Angelie's POV:
"Asan na ba ang mga tao sa bahay na ito?" inis kong tanong sa sarili ko
Pinagtulungan na naming nina Karyll at Claire ang paglibing sa bangkay nina Jest at Alra
"Oo nga, Tatlo nalang tayong natitira" sabi ni Karyll
Wala kaming nagawa kundi ang tiisin ang bigat nang dalawang bangkay na aming binubuhat
"Nag-aalala na ako kina Paul, Cheri at Jan Marire. Kanina pa sila nawawala" sabi ni Claire
"Tawagin kaya natin yung dalawang Queens sa itaas?" mungkahi ko sa kanila
"Iwan muna natin to dito" sabi ni Claire
Iniwan na namin ang bangkay sa bukana nang pintuan
Umakyat na kami sa itaas para tawagin ang dalawang Queens
"Sandali" sabi ni Claire
Napahinto kami sa paglakad at tinignan namin si Claire
"Bakit Claire? May problema b-...."
"Shhhhhhh! Makinig kayo" sabi niya sa amin
Tumahimik kaming dalawa ni Karyll at pinakinggan ang paligid
"Gosh ano yun?" bulong ni Karyll
Mga mahihinang paimpit na ungol ang aming naririnig
"Tila may nagtitiis sa sakit" sabi ko sa kanila
Sinundan namin ang ingay at napadpad kami sa harap nang kwarto ni Rizalyn
"Dito nanggagaling ang ingay" sabi ni Karyll
Bubuksan na sana namin ang pintuan nang kusa nalang itong bumukas at iniluwa nito si Rhica
"Rhica, ano yung ingay na-........." natigilan ako sa aking tanong nang Makita ko ang kabuuan ni Rhica
Puno ang dugo ang kaniyang damit at kamay
Hawak-hawak niya ang isang basag na salamin at tumutulo ang dugo nito pababa sa sahig
"R-rhica? B-bakit ang daming d-dugo sa katawan m-mo?" tanong ni Claire
Napa-iwas ako nang tingin sa kaniya dahil umaatake na naman ang phobia ko sa dugo
Ayaw kong mahimatay dito ngayon dahil di ko alam kung kalian uli ako magigising
"Ah eto ba? Wala to" sabi ni Rhica
Napatingin ako sa mukha ni Rhica at kita ko doon ang pamumula nang mata niya
"Umiiyak ka ba? Tsaka nasaan si Rizalyn?" tanong ni Karyll
Di kaya?
Mabilis kong binuksan ang pintuan at nandoon nga nakahiga ang pugo't ulong katawan ni Rizalyn
"Girl pinatay mo siya?!" tanging reaksyon ko
Nakakaramdam na ako nang paninikip nang aking dibdib at panghihilo nang aking ulo sa dami nang dugo sa paligid
"R-rhica? I-ikaw ba a-ang k-killer?" tanong ni Claire
Di ko na narinig ang sagot ni Rhica nang tuluyan na akong lamunin nang dilim
Karyll's POV:
"R-rhica? I-ikaw ba a-ang k-killer?" tanong ni Claire
BINABASA MO ANG
Blessing or Curse (COMPLETE)
TerrorHighest Rank Achieved: #3 in psycho #2 in killer #23 in mystery #80 in thriller