenete noon ah!  Kay-…………….” Sinampal nang ubod nang lakas ni Jan Marie si Paul

Blessing or Curse (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon