Killer's POV:
Boogsh!
Tumilapon ako nang ubod nang lakas dahil sa tindi nang kaniyang pagkakasampal sa akin
"Inutil ka talaga! Di ka nag-iingat! " sigaw niya na halos mabasag ang aking ear drums
"Patawad Soul Empress" sabi ko sabay yuko kahit akoy nasasaktan na
"Tandaan mo, kapalit nang buhay nila ay ang muling pagkabuhay nang iyong minamahal" paalala niya sa akin
Oo nakipagkasundo ako sa isang Diablo upang mabuhay muli ang aking minamahal. Nakipagkasundo ako kay Samantha kapalit ang buhay nilang lahat
"Natatandaan ko po Soul Empress" sabi ko sa kaniya
"Mabuti ngayon ay aalis na ako at oras mo na upang mag-alay na naman nang buhay sa akin" paalam niya sa akin
Agad akong nataranta at tinakpan ko ang dalawa kong tenga dahil alam ko na ang susunod na mangyayari
"Arrgh" daing ko nang marinig ko ang kaniyang matulis na pagsigaw
Bigla ko nalang naramdaman na mayroon na namang mga maliliit na insektong gumagapang sa paa ko at di naglaoy nawala na
"Hay" pag buntong hininga ko nang umalis na si Samantha
Nakasanayan ko na na tuwing maglalaho siya ay sisigaw siya at may mga nakakadiring nilalang na lumalabas sa kaniya hanggang sa maglaho na siyang tuluyan
Creepy
"Ngayon, oras mo na upang mawala Quennie" sabi ko sabay tawa
Nagmadali na akong naghanda nang aking gagamitin at plano upang di nila ako mapansin
Hinanda ko ang isang baldeng may tubig sa taas nang generator at katabi nito ay isang orasan na saktong 4:30 ay aalog ng di kalakasan ngunit sapat na upang maigalaw nito ang balde. At sa pagalaw nang orasan, gagalaw din ang balde at ang laman nitong tubig ay mahuhulog sa generator
Ang talino ko talaga
Pinapunta si Quennie sa taas kaya ang taong makakatulong sa akin ay si Christian
"Yes Boss" sagot niya sa maliit na telepono sa kaniyang tenga
Kahit walang signal dito sa isla, nagagawa parin naming magcommunicate gamit nito. Pinasadya ko pa talaga to sa England dahil inventor ang tatay ko doon
"Makinig ka, sa pagsapit nang dilim agad mong gagawin to..... " at pinaliwanag ko sa kaniya ang mangyayari at ang kaniyang gagawin
Quennie's POV:
Nakakainis! Bakit ba kasi kailangan pang ikulong kami dito sa taas eh pwede naman kaming bantayan sa ibaba
"Im bored! " sigaw ko sabay higa sa tabi ni Karyll
"Hey, magdahan-dahan ka baka magising yan" saway sa akin ni Christian
Napa-roll eyes nalang ako dahil sa kaniyang sinabi
"Yow bitchess! " pagtawag ko sa mga Queens ngunit si Rhica lang ang tumingin
Tama nga pala, may galit pa sila Reene at Rizalyn sa akin
"Bakit Quennie?" tanong ni Rhica
Napabuntong hininga nalang ako at humiga sa kama
"Sige na" sabi ko sabay pikit nang mata ko
BINABASA MO ANG
Blessing or Curse (COMPLETE)
HorrorHighest Rank Achieved: #3 in psycho #2 in killer #23 in mystery #80 in thriller