Chapter 23

56 6 0
                                    

Trisha’s POV:

Naglalakadd ako sa isang hardin na punong-puno nang mga bulaklak at nagliliparang mga paru-paro.

“Beh halika ka ang ganda!” sigaw ko sa aking boyfriend ngunit di ito sumagot.

“Beh?” tanong ko sabay tingin sa likod ko. Nakita ko siyang nakatayo sa may bangin at nakangiti sa akin

“Beh baka mahulog ka!” sigaw ko sa kaniya

“Paalam Trisha, mahal kita” sabi niya sabay talon sa bangin

“BEH!” sigaw ko.

Napabalikwas ako galing sa pagkakatulog dahil sa masamang panaginip. Napa-iyak ako at napahagulgol nang napagtanto kong patay na pala si Andrei. Wala na ang taong mahal ko at ang taong pakakasalan ko

Tinignan ko ang wedding ring namin at hinalikan ko ito

“Paalam Beh” sabi ko sabay iyak

Napatingin ako sa baba nang mapansin kong may mga dugo ito. Sinundan ko ang mga dugo at napatakip ako sa aking bibig nang Makita ko ang tatlong matanda na nakahiga sa baba at may mga sugat at saksak sa katawan

“AHHHH!” sigaw ko sa takot at gulat

Nakarinig ako nang tunog nang mga taong nagsisipagtakbuhan

“Trisha! Anong nangyari?” tanong sa akin ni Claire

“Gosh” sabi ni Alra sabay takip sa kaniyang bibig. Napatingin lahat nang classmates ko sa direksyong tinitignan ni Alra

“Oh My Gosh!”

“Hala!”

“SH*T!”

Kaniya-kaniyang mura nila nang Makita rin nila ang bangkay nang tatlong matatanda

“Trisha, anong nangyari dito?” tanong sa akin ni Angelie

“Di ko alam” sabi ko sabay iyak

“Asan si Lhyka? Pati si Ericka?” tanong sa akin ni Karyll. Napaangat ako nang tingin sa kaniya at tinignan ang buong kwarto

“Wala sila dito nang gumising ako” sabi ko sabay punas nang mga luha ko

“HA! Sila ang naghatid sayo dito” sabi ni Jack sa akin

“Sana mali ang iniisip ko” bulong ni Jan Marie sa tabi ko

Kita ko sa kanilang mukha ang takot at kaba sa nangyari kina Lhyka at Ericka.

“Anong gagawin natin sa mga patay, walang hospital dito o morgue?” tanong ni Brian

“Let’s just burry them at the backyard” suggestion ni Leonard

Pinagtulungan nang iilang mga lalaki na buhatin ang mga bangkay patungo sa likod bahay

“Grabe naman yang killer nayan. Pagkatapos pasabugin ang mga chopper na may limang piloto, tapos ngayon yung tatlong matanda naman. Baka pati sina Lhyka at Ericka wala na din” sabi ni Jack sabay tawa

Sinuntok siya ni Johann sa mukha

“Tol nagbibiro lang ako” sabi ni Jack

“Di magandang biro Jack” sabi ni Johann sabay suntok sa kabilang panga nito

“Ano ba awatin niyo sila” sigaw ni Rhica

Pinagtulungan nang ilan kong classmates na awatin ang dalawang nagsusuntukan

Blessing or Curse (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon