Donie’s POV:
Pumasok nalang ako sa bahay upang mabawasan ang sama nang loob ko sa mga classmates ko. Kakamatay lang nang mga classmates naming ngunit nagagawa pa talaga nilang maglaro at maglibang. Imbes na gumagawa dapat kami nang paraan upang matalo ang killer, nandoon sila at nagpapakasaya
“Mukhang bad mood ah” sabi sa akin ni Jestonie. Nakatali pa rin siya sa silya . Napalaki ang aking mata nang nakita ko si Karyll na nakahiga sa sahig at humihilik nang malakas
“Anong ginawa mo!” sabi ko kay Jestonie sabay lapit kay Karyll
“Anong ako, Hoy! masama mambintang. Nasa Luke 6:37, check mo sa bible ” pagtatanggi niya sa bintang ko
Napasapo nalang ako sa aking noo dahil sa katangahan ko.
Paano nga ba magagawa nang taong nakatali at wala nang mga daliri sa kanang kamay ang ganito!
Nakita ko na may maliit na nakatusok sa leeg ni Karyll.
“Kung di ikaw sino ang may gawa nito?” tanong ko kay Jestonie sabay pakita nang karayum sa kaniya
Bigla siyang natigilan dahil wala na siyang maitatanggi pa. Tumingin siya sa itaas at sumisipol.
“Ang killer ba?” tanong ko sa kaniya at siya naming ikinatango niya bilang sagot
Hinawakan ko ang pulso ni Karyll at baka mapano siya lalo na’t ang killer pala ang may gawa nito sa kaniya
“Huwag kang mag-alala, pinatulog lang siya ni Boss” sabi niya sa akin
Lumapit ako sa kaniya at lumuhod sa kaniyang harapan
“Tell me please, Sino ang killer?” pagmamakaawa ko sa kaniya. Alam kong mabait ang kalooban niya dahil naging kaibigan ko siya sa mahabang panahon
“Pasensya na Donie ngunit di talaga pwede” sabi niyas abay yuko
Naikuyom ko nalang ang aking kamao dahil sa galit at walang pagdadalawang sinampal ko siya sa mukha
“Sana naman magising ka na” sabi ko kay Jestonie. May umawat sa aking braso upang ilayo kay Jet
“Donie, maghinayhinay ka lang, kaibigan parin natin siya” sabi sa akin ni Jane.
Nakita kong lumapit sa amin si Rey,Vessel,at Jan Marie.
Habang sina Alra at Claire naman ay umakyat sa itaas
“Pasensya na” sabi ko sabay alis. Maliligo nalang ako
“Uy! Donie saan ka pupunta?” tanong sa akin ni Christian
“Sa kwarto ko” sabi ko sa kaniya. Tinapik niya lang ang aking likod sabay alis
Pagkapasok ko sa kwarto ko, hinanap ko kaagad ang damit ko at shorts. Napagpasyahan kong maligo nalang sa shower upang mabawasan ang init na aking nararamdaman.
🎶Akoy…………..isang sirena……………kahit anong gawin nila bandera koy di tutumba……………….🎶
Pumasok na ko sa banyo at nagtanggal nang damit at binuksan ang shower . Ilalagay ko na sana ang damit ko sa balde nang may nakita akong papel na nakadikit sa likod nang aking damit kaya kinuha ko ito at binasa
“Nilalang nang karagatan,
Ganda moy walang kasukdulan,
Ngunit iyan ay may katapusan,
Tiyak na ikay masasaktan”
BINABASA MO ANG
Blessing or Curse (COMPLETE)
HorrorHighest Rank Achieved: #3 in psycho #2 in killer #23 in mystery #80 in thriller