Cheri’s POV:
“Reene!” sigaw ko pa rin habang nasa tapat ako nang kwarto niya
Kanina pa kami walang naririnig na ingay sa loob nang kwarto at karamihan sa mga classmates ko ay bumaba na samantalang kami nalang ni Yanichen ang naiwan dito sa taas
“Cheri, tahan na” pagpapakalma sa akin ni Yanichen habang hinahagod nang malumanay ang aking likod
“Hindi maari, paano si Reene?” tanong ko sa kaniya
“Wala na tayong magagawa pa kung yun talaga ang desisyon niya” sabi sa akin ni Yanichen
Tama siya
Pinili ni Reene ang kamatayan dahil ayaw na niyang mabuhay pa
Pinili niyang mamatay dahil sa akin
“Tumayo ka na” utos sa akin ni Yanichen at sumunod na nga ako sa kaniya kahit labag sa aking kalooban, sumunod nalang ako
Nang makababa na kami agad na niyaya niya akong muli sa hapag kainan ngunit tumanggi ako
“Bakit?” tanong niya
Nagbigay ako nang pilit na ngiti sa kaniya bago ko siya sagutin
“Magpapahangin nalang muna ako sa labas” paalam ko kay Yanichen at tinungo ko na nga ang daan palabas
Doon ko na di napigilan ang pagtulo nang aking mga luha at napa-upo nalang sa malaking bato malapit sa dalampasigan
“Ate ganda, bakit ka umiiyak?” tanong sa akin ni George at umupo ito sa tabi ko
“B-bigo ako George, di ko n-nagawang mailigtas si Reene at ako pa ang naging d-dahilan upang piliin niyang m-mamatay na lang” sagot ko kay George habang patuloy na pumapatak ang aking mga luha
Tinignan niya lang ako sa mukha at sumilay ang matamis na ngiti sa kaniyang labi
“Ate Ganda, di mon aman kasalanan na maganda ka talaga kaya dalawang tao ang nag-aagawan sa iyo at tsaka bobo siya dahil di niya nakuhang ipaglaban ang kaniyang pagmamahal” paliwanag niya sa akin
Bahagya naman akong napatawa sa kaniyang sinabi kaya nahimasmasan ako nang konti
“Salamat George” sabi ko sa kaniya sabay ngiti
“Saan? Sa pagsabi ko sa iyo na maganda ka? Joke lang yon” sabi niya sabay tawa
Aba’t loko tong multong to ah
“Bwis*t ka! Nagpapasalamat lang ako dahil napagaan mo ang bigat na nararamdaman ko” sabi ko sa kaniya
Kung nahahawakan ko lang tong multong to kanina ko pa nasabunutan to
Napatawa naman siya sa aking sinabi at dahan-dahang tumayo at pumunta sa aking harapan
“Tsaka huwag kang mag-alala dahil buhay pa siya. Nararamdaman ko pa ang tibok nang puso niya” sabi sa akin ni George
Nanlaki ang mata ko sa aking narinig kaya napatingin ako sa kaniyang mga mata
“May powers ka?” tanong ko
Napangiwi naman siya sa tanong ko at adhan-dahang napa-iling
“Hindi Ate Ganda, nararamdaman talaga naming mga multo kung tumitibok pa ba ang puso nang isang tao” paliwanag niya sa akin
Napa-ahhh nalang ako at napatango sa kaniyang sagot sa akin
“Pero……..” sabi niyang pambitin sa akin
BINABASA MO ANG
Blessing or Curse (COMPLETE)
HorrorHighest Rank Achieved: #3 in psycho #2 in killer #23 in mystery #80 in thriller