Claire's POV:
BANG!
Magkasunod-sunod na pagputok ang aming narinig na nagpakaba sa amin
"Putok yun nang baril!" sigaw ni Paul
Nagsipagsigawan naman kami dito at nagkanya-kanya nang tago dahil baka tamaan kami nang ligaw na bala
"Sino ba ang nagpapaputok?" tanong ni Alra
"Di ko alam, baka ang killer" sabi ko sa kaniya
"Sh*t!" Biglang napamura si Jest sa aking sinabi
Tuloy pa rin ang pagputok nang baril kaya di kami makalabas
"Tutulungan ko lang kung sino ang binabaril!" sigaw ni Jest at biglang tumayo
Sa pagtayo niya, nagulat kami nang mapasigaw nalang ito bigla sabay hawak sa sugat niya sa Leeg
"Napano siya?" tanong ni Alra
Dahil siguro sa sakit, napahiga nalang si Jest at tuluyang nawalan nang malay
Akala naming lahat na natamaan siya nang ligaw na bala ngunit nakakapagtataka na umiilaw ang kaniyang sugat sa Leeg
"Bakit umiilaw ang sugat niya?" tanong ni Karyll
"Don't ask a question that we all don't know stupid" pambabara ni Rizalyn
Sawakas at natapos na ang mga pagputok nang baril kaya Malaya na kaming makakatayo at lapitan si Jest
"Bilis! Dalhin na natin siya kay Christian at nang magamot agad" utos ni Angelie
"Susunod ako, titignan ko lang kung saan nanggagaling ang pagputok" paalam ni Paul
Pinagtulungan naman nilang lahat ang pagbuhat kay Jest patungo sa silid-pagamutan
"Sinong marunong nang paunang lunas sa inyo?" tanong ni Angelie
"Gosh I don't have any background about healing people" maarteng sabi ni Rhica
"Sa pagluluto lang ang kaya ko" sabi naman ni Karyll
Dahil walang may alam sa amin nang panggagamot, minabuti nalang naming maghintay kay Christian kung saan man siya naroroon
BLAG!
Napatingin kami sa pintuan nang biglang bumukas ito nang pagkalakas-lakas
"Paul? Bakit?" tanong ni Rizalyn
Kita naming ang pagdaloy nang pawis ni Paul sa mukha at ang panginginig nito
Bakas sa kaniyang mukha ang takot at pagkabalisa
"P-patay na siya, w-wala na si Christian" sabi niya sa amin
"P-patay na? b-bakit? A-asan ba siya?" nauutal na tanong ko sa kaniya
Dahan-dahan siyang napaluhod na tila nanghihina
"S-sa C.R., n-nakahandusay ang kaniyang b-bangkay sa sahig. Basag ang k-kaniyang mukha dahil sa p-pang-gigigil dito sa pagbaril" kwento niya
"Kung ganon, sa kaniya nanggaling ang mga pagputok kanina?" tanong ni Rhica
Napatango naman si Paul sa kaniya
"Sino kaya ang may gawa non?" tanong ni Alra
"Stupid! Malamang yung killer sino paba" pambabara ni Rizalyn
Napalinga-linga ako sa paligid upang tignan at bilangin kung ilan nalang kami nang malaman kong kulang kami
"Teka? Nasaan si Jan Marie at Cheri?" tanong ko
BINABASA MO ANG
Blessing or Curse (COMPLETE)
HorrorHighest Rank Achieved: #3 in psycho #2 in killer #23 in mystery #80 in thriller