Chapter 60

28 4 1
                                    


Sophia's POV:

Naka-upo lang kami dito sa hapag-kainan nina Angelie, Alra, Karyll, at Claire samantalang ang iba naming classmates ay hinahanap ang nawawalang sina Rey, Brian at Johann

Napag-alaman naming na silang tatlo ang nawawala nang magtipon-tipon kami kanina kaya may hinala kaming dalawa sa tatlong iyon ang susunod na mamamatay

"Kinakabahan na ako" sabi ni Alra sabay yakap sa sarili niyang tuhod

"Theres nothing to worry about" sabi ni Angelie sa kaniya

"Grabe naman, wala pang dalawang linggo simula nang pumunta tayo dito ngunit madami nang namatay sa atin" sabi ko

"Maling desisyon na pumunta tayo dito at humihingi ako nang tawad dahil isa ako sa mga taong nagdesisyon nito" sabi ni Angelie sa amin

"Ano ka ba! Wala kang kasalanan kundi ang killer" sabi ni Karyll sa kaniya

"Tama kaya Cheer Up girl" sabi ni Cheri sa kaniya ngunit bakas sa kaniyang mukha at boses na pinipilit niyang maging matatag

Napapikit ako at pilit na kinakalma ang nagbabadyang pagtulo nang luha ko

"Hanggang ngayon pa rin, palaisipan pa sa amin ni Alra kung sino ang batang babaeng nagpakita sa amin" sabi ni Claire

"Nasabi na iyan ni Alra sa amin noong nawawala sina Vessel, Edzel, Leonard at Jovannie noon" sabi ni Karyll

"Pero kung sino man siya, dapat nating mag-ingat dahil nagawa niyang saktan at patulugin sina Alra at Claire" sabi ni Cheri

Namayani ang katahimikan sa amin nang biglang pumasok si Jan Marie na pawisan

"Guys! Nahanap na naming si Rey!" sigaw niya

Agad na nagsipagtayuan kami at sinundan si Jan

"Jan, tama ba tong dinadaanan natin? Bakit patungo tayo sa masukal na gubat?" tanong ko

"Dahil sa gitna nang gubat natagpuan ang bangkay ni Rey" sabi niya sa amin

"Bangkay?!" gulat naming respond sa kaniya

Hindi na sumagot si Jan at sinenyasahan niya lang kami na tumahimik at sumunod nalang

"Jan Marie! Where the heck did you go?" maarteng tanong sa kaniya ni Rizalyn

"Sinundo sila" walang emosyong sabi ni Jan sa kaniya

Nakita naming nandoon nga ang iba naming classmates at nasa baba ang walang buhay na si Rey

"Gosh, napano siya?" tanong ni Claire sa kanila

"Base sa kaniyang natamong injuries, masasabi kong tinusok sa kaniya ang kahoy na iyon......" sabi ni Christian sabay turo sa kahoy na may bahid nang dugo ".......at inungtod siya sa batong iyan" dagdag niya sabay turo sa bato kung saan nakapwesto ang duguang ulo ni Rey

"Grabe naman pala ang natamo niya bago namatay" sabi ni Cheri

"Kung gayon, isa nalang ang hahanapin nating bangkay! Its either Brian or Johann Body" masayang sabi ni Alra dahil nakatumbok siya nang isang ideya

Tss...childish

"Mali ka" sabi ni Paul

Napasimangot naman si Alra at napatingin kaming lahat kay Paul

"Base sa clue na natagpuan natin sa kili-kili ni Jane, nakasaad doon na dahil sa pagpatay nilang dalawa mawawala sila kaya sa palagay ko, sina Brian at Johann ang may gawa nito at hindi ang killer" paliwanang ni Paul

Blessing or Curse (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon