Paul's POV:
Habang nagkasakay ako sa motor ni Jan Marie, di ko maiwasang amoy-amuyin ang kaniyang buhok.
Hmmm Palmolive
Habang nasa intersecting lane na kami, biglang may lumikong truck papunta sa amin. Dahil sa pagkataranta, niliko ni Jan ang motor at kami ay nabangga sa isang puno.
Tumama ang ulo ko sa bato. Biglang may lumabas na imahe sa aking isipian. Isang imahe na malabo ngunit nakikita ko.
Si Androe, nakatayo kasama si Rosenette. Naka-itim si Androe nang damit at si Rosenette naman ay naka hubad ngunit wasak ang dibdib nito. Kapwa nagngangalit ang kanilang mga mata. Tila galit sila at humihingi ng hustisya.
Biglang lumapit sa akin si Androe. Punong-puno siya ng sugat at may paintbrush sa mata. Umiiyak siya habang may sinasabi ngunit di niya ito magawa dahil wala na ang kaniyang dila. Lumapit si Rosenette sa akin habang punong-puno ng sugat ang mukha.
"Lumayo ka sa kaniya! Hay*op siya! " sigaw niya sa akin.
Magtatanong pa sana ako kung sino ngunit naririnig ko ang pagtawag ng pangalan ko.
Pagdilat ng mga mata ko, maamong mukha ni Jan Marie ang nakita ko.
"Mabuti at gising ka na, Tumayo kana at iliigtas pa natin ang buhay ng Tres Marias" sabi niya sa akin.
Ewan ko pero nakaramdam ako ng takot at pangamba.
Dali-dali akong tumayo at nag pagpag ng damit ko. Nakita kong sumakay nang muli si Jan Marie sa kaniyang motor. Wala na akong nagawa kundi ang umangkas sa kaniya.
Nakarating kami sa bahay ni Trisha. Kumatok ako ng tatlong beses at naghintay ng kaniyang paglabas. Nakita naming bumukas ang pinto at lumabas nang nakapantulog si Trisha.
''Oh napa bisita kayo" bati niya sa amin habang nag-aayos ng buhok.
"Sumama ka sa amin, kayo ang susunod na mamamatay. " deritsyuhang sabi ni Jan Marie
"HUH?! Teka bakit?! Pano?! " sabi niya sa amin. Magsasalita pa sana ako ng nakita kong may lumabas na lalaki galing sa isang kwarto.
"Beh? Anong nangyayari" sabi ng lalaki.
''Wala beh matulog kanang muli" sabi ni Trisha sabay halik sa pisngi ng nobyo niya.
"Ahh by the way, guys my boyfriend, Andrie "pakilala niya sa kaniyang boyfriend.
"Paul pare at si Jan" sabi ko. Nagkamayan lang kami at di nagtagal umalis na ang boyfriend ni Trisha.
"Paano na?! Bakit ako? Bakit kami" sabi ni Trisha sabay iyak. Pinakita namin sa kaniya ang nakita naming sulat at tuluyan na nga siyang napaluhod habang humahagulhol.
'' tara na Trisha, baka mahuli pa tayo" sabi ni Jan Marie kay Trisha at tinulungan na namin siyang tumayo.
Dahil tatlo na kami, napilitan nalang kaming mag-commute ng jeep.
Sunod na pinuntahan naming bahay ay kay Cheri.
"Cheri! " tawag ni Trisha sa kaniya sabay yakap dito. Tumulong muli ang mga luha ni Trisha.
"Oh bakit ka umiiyak" tanong niya dito.
"Mabuti naman at ligtas ka" bati niya sa kaniyang kaibigan. Kita ko ang kaguluhan at pagtataka sa mukha ni Cheri.
BINABASA MO ANG
Blessing or Curse (COMPLETE)
HorrorHighest Rank Achieved: #3 in psycho #2 in killer #23 in mystery #80 in thriller