Jan Marie's POV:
Kasalukuyan akong nasa bakuran nang bahay at kahit dumidilim na ang kapaligiran ay di pa rin kami tumitigil sa paghahanap kay Yanichen
Nalaman namin na di naman nawawala si Rhica at nasa mabuti siyang kalagayan ngunit nang magtipon kami ay nawawala si Yanichen
"Yanichen!" sigaw ko
Nakikita ko ang iba na naghahanap sa loob nang bahay habang ang iba naman ay naka-upo nalang at sumuko na sa paghahanap kay Yanichen
Ang bilis naman nilang sumuko!
Patuloy lang ako sa paghahanap at di alintana kung halos di ko na nakikita ang dinadaanan ko
"Uhhpmm!" daing ko nang biglang may tumakip sa aking bibig
Pilit akong nagpumiglas ngunit mas malakas sa akin ang humahawak sa akin kaya wala akong nagawa kundi ang sumabay nalang
Nakarating kami sa dalampasigan at dahil sa sinag nang buwan, naaninag ko na ang braso nang taong humihila sa akin
Lalaki?
Tumigil kami sa nabaling pakpak nang chopper at doon na niya ako binitawan
Tinignan ko ang walang hiyang humila sa akin dito at nasaksihan ko ang taong naging sanhi nang kabiguan ko
"P-paul, b-bakit mo ako hinila hanggang dito?" naiilang na tanong ko sa kaniya
Sa halip na sagutin ang katanungan ko bagkus ay lumapit lang siya sa akin sabay hawak sa kamay ko
"I didn't mean to scare you but gusto ko lang sanang humingi nang tawad sa iyo" sabi niya
"Tawad? Para saan? Sa pagdala sa akin dito?" tanong ko at tumawa nang peke
Sana gumana
"N-no, but for accusing you as the killer" nakayukong sabi niya sa akin
Nanlambot naman ang aking mga tuhod at di ko na napigilan ang pagtulo nang aking mga luha
Tuluyan kasing bumalik sa aking isipan ang masasakit na sinabi niya sa akin at bawat diin na ako ang killer
"O-okay nayun, ano ka ba di ko naman dinamdam yun" sabi ko sabay punas nang mga luha sa aking mga mata
Masakit isipin na ang taong mahal mo pa ang siyang unang manghuhusga sa iyo at ang taong hihila sa iyo pababa
Napa-angat ang kaniyang tingin sa akin at tila sinusuri kung nagsasabi ba ako nang totoo
"Are you sure? Why are you crying?" tanong niya sa akin
Mabilis naman akong umiling at pinunasan ang mga natitirang bakas nang luha sa aking mga mata
"Wala to, napuwing lang ako" sabi ko sabay tawa
"Once again im so sorry" sabi niya sabay hawak sa pisngi ko
"Okay lang sabi eh, alam ko naman na nagawa mo lang iyon dahil sa labis na paghihinagpis sa pagkamatay nang pinakamamahal mong babae, si Quennie" sabi ko
Alam kong may kirot pa rin sa aking puso sa tuwing sinasabi ko ang mga katagang iyon
Alam kong tanga ako dahil umibig ako sa taong may mahal nang iba ngunit ewan ko bas a puso ko kung bakit si Paul pa rin ang patuloy na sinasambit at hinahanap nito
Tila naniwala naman siya kaya nasilayan ko na ang kaniyang ngiti, ang ngiting nagpa-ibig sa akin
"Tara na at hahanapin ko pang muli si Yanichen" pagyaya ko sa kaniya dahil nakakaramdam na ako nang awkward
BINABASA MO ANG
Blessing or Curse (COMPLETE)
TerrorHighest Rank Achieved: #3 in psycho #2 in killer #23 in mystery #80 in thriller