Jestonie's POV:
BANG!
Malakas na putok nang baril ang umalingawngaw sa apat na sulok nang bodega
Pinipigilan ko ang pag-iyak ko nang dahan-dahang napapaluhod si Jane at hinihintay ang kaniyang kamatayan
Napatignin ako kay Christian ngayon na nakangiti habang hawak ang baril sa pagpaslang sa kaibigan ko
Di ko maiwasang mag-sisi kung bakit ko siya dinala dito
NAGLALAKAD ako palabas nang bodega matapos ang madrama naming encounter ni Jane nang makasalubong ko si Christian
"Tol, nasan si boss?" pabungad niyang tanong sa akin
"A-ah nasa b-bodega" kinakabahan kong sagot sa kaniya
Ngumiti naman siya at naglakad na papunta sa bodega
Nanlaki ang mata ko nang Makita kong may nakatagong baril sa likod kaya mabilis ko siyang pinigilan
"Tol, anong balak mo?" tanong ko sa kaniya
Lumingon siya sa akin at tinignan ako sa mata nang seryoso
"Tatapusin ko na ang kaniyang kasamaan. Kailangan na niya tayong pakawalan sa paghawak niya sa ating leeg" sabi niya sa akin
"P-pero baka mapano si Jane"
"Jane?" nagtatakang tanong niya
Napakamot ako sa ulo dahil siguro wala pa silang alam na si Jane ang sunod na biktima
"Si Jane ay nasa loob nang bodega kasama si Boss dahil siya ang susunod na biktima" sabi ko sa kaniya
Napalaki ang mata ni Christian ngunit pagkalipas nang ilang Segundo napalitan iyon nang ngiti
"May plano ako" sabi niya at sabay na kaming naglakad papasok nang bodega
"B-bakit?" huling salita ni Jane at tuluyan na nga siyang napahiga sa malamig na sahig
Pinipigilan kong umiyak dahil ayaw kong ipakita ang kahinaan ko
Patawad
"Aggghh! Ano pang tinutunganga niyo dyan? Tulungan niyo ako!" sigaw ni boss sa amin
Nagmadali naman akong pinuntahan si Boss samantalang si Christian naman ay pinuntahan ang malamig na bangkay ni Jane
"Boss, malalim ang sugat mo. Tara dadalhin ka naming sa silid-pagamutan" yaya ko sa kaniya
Nakatanggap ako nang malakas na batok galing sa kaniya
"Bobo! Baka magtaka sila kung bakit may sugat ako" sigaw niya sa akin
Napatingin ako sa baba at nakita kong ang isang pliers na may dugo
Napatingin ako kay Jane at napangiti
Palaban ka talaga, di ka sumuko kahit sa huling sandal nang buhay mo
BINABASA MO ANG
Blessing or Curse (COMPLETE)
HorrorHighest Rank Achieved: #3 in psycho #2 in killer #23 in mystery #80 in thriller