Yanichen's POV:
Habang naglalakad ako patungo sa kwarto ni Angelie upang ibigay ang sulat na aming nakita kanina, pansin at nararamdaman ko na may pares nang mata na kanina 0a nakatingin sa akin. Tila kinikilatis nito ang aking bawat galaw at inaalam ang susunod na aking gagawin
"Kung sino ka man, di ako takot sa iyo" sabi ko sabay hinto sa aking kinatatayuan.
Nakikita ko ang anino niya sa aking likuran at kagaya ko huminto rin siya at nagtago.
"Huli na kita kaya wala ka nang kawala" sabi ko sabay lingon sa aking likuran.
Nakita ko na bukas ang pintuan nang isang kwarto kaya alam kong doon siya nagtatago
Lumapit ako doon nang dahan-dahan at sa akmang bubuksan ko na ang pintuan, nakarinig ako nang kaluskos na nanggagaling sa katapat na kwarto.
"Babalikan kita" bulong ko sabay pasok sa katapat na kwarto
Madilim dito at tanging liwanag lang na galing sa buwan ang nagbibigay liwanag sa buong kwarto ngunit di ito sapat
Habang nag-aadjust ang aking paningin sa dilim, nakita kong may tumalon papalabas nang bintana
"HOY! " sigaw ko dito ngunit nakatalon na ito palabas nang bintana. Pumunta ako roon at tumingin sa ibaba ngunit wala na akong bakas na galing sa kanya
"Sino kaya yun? " tanong ko sa sarili ko
Papalabas na sana ako upang balikan ang tao na nasa kabilang kwarto nang mapansin kong may nakasilip sa taas nang cabinet
"Uy! Jack, anong ginagawa mo diyan? " tanong ko kay Jack. Nakatayo lang ito sa likod nang cabinet at nakasilip ang mukha na bandang mata lang ang nakikita
"Jack? " takang tanong ko nang di man lang ito sumasagot sa akin. Napansin ko rin ang kaniyang mga mata na tila wala nang buhay
"Jack kung isa to sa mga biro mo di na nakakatuwa" sabi ko sabay lapit sa cabinet
Tumingin ako sa likod nang cabinet upang alamin kung ano ang ginagawa ni Jack roon
"Ahhh!" Sigaw ko sa aking nasaksihan.
Walang katawan si Jack at nakatusok lang ang kalahati nang kaniyang mukha sa isang map stick.
Si Jack ang sinasabi nang sulat na mamamatay bago sumapit ang araw
"Anong nangyari ?! " sigaw nang kararating lang na si Rizalyn. Kasama niya ang iba naming babaeng classmates
"Si Jack! " sabi ko sabay iyak. Nagtaka sila kaya tinuro ko ang cabinet
"Oh? Anong nangyari kay Jack eh nakasilip lang siya sa atin? " tanong ni Sofhia
"Patay na siya" sabi ko. Nagulat sila at kaniya-kaniyang silip sa likod nang cabinet
"Ahhh! "
"Gosh"
"May namatay na naman"
"Guuuwaaarrk! "
Kaniya-kaniyang reaksyon nila sa kanilang nasaksihan
"Teka? Nasaan ang katawan niya?" Tanong ni Claire
Nilibot namin ang aming paningin sa buong kwarto ngunit wala roon ang katawan ni Jack
"Di kaya...? " sabi ni Rhica sabay bukas nang cabinet
"Ahh! " nagulat kami nang mahulog ang katawan ni Jack diretsyo kay Rhica
"Yuck! " sabi ni Rhica nang matapunan siya nang dugo sa kaniyang katawan
"JACK! " nagulat kami nang biglang may sumigaw galing sa puntuan
Nakita namin si Rey at ang mga kalalakihan na kakadating lang. Bakas din sa kanilang mukha ang pagkagulat
"Grabe na talaga ang patayang nangyayari! " inis na sabi ni Brian sabay suntok sa salamin malapit sa pintuan. Nabasag ito at kita ko ang pagtulo nang dugo sa kaniyang kamao
"Ano ba ang nangyari? " tanong ni Paul kay Jan Marie
"Si Yanichen ang nakakita nang buong pangyayari" sabi ni Jan Marie sabay turo sa akin
"May nakita akong papel na nakasulat na may mamamatay na naman bago sumikat ang araw kaya dali-dali akong pupunta sana sa kwarto ni Angelie upang ibalita ang nangyari. Habang naglalakad ako, may napansin akong sumusunod sa akin kaya napahinto ako at pumasok ito sa kabilang kwarto nang may narinig akong ingay dito kaya pumasok ako at ayun na" mahabang paliwanag ko sa kanila
"Teka, sabi mo may sumusunod sa iyo diba? " tanong ni Jovannie sa akin. Tumango ako bilang sagot sa kaniya
"Johann! Brian! Puntahan niyo at tignan kung sino ang nasa kabilang kwarto" utos ni Rey sa kanila
Nakarinig kami nang ingay at kalampag kaya nagtaka kami
"Anong nangyayari? " tanong ni Alra
"Bitiwan niyo ako mga g*go kayo! " sigaw nang isang lalaki
Napatingin kami sa pintuan nang bumukas ito at pumasok sina Brian at si Johann na may bitbit na lalaki sa kaniyang balikat
"JESTONIE?! " sigaw naming lahat sa gulat nang makita namin si Jestonie na bitbit ni Johann
"Hi Guys! Long time no s-........ " naputol ang sasabihin ni Jestonie nang bigyan siya nang isang suntok ni Brian sa mukha
Knock out!
"Bagay lang yan sa kaniya" sabi ni Brian
"Di kaya siya ang pumatay kay Jack? " conclusion ni Quennie
"Hindi, nakita kong tumalon ang killer palabas" sabi ko at nagsipag tanguan silang lahat
"How did he get here? " tanong ni Leonard
"Baka Lumangoy " joke ni Christian sabay tawa
Walang pumansin sa kaniya kaya napahiya siya
Paano nga ba?
Jestonie's POV:
"Tandaan mo, mamayang gabi ka na pumasok upang di sila magtaka" habilin sa akin ni Christian. Pinasabay ako ni Boss kay Christian dahil di ako pwedeng sumabay sa kaniya sa chopper
"Yes lover boy" sabi ko sabay tawa
Nasaksihan ko ang pag-sabog na nangyari sa katagatan ngunit nanatili parin ako dito sa aking pinagtataguan kahit gusto ko nang tulungan sila. Nakokonsensya na ako
Sa pagsapit nang gabi, nakaramdam ako nang gutom kaya pumasok ako sa loob at kung minamalas ka nga naman, nakita ko si Yanichen at kamuntikan na akong mahuli. Buti nalang umalis siya at nakahinga ako nang maluwag. Nakakita ako nang pagkain sa loob nang kwarto kaya ito ang nilantakan ko. Akala ko ligtas na ako nang biglang may humila sa akin at dinala sa mga classmates ko. Kita kong nagulat si Christian at si Boss sa aking pagkakadakip.
Sorry po
Nagulat ako nang nakita ko si Jack na patay na
Wala talaga siyang awa!
Hanggang sa sinuntok ako ni Brian at nawalan nang malay
************************************
Light lang muna sa susunod na ulit ang mga brutal scenes😂Hay! Bakit kaya binalik ni Author si Jestonie sa eksena?! Ano kaya ang panibago niyang role sa storyang ito
Abangan😉
BINABASA MO ANG
Blessing or Curse (COMPLETE)
TerrorHighest Rank Achieved: #3 in psycho #2 in killer #23 in mystery #80 in thriller