Jestonie's POV:
"Musika ang tunay na aking tinataglay.... Ito rin ang dahilan kung bat ako.... Naglalakbay... " kanta ko sabay end ng strum sa gitara ko.
Nang nakatanggap ako ng mensahe galing kay Angelie sa pagkamatay ni Rosenette, di na ako nag aksaya pa nang panahon na pumunta pa. Para saan pa kung patay na naman. Aano ako doon, iiyak lang.
Biglang pumasok sa kwarto ko si mama dala dala ang isang papel.
"Nak may nagpapa-abot" sabi niya sa akin.
Pagkaalis ni mama binuksan ko na ang papel at aking binasa.
"Musika mong taglay,
Buhay mo ay iaalay,
Handa ka nabang mamatay,
O mahal mo pa ang iyong buhay? "Yan ang nakasulat sa papel. Kinilabutan ako dahil ngayon na pala ang oras ko.
Katatapos pa nga lang mamatay ni Rosenette, ako na naman! Wow what a life!
Agad akong nagpaalam kay mama upang pumunta ng mall
"Kung may lugar man na di niya ako mapapatay, sa mall iyon dahil madami ang tao. Tss akala niya maiisahan niya ako? Hindi! STEM yata itong kinakalaban niya" parang baliw na sabi ko sa sarili ko.
Habang papasakay na ako ng pedicab, may nakita akong sumusunod sa aking sinasakyan. Naka hood ito at loose pants habang nakasakay sa pedicab.
Kung minamalas ka nga naman na flat ang gulong ng sinasakyan kong pedicab.
"Tsk! Boy humanap ka nalang ng ibang masasakyan" sabi ng driver sa akin.
Papalapit na sa lugar namin ang sinasakyang pedicab ng sumusunod sa akin. At dahil sa likas na mapaglaro ng tadhana huminto ito sa tapat namin ng driver
"pre! Ipasakay mo nalang ito" yaya ng driver ko sa kadadating lang na driver.
Naloko na!
"Ano ba male-late na ako oh" sabi ng aleng nakasakay sa harapan kaya sumakay nalang ako.
Nasa likod ako nakaupo at kaharap ko ang taong sumusunod sa akin. Naka mask ito at naka shades kaya di ko makikilatis ang mukha na ito. Naamoy ko ang isang pamilyar na pabango
Sweet strawberry?
Habang nakatitig ako sa kaniya, kita ko ang pagpasok ng kamay niya sa kaniyang bulsa. May kinuha siya roon na bagay at itoy nilabas niya.
Manika?
Aanhin niya ang manika?
Hinawakan niya ang manika at piniga ang katawan nito. Pumutok ito at naglabas ng kakaibang baho.
Naloko na! Nakaka-antok!Nakita kong nakatulog ang driver at ang babae sa harapan ko. Mabuti nalang at traffic kaya nakahinto kami.
Tinakpan ko ang ilong at bibig ko dahil nakakaramdam na ako ng pagka-antok.
"Ughh! " daing ko ng suntukin niya ang sikmura ko. Nalanghap ko ang nakaka-antok na amoy at wala na akong nagawa kundi ang makatulog.
NAGISING ako ng nasa isang puting kwarto na ako. Nakatali ako sa upuan habang may takip ang bibig ko
"Mabuti at gising ka na" sabi ng tinig sa aking likuran.
Umalingaw-ngaw ito sa apat na sulok ng kwarto.
BINABASA MO ANG
Blessing or Curse (COMPLETE)
HorrorHighest Rank Achieved: #3 in psycho #2 in killer #23 in mystery #80 in thriller