Chapter 59

26 4 1
                                    


Brian's POV:

"Tang in*!" malakas na mura ang narinig ko

Dahan-dahan kong minulat ang aking mata na at nakita kong nasa harapan ko ngayon si Johann na nakatali pabaliktad samantalang ako naman ay naka-upo sa isang silya at nakatali gamit ang bakal

"Ugghh!" daing ni Johann

Nakita kong wala siyang suot na damit at puno nang sugat ang kaniyang katawan

Punit-punit na rin ang kaniyang pantalon at halos di mo na siya makikilala dahil bugbog sarado ang kaniyang mukha

"AAGGHH!" malakas na daing niya nang may pumalo sa kaniya

Nakita kong nasa tabi niya si Christian na patuloy na hinahampas siya gamit ang latigo

Kaya siguro madami siyang sugat dahil kanina pa siya nilalatigo ni Christian

Di ko kayang sumigaw o gumalaw dahil sa higpit nang pagkakatali sa akin. May busal rin ang aking bibig kaya wala akong magawa kundi ang pagmasdan ang masalimuot na nangyayari kay Johann

"Tama na!" sigaw ni Johann

Patuloy lang sa paghampas si Christian nang latigo at patuloy rin sa pagdaloy pababa ang masaganang dugo ni Johann pababa

"Brian, Brian, Brian, mabuti naman at gising ka na" sabi nang isang tinig sa aking likuran

Kahit mahirap, pilit kong nilingon ang nagsasalita sa aking likuran at duon ko nakita ang isang taong nakangiti nang matamis sa akin

"Huwag kang tumingin sa akin, sa kaniya" sabi niya sa akin sabay gabay sa ulo ko papunta sa direksyon ni Johann

Napapa-ubo na nang dugo si Johann at halos di na siya makadilat pa

"Napakagandang tanawin diba?" tanong nang killer sa akin sabay tawa

Tumatawa rin si Christian habang halatang nag-eenjoy sa paghampas nang latigo kay Johann

"Ughhh!" daing ni Johann

Nilapitan nang killer si Johann habang nakangiti

"Nakita ko ang ginawa mo kanina kay Rey at masasabi kong napakababoy mo pero thanks for that kasi naka-isip ako nang paraan sa pagpapahirap sa iyo" sabi ang killer sa kaniya

BLAG!

Napatingin ako sa bandang kaliwa ko nang marinig ko ang malkas na pagbukas nang pintuan

Nakita ko si Jest na papasok sa bodega hawak-hawak ang isang balde at base sa kaniyang mukha, nandidiri ito

"Heto na Boss! Ewww napakabaho" maarteng sabi ni Jest sabay kuha nang tubig at naghugas nang kamay

"Manahimik ka! Para kang hindi lalaki kung makapag-inarte ka dyan" sabi nang killer sa kaniya

Napadako ang tingin ko sa baldeng nasa sahig

Amoy palamg nito alam ko nang di ko gugustuhing hawakan ito

"Surprise!" sabi nang killer sabay bukas nang takip nang balde

"Yuck!" sabi ni Christian

Nakakadirig pagmasdan ang nasa balde kasi alam kong pinaghalong dumi nang tao at ihi ito

"Boss di ko na kaya ang baho" sabi ni Christian at lumabas na sila ni Jest habang sapo-sapo ang kanilang ilong

"Ang aarte" sabi nang killer

Naka-upo lang ako dito at pinagmamasdan ang ginagawa nang killer

"Ngayon Johann, handa ka na ba?" tanong nang killer kay Johann

Blessing or Curse (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon